Ang tanging alam ko lang ay mayroong sumpa ang seksyon namin pero hindi ko alam kung paano, bakit, at kung ano-ano pa. Kahit sila lola at Lea ay hindi alam ang totoong rason sa likod ng sumpa na ito kung kaya ay hihintayin ko na sila na mismo ang magsabi sa totoo. "Calix," napalingon naman ako sa tumawag sa akin at nakita si Kath na nag-aalalang naka-tingin sa akin habang naka-hawak sa balika ko. "Bakit?" Tanong ko rito at umayos ng tayo. Bumitaw naman ito sa pagkaka-hawak sa akin at ngumiti. "Pasensya ka na at hindi namin sinabi sa'yo," sabi ni Kath at malungkot na tumingin sa akin, ngumiti lang ako sa kaniya atsaka kinuha ang mga gamit ko ng makapag-bihis na. "Hindi naman kasi namin ine-expect na dadating kayo sa punto na magkaka-sigawan na," nito sabay sandal sa locker, patuloy lang

