Game 34

3007 Words
Sumunod lamang ako sa kanila kahit wala na naman talaga akong plano na magtagal. Alam kong ilang oras simula ngayon ay aalis at aalis na rin ako. Ayaw kong sumama sa ganitong klaseng grupo, alam ko talaga na may ginagawa silang hindi maayos kapag nakatalikod ako o nagpapahinga. Wala pa rin akong tiwala sa mga katulad nila. Wala pa rin akong tiwala na maging isa sa kanila.  Huminga ako ng malalim habang tinitignan silang masayang nag-uusap. Kung titignan ay parang sobrang laki ng kanilang tiwala sa isa't-isa.  Totoo ba talaga itong kanilang pinapakita o hindi? Nais ko sana itong malaman pero mukhang magiging malabo iyon. Alam kong magiging malapit sila sa akin sa oras na magtagal pa ako sa grupong ito. Nanatili lamang akong tahimik sa kanilang likuran habang nakikinig sa kanilang pinag-uusapan. "Masiyadong namimiss na ni Sam ang kaniyang asawa kaya tara na at magsimulang maglakbay,"sabi ni Lauriel at nagsimula ng maglakad. Sumunod naman kaming lahat habang tumatawa sa ekspreyon nito, pulang-pula ang kaniyang mukha habang umiiwas ng tingin. "Oo nga pala, Kori,"saad ni Treyni at sumabay sa paglalakad ko. "Bakit Treyni?" "Ang bayan pala namin ang susunod na malapit na mapupuntahan mo kapag galing ka ng Floridel, kung kaya ay huwag kang mag-alala na baka may malampasan ka na ibang bayan." Paliwanag nito. "Ganoon ba, salamat." Sabi ko at ngumiti sa kaniya, tumango lamang ito at tahimik na kaming naglakbay lahat. Wala naman problema sa akin iyon dahil kapag hindi ko pa nadadaanan ang lugar na iyon sa pag-uwi ko ay mananatili at mananatili talaga ako roon ng ilang buwan din. Gusto kong maglakbay hanggang sa makakaya ko, nagbabaka sakali na matutupad ko na ang pinapangarap ko. Naka-ilang tigil pa kami bago namin nakita ang kanilang bayan. Hindi ito ganoon kalaki ngunit sapat na ang isang libo ka-tao na manirahan sa lugar na ito. "Nandito na rin tayo sa wakas,"sabi ni Sam at napa-ngiti na lamang. "Hindi pa tayo makakapunta sa ating mga tahanan hangga't hindi natin nahahatid itong bulaklak,"sabi ni Lauriel at bumuntong hininga, "Pahirapan pa naman ang guild sa pagbigay ng misyon." "Dalian na natin,"saad ni Draco. Nagsimula na naman ulit kaming maglakad hanggang sa malapit na kami sa pasukan. Tinignan ko naman ang mga guwardiya sa bawat gilid na may dala-dalang sibat. "May alam ka bang paupahan na pwede ko tutuluyan?" Tanong ko kay Treyni habang naka-tingin pa rin sa mga kawal na hindi gumagalaw. "Oy! Draco! Naka-balik na pala kayo!" Sigaw ng isang mamang kulay puti ang buhok at may malalaking tenga sa kaniyang ulo. "Pwede ka naman manatili sa bahay ko, ako lang mag-isa roon,"saad ni Treyni. Gulat na napatingin naman ako rito at napa-kurap sa aking mga mata. "T-totoo?" Tanong ko. "Syempre naman!" Tugon nito at ngumiti. "Salamat, Treyni!"  Hinawakan ko ang dalawang kamay niya habang nakatingin sa kaniya na parang batang binigyan ng napakalaking tsokolate. "Ano ka ba, walang anuman iyon." "Nandito na tayo,"anunsiyo ni Draco. Papasok na sana kami ng pigilan kami ng mga kawal. "Bawal kayong pumasok!"  "Aba at bakit? Kailangan namin ibigay sa guild ang na kompleto namin na misyon! Tapos pagbabawalan niyo kaming pumasok?" Sigaw nito, ngunit hindi lamang umimik ang mga kawal at nanatiling nakaharang ang kanilang mga sibat. "Ano ba ang nangyayari sa guild ngayon?" Bulong ni Lauriel. "Sa tingin ko ay may nangyari noong wala tayo rito, na pansin mo ba ang mga malulungkot na mukha ng mga tao?" Bulong ni Treyni. "Laging masaya ang bawat sulok ng bayan natin ngunit ngayon ay parang may namatay." Napatingin naman si Lauriel at pati na rin ako sa mga tao. Tama nga naman si Treyni, sobrang lungkot ng mga tao dito na para bang kinuha sa kanila ang salitang kasiyahan. Ano ba ang nangyari sa bayan na ito? "Malalaman natin 'yan kapag na tapos na tayo rito, hangga't hindi natin mako-kompleto ang ating misyon ay hindi tayo pwedeng umuwi,"saad ni Lauriel. "Utos ng Duke ang walang makakapasok sa guild! Kung mayro'n mang magpumilit ay pagmumultahin!" "Ano!" Sigaw ng lahat.  