"Ngunit kailangan mo malaman ang buong pangyayari."sabi ni Zadie at tumahimik saglit bago nag-patuloy sa kaniyang eksplinasyon. Oo at alam ko na ang tungkol sa sumpa ngunit hindi ko alam kung ano ang pinagmulan nito at kung paano. Ito na siguro ang tamang oras upang malaman ko ang tungkol sa ganitong mga bagay. "They are avoiding you because of Section A's curse,"paliwanag nito. Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya at ina-abangan ang susunod nitong sasabihin. "Let me start from the beginning. 9 years ago, may magka-kaklase rin na nabibilang sa seksyon na iyan. Katulad niyo ay masaya rin ang mga ito sa tuwing pumupunta sa paaralan, but things change when most of their classmates are being killed by an unknown entity,"paliwanag niya. "They tried to look for the reas

