“Good morning,”bati ko pabalik, tumango lang ang dalawa at dumeritso na sa kanilang upuan at nag-uusap. Buti pa itong dalawa maaga habang iyong mga kaklase ko ay nganga. Lumipas ang isa at kalahating oras ay na tapos na rin ako sa ginagawa ko. Finally, makakapag-pahinga na ak buong week. Wala na akong gagawin. “Calixtaaaaa!” Sigaw ng walang iba na si Amani mula sa pinto habang naka-spread ang kaniyang dalawang braso. “Aray,”daing nito ng batukan ito ng kaniyang kasama na si Zaria. “Manahimik ka nga, kay aga-aga,”inis na saway ni Zaria rito. “Ang Kj mo talaga!” Reklamo ni Amani at ngusong nag-lakas patungo sa pwesto ko. Sumunod naman si Zaria sa kaniya. “Calixta, tignan mo si Zaria oh,”sumbong nito sabay hila ng upuan niya at inilagy sa gilid ko. Yumakap naman ito sa braso ko at isin