Kahit ako ay nagulat sa sinasabi ng kawal, paanong pagmumultahin ang mga taong papasok sa guild? Ang guild lamang ang pagkukunan nilang pera, ito lamang ang kanilang trabaho tapos ay sasabihin nila na dapat magmulta? Hindi ba at nawawala rin sa kanila ang mga pinaghirapan nila? "Hindi niyo ba na basa ang bagong anunsyo?" Tanong ng isang lalaki na kakarating lang, ito 'yong lalaking bumati kay Draco kanina. "Mal, anong nangyayari sa bayan?" Tanong ni Draco, "At bakit ayaw na yata kaming papasukin sa guild?" "Ayon sa bagong batas ng Duke, kailangan daw bumayad ang mga manlalakbay, sa tuwing may nagagawang misyon ay kalahati nito ay mapupunta sa kanila." Paliwanag nito. "Ano?" Sigaw ni Draco. "Iyon ang totoo." Gulat akong napatingin lamang sa lalaki, hindi ko inaasahan na aabot pa sa ganito ang pangyayari. Naghihirap na nga ang mga tao tapos ito pa ang gagawin nila, iyong mga manlalakbay ay sinusugal pa nga ng mga ito ang kanilang buhay upang magkaroon lamang ng pera tapos kalahati? Kalahati lamang ang mapupunta sa kanila? "Tinaasan din nga mga ito ang buwis sa tuwing," Hindi ko na 'to pinakinggan at hinarap si Treyni. "May kapangyarihan ba ang hari ng Floridel sa bayan na ito?" Seryosong tanong ko. "Bakit?" Nagtatakang tanong nito, ngunit nang mapatingin ito sa aking mga mata ay agad itong huminga ng malalim. "Oo mayro'n, itong bayan namin ay isa sa mga bayan na nasa ilalim ng kanilang proteksyon. Kaya lamang nanatiling nakatayo ang bayan na ito dahil pinoprotektahan ito ng hari. Bakit Kori?" "Kung gayon ay hayaan niyo kong kumausap sa mga taong iyan,"sabi ko at naglakad sa harap. "Anong gagawin mo?" Bulong nito, ngunit hindi ko na lang ito pinansin at humarap sa mga kawal. Masamang nakatingin lamang ang mga kawal sa akin at tumayo na talaga sa harap ko. May simbolo pa ang mga ito ng kaharian ng Floridel, ha!  "Hindi ba at sinabi na namin na bawal pumasok, binibini?" Tanong nito, "O baka gusto mong magbayad?" Ngumiti naman ako sa mga ito at kinuha sa bulsa ang pin na binigay ng hari. Alam ko na umaabuso ako ngunit walang mas abusado sa mga taong walang awa katulad ng mga ito. Itinaas ko ang pin sa harap nila na naging dahilan ng labis nilang pagka-gulat. "A-Ano ang katayuan mo?" Tanong ng mga ito at napa-atras pa. "Isa lang naman akong iniingatan na tao ng Hari. Baka gusto niyong mawala sa trabaho?" Tanong ko at ngumiti ng sobrang lapad. "Nais kong maka-usap ang Duke, sabihin niyo na nais ko itong maka-usap, ngayon na!" Nagma-madaling tumakbo naman ang mga ito at halos madapa pa sa sarili nilang mga paa. Napa-ngiti na lang ako at inirapan sila. Huminga muna ako nang malalim atsaka humarap sa mga kasama ko, ngunit labis naman ang gulat ko nang makita ang napakaraming tao na nakapalibot sa amin at sabay-sabay na yumuko. "A-ano ang nangyayari?" Gulat na tanong ko. Ngunit hindi man lang ako nakatanggap ng kahit na isang kasagutan sa mga kasama ko dahil gulat na gulat din ito sa kanilang nalaman.  