Hindi ko alam ang rason nito kung bakit niya ito nagagawa. Bakit niya naisipan na lagyan ng Kemikal ang isa sa mga inumin namin. Ano ba talaga ang motibo nito? Lumapit naman ako sa bintana na kung saan ko nakita si Zadie na naka-tayo at kitang-kita ko mula rito ang buong likurang bahagi ng old building. Napabuntong hininga ako bago ako nagsimulang maglakad papalabas ng classroom na ito ngunit, napa-kapiy ako sa dingding ng makaramdam ako ng panghihina at halos ako ay matumba. Napa-tingin ako sa mga tuhod ko na ngayon ay nanginginig na. Umayos ka Calixta. Kailangan mo pa na umakyat sa itaas. Kailangan mo pa mag-tungo sa rooftop. Huminga lang ako ng malalim at umayos ng tayo. Unti-unti kong hinakbang ang mga paa ko habang naka-kapit sa dingding ng classroom na ito. Nang maramdaman ko na

