“Tara pasok ka,”aya nito. Inaya ba talaga ako nito papasok o pwersahan ang ginagawa nito sa akin. Napa-lingon naman ako kay Zadie na naawa na nakatingin sa akin habang umi-iling. Ano ang ibig sabihin ng mga iling nito? Nasa isang delikadong sitwasyon ba ako? "Kumain ka na ba?" Tanong ni ano nga pangalan nito? Hindi pa nga pala ito nagpa-kilala. Tita ni Zadie nalang. "Ay oo nga pala,"sambit nito, "You can call me Tita Kris,"dugtong niya at pina-upo ako sa couch dito sa kanilang sala. "Wait mo 'ko rito,"sabi niya at umalis. Saan kaya iyon papunta? Napa-daan naman ang paningin ko sa isang malaking frame dito sa sala at mayroong naka-lagay na family picture. Tumayo ako sa aking pagkaka-upo at