Mukhang masiyadong napa-sobra yata ang sinabi ko sa mga kawal na iyon. Bigla naman naglakad si Treyni sa harap ko at nanginginig na hinila ako papunta sa loob ng guild, anong nangyari sa babaeng ito? Sumunod naman ang ilang kasama ko at sinarado nila ang pinto. Walang katao-tao ang loobg ng guild, tanging ang tatlong naka-suot lamang ng uniporme ang nasa harap. "Ano ka ba talaga, Kori? Iyong totoo?" Tanong ni Treyni. Napatingin naman ako sa kaniya na nagtataka at tumingin din sa iba pa namin na kasama. "Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko rito, "Ako lang naman 'to, si Kori." "Hindi. Hindi iyan ang ibig kong sabihin,"saad nito, "Ano ang koneksyon mo sa hari at napa-alis mo 'yong mga kawal na iyon na takot na takot sa iyo?" "Ah, iyon ba,"sabi ko at kinuha ang pin sa bulsa ko, "Pinakita ko lang naman ito sa kanila. Sa katunayan niyan ay, ibinigay ito ng hari sa akin noong tinulungan ko siyang gamutin sa kaniyang sakit." "T-teka, hindi ba at iyan ang simbolo ng Kaharian ng Floridel? At isa iyang pin sa mga taong may pinamataas na antas sa kanila, mas mataas pa sa Duke!" Sigaw ni Draco. "Ganoon ba? Hindi ko alam eh,"sabi ko at napakamot sa ulo. "Iilan lamang ang binigyan ng ganiyang klaseng pin. Hindi ko inaasahan na makikita ko ito mismo sa mga mata ko,"sabi ni Lauriel at lumapit sa akin ngunit nanatili pa rin itong may distansya. "Pasensiya ka na at wala kaming respito sa'yo, hindi naman namin alam na ganiyan pala ang iyong posisyon,"sabi ni Sam at yumuko sa akin. "Huwag kayong ganiyan! Hindi naman ganoon ako ganoon ka espesyal!" Sigaw ko at kumaway sa kanilang harapan. Mukhang mahihirapan yata ako ngayon ah. Hindi ko naman talaga inaasahan na ganito pala ang epekto ng pin sa bayan, akala ko ay simple lamang ang pin na ito. Ngayon, mukhang magiging bago pa yata ang pagtrato nila sa akin. hays. "Maari ba na huwag niyo ng baguhin kung paano niyo ko tratuhin?" Tanong ko rito at huminga ng malalim, "Ako pa rin naman ito, ang Kori na kasama niyong patayin ang unggoy na iyon." Nagda-dalawang isip na nagkatinganan naman silang lahat sa isa't-isa na naging dahilan ng pagbuntong hininga ko. "Alam ko na mataas ang tingin niyo sa mga taong may ganitong antas, ngunit huwag niyo rin kakalimutan na kaibigan ko kayong lahat at tinulunga ko kayo. Kung paano niyo ko tratuhin noong simula pa lang ay maari bang panatilihin niyo ang gano'n?" Sana naman ay makinig kayo sa akin, ayaw na ayaw kong magmukhang espesyal sa mga mata ng mga tao. Isa lamang akong simpleng tao, katulad niyo! "Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala kung gaano ka ka-espesyal, Kori,"ani ni Lauriel at uminom ng tsaa. Kasalukayan kaming nandito sa loob ng guild at nagpapahinga, naibigay na namin ang bulaklak na iyon at nabigyan na rin sila ng gantimpala. Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ng mga ito ang katayuan ko sa buhay. Naku naman, simpleng tao lang naman ako na biniyayaan dahil sa ginawa kong patulong sa hari. "Hindi ako ganoon ka espesyal,"sabi ko, "Tinulungan ko lang talaga ang hari kung kaya ay ginawaran nila ako ng gantimpala. Hindi ko naman inaasahan na mas lamang pa pala sa Duke ang katayuan ko." Umiiling na nakatingin lamang si Draco sa akin at hindi makapaniwala sa nangyayari, "Napaka-makumbaba mo, kaya siguro binigyan ka ng ganiyan kalaking biyaya at oportunidad." "Nakausap mo ba ang prinsesa?" Tanong ni Treyni at hinawakan pa ang dalawang kamay ko. Sabik na sabik ang kaniyang mga mata na tila ba parang bata na naghihintay ng sagot sa kaniyang magulang na bigyan ito ng tsokolate. "Ayan na naman si Treyni,"natatawang sabi ni Sam. Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya, hindi ko kasi alam kung bakit ganito na lang ito ka-sabik. "Hayaan mo na 'yan, Kori, sagutin mo na lang,"saad ni Lauriel, "Gustong-gusto niya talaga ang Prinsesa ng Floridel, noong bata pa kami ay sinusunod pa nga nito kung paano ito lumakad at kumaway. Napaka-bait din naman kasi ng Prinsesa." Ganoon ba? Kung sabagay ay totoo naman talaga, napaka-bait nga naman ng prinsesa. Saksi ako sa kabaitan na taglay ng taong iyon, ngunit iba rin kapag na galit, masiyadong halimaw para sa lahat. Walang awa kahit magulang pa nga niya ito, hangang-hanga rin ako sa katapangan niya na ipinakita noong pinarusahan ng kaniyang ama ang kaniyang ina, isa iyon sa memorya na hinding-hindi ko makakalimutan. "Kung sabagay ay sumasang-ayon ako sa sinasabi niyo,"saad ko at ngumiti sa kanila, "Kung ang tinutukoy mo ay si Flora." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko na sabay-sabay silang sumigaw sa akin, "Flora?" Gulat na tanong nilang lahat. "Hindi ba ay dapat Prinsesa Flora at dapat itawag mo sa kaniya? Bakit simpleng Flora lamang?" Tanong ni Treyni. Napakamot naman ako sa ulo ko at huminga nang malalim. Oo nga pala, nakalimutan ko maging formal. Wala nga pala ako sa kastilyo at hindi ko pala kasama ang babaeng iyon, naku naman po. "Hayaan niyo kong magpaliwanag,"saad ko at ngumiti sa kanila, "Naging magkaibigan kami ng prinsesa, siya ang lagi kong kasama noong doon pa ako nanatili sa kanila nitong mga nagdaang buwan." "Sa kastilyo ka nananatili?" Gulat na tanong ni Treyni. Huminga naman ako ng malalim at tumango. Hindi ba at sinabi ko na hayaan muna nila akong magpaliwanag? Bakit ba tanong pa ng tanong ang mga ito, nakakatawa pa naman kapag gulat na gulat ang mga mukha nila. "Ayon sa prinsesa ay pumunta raw ito sa bayan namin dahil hinahanap nila ako. Nais daw nila hingin ang tulong ko upang gamutin ang hari, noong panahon na iyon ay nagsisimula na akong maglakbay. Sakto naman na dumaan ang karwahi ng prinsesa at pinasakay ako nito. Noong nalaman nila na ako pala iyong hinahanap nila ay dinala na nila ako agad sa kaharian, at nang makarating ako roon ay tsaka ko ginamot ang hari. Bumuti naman ang kaniyang pakiramdam at nagkaroon ng pagdiriwang, doon nila ibinigay sa akin itong pin." Paliwanag ko at ngumiti sa kanila, "Maayos na ba para sa inyo, o kailangan ko pa ipaliwanag ulit?" Sabay na tumango lamang ang mga ito kahit halatang gulat na gulat pa rin ang kanilang mga ekspresyon. Hindi ko naman inaasahan na matatanggap nila ito agad at maiintindihan, kahit ako nga siguro ay ito ang magiging ekspresyon ko kapag nalaman ko na ang kasama ko sa paglalakbay ay isang maharlika. "Ngayon ay naiintindihan na namin kung bakit may humahabol sa iyo,"sabi ni Lauriel. "May humahabol sa kaniya?" Tanong ni Draco. Oo nga pala at wala ang mga ito noong pinaliwanag ko ang aking sitwasyon, kung bakit ako na punta sa kagubatan at bakit ganoon na lamang ang aking hitsura. "Wala nga pala kayo sa mga oras na iyon,"sabi ni Treyni at bumuntong hininga. Nagsimula naman magpaliwanag si Lauriel sa nangyari sa akin at taimtim lang na nakikinig ang dalawang lalaki. Ngayon ko lang na pansin na nandito pala si Nola, akala ko ay nawala na naman ito. "Ganoon ba, siguro ay iyon ang rason kung bakit may humahabol sa iyo, dahil isa ka sa mga importanteng tao ng hari,"sabi ni Draco at tumingin sa akin. "Impossible rin,"sabi ko at huminga ng malalim, "Apat na taon na ang nakakalipas ay hinabol din ako at nang kaibigan ko sa bayan namin. Kaparehong-kapareho sa suot niyang balabal at kaniyang mga patalim. Hindi ko alam kung ano ang gusto niya makuha sa akin." "Baka gusto ka niyang hulihin at gawing alipin,"sabi ni Sam, "Hindi ba at nasabi na namin sa iyo na maraming tao ang ginawang alipin dahil sa kanilang kapangyarihan? Isa ang kapangyarihan mo sa pinaka-bihira lamang magkaroon ang mga tao, dagdag mo pa ang katotohanan na nasa ika-anim ka na na stage." