Kailan kaya ito mati-tigil? Mata-tapos ba talaga itong sump ana ‘to o tuluyan na itong mananatili sa buhay ng mga tao sa isla na ito? Gusto ko man silang tulungan pero sa tuwing may ginagawa akong involve kay Zadie ay lagi nalang nababawasan ang bilang namin. “Alam mo ba na nakaka-baliw ‘yan?” Tanong ni Kath atsaka inilapag sa harap ko ang isang bottled water. Kinuha ko naman ito atsaka binuksan at uminom. “Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko rito atsaka siya tinignan ng masama, bahagya naman itong tumawa at umi-iling na napa-tingin sa paligid. “Kanina pa kita na kitang tulala,”tugon nito, “pagkatapos ay bigla nalang iiling at malu-lungkot,”paliwanag nito at tinignan ako sa mga mata. “Wala,”sambit ko, “Ini-isip ko lang ang mga nangyari sa atin nitong mga nag-daang araw,”paliwanag ko at

