“Ni-lista ko na lahat ng kina-kailangan ko,” tugon ko atsaka bumalik sa pinag-lagyan ko ng bag at inisilid na roon ang kinuha ko na wallet, “Isa pa kanina mo pa paulit-ulit na tsine-check iyang notes ko,”dugtong ko atsaka napa-iling. “Paano ba naman kasi,” sabi nito atsaka umupo sa higaan ko, “Baka matulad na naman iyan sa laptop mo.” “Hindi na ‘yan,”sabi ko atsaka ipinasok na sa bag ang mga nakalatag na mga gamit sa higaan ko. “Mukhang ikaw ‘yong kina-kabahan para sa’kin ah,”tugon ko sa kaniya at napa-ngiti nalang. Alam ko naman na gusto niya lang na masigurado ko na wala akong kinalimutan sa mga dapat kong dadalhin pero masiyado naman yatang exaggerated itong babaeng ito. “Paano ba naman kasi event ‘yan ng department niyo eh,”tugon nito at tumalikod sa akin. Tinigil ko na muna ang gi