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla ko na lang naramdaman ang pag-init ng aking katawan. Ganitong-ganito rin ang naramdaman ko noong papunta na ako sa ika-anim na stage. Ang alam ko ay nagsimula lamang ito noong pagkatapos namin labanan ang unggoy, kaso hindi naman ito ganito ka-init. "Aray,"sabi ko at napa-yakap sa aking sarili. "Kori, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Treyni at hinawakan ang balikat ko, hindi naman nagtagal at agad nitong inilayo ang kaniyang kamay sa akin, "Napaka-init mo, nilalagnat ka ba?" Hindi na lang ako umimik at pinakiramdaman ang katawan ko. Sumandal ako sa upuan at ipinikit ang aking mga mata at hinayaan na dumaloy ang enerhiya sa meridian ko. Napaka-bilis ng pagdaloy nito, tila ba mayroon itong hinanap at hindi ito mapakali. Lumipas ang ilang minuto ay bigla ko na lang naramdaman ang pagtaas ng kamay ko at itinuok sa itaas. Bigla naman may nabubuo na hugis bilog na may tatsulok sa gitna at umilaw ito ng kulay berde, hindi naman nagtagal ay siya naman ang pagtama nang nakaka-silaw na ilaw sa akin at kasabay nito ang pagsigaw ko sa sakit. "Kori!" Sigaw nilang lahat, ngunit hindi ko na sila pinansin at hinayaan na lang na matapos ang pagpunta ko sa susunod na stage. Mukhang mapupunta na nga ako sa ika-pitong stage dulot ng labanan namin sa unggoy na iyon. Hindi naman nagtagal ay nawala na rin iyong bilog, unti-unti ring nawawala ang init sa aking katawan at siya naman ang paglabas ng usok mula rito. Gulat na nakatingin lamang ang mga kasama ko sa akin, tila ba hindi makapaniwala ang mga ito na matagumpay akong na punta sa susunod na stage. "Ano ang nangyayari?" Tanong ni Treyni. "Nasa susunod na stage ka na?" Sigaw ni Lauriel, tumango lamang ako at kumuha nang tubig sa isang tabi at ininom ito. Grabe, sa oras na mas tumaas ang stage mo ay mas lalong humihirap ang pagkontrol sa kapangyarihan ko. Sobrang nakaka-uhaw pagkatapos nito. Hindi na lamang silang umimik lahat. Bumalik na ako sa pagkaka-upo at hinarap ang mga ito, "Ganito naman lagi sa tuwing may ginagawa akong lagpas sa aking kakayahan. Isa lamang akong manggagamot, tapos ang ginawa ko sa inyo ay tinulungan ko kayong lumaban sa isang halimaw." "Kung sabagay ay tama ka nga naman,"saad ni Treyni, "Ngunit nakaka-bilib lang makakita ng ibang tao na napunta sa susunod na stage at mismo sa harap pa natin." Sumang-ayon naman ang lahat at ngumiti. Nanatili lamang kami roon ng ilang minuto atsaka naisipan na aalis na sana, kaso bigla na lang bumukas ang pinto ng guild at pumasok ang isang lalaki na naka-suot ng napaka-gandang kasuotan at mayroong ilang kawal sa kaniyang gilid. "Nasaan ang taong iyon?" Sigaw nang lalaki, "Nasaan ang sinasabi nilang importanteng tao ng hari?" Nakaharang si Draco sa akin kung kaya ay hindi ako nito nakikita. Naglakad ako papunta sa kaniya at masama ko itong tinignan. Siguro ay ito iyong taong tinutukoy ng lahat na Duke, kailangan ko yata itong kausapin.  Kung hindi ay maaring mawalan ng hanap buhay ang mga mamayan sa bayan na ito, lalong lalo na ang mga manlalakbay at mangangaso. "Ikaw ba ang tinatawag nilang Duke sa lugar na ito?" Tanong ko na naging dahilan ng pagtaas ng kilay ng lalaki at tinignan ako ng maigi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD