Tumagilid ako ng pwesto at napa-titig sa dingding ng aking kwarto, huminga ako ng malalim at sinubukan na ipikit ang aking mga mata. Bigla ko naman naalala ang dala-dalang bottled water ni Zadie at ang bottled water na ininom naming lahat sa oras ng aming practice. Kaparehong-kapareho ito, gusto ko man tanungin ang babaeng iyon ngunit paano ko naman ito gagawin? Kapag nag-tanong ako ay maaring mayroon na namang mawawala na isa sa mga kaklase ko. Napaka-hirap ng sitwasyon na ‘to. Bigla namang nag-vibrate ang aking cellphone ngunit tina-tamad akong sagutin ito. Hindi ko alam kung text lang ba ito o tawag, ngunit na sagot naman ang tanong ko ng mahabang nag-vibrate ito sa aking kama. Bumangon na ako at napa-buntong hininga. Sinong lapastangan ang magba-balak na disturbohin ang isang magand

