Game 33

3000 Words
Nagtatakang nakatingin ang mga lalaki sa dalawang babaeng nagyayakapan sa aking harapan. Hindi yata nila alam kung ano ang nangyayari gayong labis naman ang pag-iyak ng aming kasama. Hindi ako ang may dahilan kung bakit iyak ng babeng ito kung kaya naman ay sana, huwag nila ako pagbintangan sa mga bagay na hindi ko magagawa.  Mapait na ngumiti lamang ako sa kanila nang umiiling na lumapit ang mga lalaki sa amin. Tila ba naging normal na lang ito para sa kanila. Baka parating nagdadrama itong mga babae kaya sila ganito? "Maari na itong lutuin,"ani ni Draco at lumapit sa dalawa. Kumalas naman sila sa pagkaka-yakap sa isa't-isa at nagtawanan. "Punasan mo nga iyang mukha mo, napaka-dugyot mo talaga,"ani ni Lauriel at tumayo na. Kinuha na nito ang dala-dalang karne ni Draco at Sam. "Tulungan na kita,"sabi ko at tumayo na rin. Kinuha ko ang ilan pang karne at sumunod na sa babae. Sumunod din naman si Treyni at nagsimula na kaming magluto. Dalawang putahi lang naman ang niluto naming tatlo. Inihaw atsaka sinabawan, mayroon din kaming nilutong kanin. Lumipas ang halos isang oras ay na tapos na rin kami sa paghahanda at dinala na ang mga pagkain sa mga lalaking nag-uusap-usap lamang sa harap ng apoy, iyong dalawang lalaki lang pala dahil si Nola ay naka-pikit lamang sa isang tabi habang naka-halukipkip. "Handa na ang hapunan!" Masayang sabi ni Treyni na naging dahilan ng paglingon ng mga lalaki, iminulat din ni Nola ang kaniyang mga mata atsaka tumayo. "Ang sarap yata ng amoy ng pagkain natin ngayon?" Tanong ni Sam at ngumiti. "Syempre, timpla ito ni Mark eh,"sabi ni Treyni. "Sinasabi mo ba na hindi masarap timpla ko Treyni?" Taas kilay na tanong ni Lauriel habang pinapatay na yata sa tingin ang babae. "A-ah hindi naman sa gano'n, masarap din naman syempre. A-ah a-ano, kumain na tayo!" Sigaw nito at pumunta sa likod ko. Na tawa naman ako sa kaniya at napa-iling na lamang. "Huwag mo hahayaang magtagpo ang mga mata namin ni Lauriel, papatayin yata ako ng maaga,"sabi ni Treyni. Tumawa lamang ako atsaka hinarap ito. "Huwag kang mag-alala, magdadasal ako araw-araw,"sabi ko. Nagtataka naman itong nakatingin sa akin, "Para sa kaluluwa mo." Tumatawang lumayo ako rito at kumuha na rin ng plato upang kumain. "Muntikan pa kaming mapatay niyan kung hindi pa namin na pansin na nasa likod lang pala namin at hinihintay kaming atakihin." Kwento ni Draco at kumagat ng karne. "Ano ba ang ginagawa niyo sa lugar na iyon?" Tanong ni Lauriel. "Tinignan namin ang kweba na papasukan natin mamaya, titignan lang sana namin kung anong klaseng mga halimaw ang nagbabantay doon ng sa gayon ay handa tayo." Paliwanag niya, "Ngunit wala pa nga kami sa pasukan nito ay may ilang hayop ng umatake sa amin, kaya ayan, marami kaming nai-uwi na mga pagkain." "Sa tingin niyo ba ay naroroon ang pinapakuha sa atin?" Tanong ni Treyni. "Sigurado ako,"saad ni Nola. Gulat na napatingin naman ako rito na bigla na lamang siyang nagsalita. Sa loob ng ilang oras kong pananatili sa lugar na ito ay ngayon ko lang siya narinig na magsalita. Talagang marunong pala itong magsalita, ano? "Gulat na gulat ka, Kori?" Tanong ni Sam at ngumiti sa akin. Tinuro ko lamang si Nola na ngayon ay naka-taas ang kaniyang kilay na nakatingin sa akin. "Akala mo ba ay hindi ako marunong magsalita?" Tanong nito atsaka nagpatuloy na sa pagkain. "Hindi naman sa gano'n," sabi ko, "Ngayon ko lang talaga narinig ang boses mo." Tumango lamang ito habang sila naman ay patuloy lamang sa pagkain. "Teka, ano pala ang misyon niyo ngayon at bakit gabi kayo pupunta roon?" Tanong ko sa mga ito, napatigil naman silang lahat sa pagkain at bumuntong hininga. "Mayroong isang halaman sa kwebang iyon na doon lamang talaga tumutubo ngunit, wala naman nakaka-pasok sa kweba na iyon dahil napakaraming hayop ang pumapalibot sa lugar at hindi rin namin alam kung anong klaseng halimaw ang nasa loob." Paliwanag ni Lauriel. "Tuwing gabi lamang hindi aktibo ang mga hayop dito sa kagubatan. May ilang aktibo ngunit nasa kalagitnaan ng kagubatan na iyon,"dugtong ni Treyni. "Anong halaman ba iyon?" Tanong ko sa mga ito. "Ang halaman ng Cultum, isa itong halaman na kayang pataasin ang paglilinang ng isang tao. Ayon sa guild ay kailangan daw ito ng anak ng mayor sa aming bayan upang mas tumaas ang kaniyang stage,"saad ni Lauriel. "Kailangan ba talaga nila ng ganito?" Tanong ko rito, "Huwag niyong mamasamain ngunit hindi ba at sipag at tiyaga ang kailangan upang umusad sa susunod na stage? Nanganganib ang buhay niyo para lamang sa isang halaman. Maari niyo pa itong ikamatay dahil hindi niyo alam kung anong klaseng halimaw ang nasa loob ng kweba." Natahimik naman silang lahat at umiwas ng tingin. Kitang-kita ko sa mga mukha nito na sumasang-ayon sila sa aking sinasabi ngunit iyong nga lang ay wala silang magagawa dahil ito ang kanilang misyon. Alam ko rin na iiwan nila ako rito mag-isa, ngunit hindi ako makakapayag na wala akong gagawin sa kanila na ngayon ay tinulungan ako ng sobra. Binigyan pa nila ako ng pagkain at maiinom. "Kailangan namin ng pera upang mabuhay, kung kaya ay kahit na mapanganib, gagawin at gagawin namin." Saad ni Draco. "Kung gayon ay maari niyo po ba akong isama sa inyong misyon?" Tanong ko sa mga ito, sabay-sabay na napalingon naman sila sa akin na gulat na gulat ang mga mata. "Para saan?" Tanong ni Lauriel, "Masiyadong delikado para sa iyo." "Gusto ko lang tumulong. Ako ang magiging taga-pagaling ninyo sa tuwing nagkakaroon na kayo ng sugat, sa oras na nawawalan na kayo ng mana ay bibigyan ko kayo." "Kaya mo gawin 'yan?" Gulat na tanong ni Draco. Tumango lang ako sa kaniya at ngumiti, "Nais ko lang naman kayong tulungan. Binigyan niyo 'ko ng makaka-kain at tubig, kung kaya ay oras na naman na ibalik ko sa inyo ang tulong na binigay niyo." Napa-ngiti naman ang mga ito, nakita ko ang pagtayo ni Draco sa kaniyang upuan at tumango. "Kung gayon ay dalian niyo na riyan, upang magsimula na tayong maglakad patungo sa kwebang iyon at nang matapos na ang ating misyon." Napa-ngiti na lang ako at tinapos na ang aking pagkain. Ito ang kauna-unang pagtulong ko sa mga taong may misyon. Ngayon lang ako makakakita ng totoong halimaw sa gubat at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na iyon. Hindi man ito madali ngunit kailangan kong magpakatatag, hindi natin alam, maaring natulungan ko na nga ang mga 'to, matutulungan pa nila akong mas umangat ang aking antas. Napangiti na lamang ako at tinignan ang mga ito. Masaya lamang silang nagkwe-kwentuhan habang kumakain ng mga niluto ko. Naalala ko tuloy sila Sisters, Tine at ang mga kaibigan ko sa Kaharian ng Floridel, kumusta na kaya ang mga iyon? Sana naman ay naging maingat silang lahat at wala silang ginawang makakasama sa kanila. Kumusta na rin kaya si Sister Mayeth? Ilang taon na ito sa bato ngunit hindi pa rin ito umaalis doon, maaring natagalan yata sa pag-eensayo si Brother Nani sa kaniya. Malapit na sana kaming matapos ng bigla na lang kaming nakarinig ng malakas na atungal. Tila ba sobrang lapit lang ng hayop o halimaw na ito sa amin. Sabay-sabay kaming napatayo lahat at napatingin sa direksyon ng ingay na iyon.  Nagsiliparan ang ilang mga ibon at kasabay nito ang pagbagsak ng ilang mga punong naputol. "Ano 'yon?" Tanong ko. "Isa 'yang Class B, na halimaw,"saad ni Draco, "Hindi ako sigurado ngunit base pa lang sa boses nito ay parang ganoon na nga." "Ano na ang gagawin natin, Draco?" Tanong ni Lauriel, "Aalis na lang ba tayo o lalabanan pa natin iyan?" "Paano ang ating misyon?" Umatungal na naman ulit ng malakas ang halimaw na iyon at siya naman ang pagposisyon ng mga ito sa harap ko. Nasa pinaka-una si Draco habang sa gilid naman niya ang kaniyang asawa na si Lauriel at sa kabila naman si Sam, wala na rito si Nola habang si Treyni naman ay sinenyasan akong umatras. Sinunod ko lang ito at pumwesto na siya roon. "Manatili ka sa pinaka-likod, ikaw ang manggagamot ng grupo kung kaya ay dapat nasa pinaka-huling bahagi ka. Dapat ay po-protektahan ka ng lahat dahil nasa iyo nakasalalay ang buhay namin,"ani ni Treyni at seryosong naka-kapit sa kaniyang tungkod. "Treyni, ihanda mo na ang proteksyon,"sigaw ni Lauriel. Tumango lamang si Treyni at umayos ng tayo sabay taas ng kaniyang tungkod at pumingit. "Lend me the protection, that is stronger than the Dragon Scale. Scutum!" Unti-unti namang may nabu-buo na hugis bilog sa itaas ng mga ito na kulay asul atsaka bigla na lang silang itong bumaba sa kanila na naging dahilan ng pag-ilaw ng kanilang katawan saglit. "Ngayon, simulan na nating ang laban!" Sigaw ni Lauriel at ngumiti ng sobrang lapad.  Ako lang ba? Ngunit ibang-iba ang mga ito kapag nasa labanan na. Hindi yata ito si Lauriel na sobrang lambing at sobrang bait. Hindi rin yata ito si Draco na napaka-palabiro. Ibang-iba ang mga katangian ng mga ito. Ipinikit ko na lang aking mga mata at itinaas ang aking kamay. "Ring of Healing!" Sigaw ko at lumabas na lang ang isang hugis bilog sa kanilang ibabaw na may tatsulok sa gitna atsaka may nahuhulog na mga kumikinang na malilit na kulay berde. "Sa tuwing nag-uubusan kayo ng mana ay babalik at babalik 'yan sa kung gaano ito kadami bago nagsimula ang labanan,"sabi ko, "Mawawala lang ang bisa niyan kapag nawalan na rin ako ng mana, na sa tingin ko naman ay matagal pa." Tumango lang ang mga ito at ngumiti. "Salamat, Kori!" Sigaw nila. Ilang sandali pa ay lumabas na rin sa wakas ang isang napakalaking unggoy na mayroong bulalak sa kaniyang ulo. Isang napaka-liit na bulaklak ngunit halatang-halata ito dahil sa tingkad at ganda. "Ang halaman ng Cultum!" Sigaw ni Treyni at tinuro ang halaman sa ibabaw ng unggoy. "Kailangan nating patayin iyan upang makuha ang halaman,"sabi ni Draco, "Hindi naman nila sinabi na naka-dikit pala sa isang halimaw ang bulaklak na iyan!" "Ayaw mo no'n? Hindi na natin kailangan pang umalis. Kusang lumapit ang halimaw,"naka-ngising sabi ng kaniyang asawa at tumakbo na, "Mauna na ako!" Bigla na lang tumalon si Lauriel habang mayroon itong binubulong. Bigla na lang itong tumakbo sa hangin na naging dahilan ng paggulat ko. Kinuha nito ang mahabang espada sa kaniyang likod at sinubukang atakihin ang unggoy ngunit bigla na lang nitong sinagga ang atake ni Lauriel gamit ang kaniyang kamay. Umungol na naman ulit ang halimaw at bigla na lang yumanig ang lupa. "Ako naman!" Sigaw ni Draco at itinaas ang kaniyang kamay, mayroon lamang itong binulong atsaka bigla na lang may lumabas na ilang bolang apoy mula sa itaas at tumama sa unggoy. Grabe! Ang galing nilang lahat. Umungol na naman ulit ang unggoy at itinaas ang kaniyang kamay. Bigla naman yumanig ang lupa at doon lang namin na pansin ang napaka-laking bato na hawak-hawak na niya at itatapon yata ito sa amin. "Sa likod ko!" Sigaw ni Sam. Dali-dali kaming tumakbo dito, "Heed me, Cover!" Bigla na lang lumaki ang kaniyang panangga at natakpan kaming lahat. Naramdaman ko naman ang bahagyang pag-atras nito ng itapon ng unggoy ang bato. Umalis na kami ni Treyni roon at tinuon na lang ang aming pansin sa pagpo-protekta sa kanila habang ako naman ay pinapanatili ko ang kanilang mana sa mataas na antas. Kitang-kita ko ang pagtinginan nilang lahat at sabay-sabay na sana na aatake ng bigla na lang nawala ang bulaklak sa itaas ng unggoy. Nagulat pa sila noong una ngunit, agad din tinapunan ng umaapoy na ilang libong sibat ang unggoy at sinundan naman ni Lauriel ng patalim na gawa sa hangin. Bigla na lang bumagsak ang unggoy at siya rin ang paglapag ni Lauriel sa harap ko. "Ang tagal mong kinuha!" Sigaw ni Lauriel at humarap sa gilid niya, bigla naman lumitaw si Nola at ibinigay ang bulaklak. "Gusto ko lang muna kayong tignan makipaglaban,"tugon nito at tumalikod na. "Kahit kailan talaga 'yong batang 'yon, oo,"sabi ni Lauriel at napahilamos ng mukha. Napa-iling naman ang dalawang lalaki habang naka-ngiti lang si Treyni. "Ano pa ba ang aasahan natin doon? Lagi naman siyang ganoon, hindi ba?" Saad ni Sam at naglakad papalapit sa sirang baso, "Kakabili ko lang nito noong nasa bayan tayo eh. Sira na naman, kailan pa ba tayo makaka-uwi na kompleto ang gamit?" "Kapag daw matanda ka na,"tugon ni Draco at tumawa ng malakas, natawa na lang din kami sa kakulitan nilang dalawa habang si Sam naman ay umiiling na lumayo sa amin. "Salamat, Kori,"biglang sabi ni Treyni at hinawakan ang dalawang kamay ko, "Kung hindi dahil sa suporta mo ay malamang naubusan na kaming lahat ng mana at baka hanggang ngayon ay nakikipag-laban pa rin kami." Sabay naman na lumingon ang mag-asawa at tumango. "Hindi ko alam na possible pala mangyari ang ganoong klaseng labanan. Masiyadong madaya yata kapag nagtagal sa atin si Kori." Sabi ni Lauriel at tumawa ng malakas. "Malamang tayo ang magiging makapangyarihan na grupo sa ating bayan kapag nagkataon,"dugtong naman ng kaniyang asawa na si Draco. "Ngunit, seryoso Kori, salamat talaga sa tulong mo. Malaking tulong na iyong suporta na ginawa mo sa amin." "Walang anuman po iyon,"sabi ko at napakamot sa ulo, "Gusto ko lang po talaga kayong tulungan lahat. Hindi naman pwede na maging pabigat ako sa inyo, isa pa, tinulungan niyo rin po naman ako noong naghihirap ako." "Ganiyan ka ba talaga?" Tanong ni Lauriel at bumuntong-hininga. "Alin po?" Tanong ko rito. "Napaka-bait mo, panigurado ay aabusuhin ka ng mga taong tutulungan mo kapag ganiyan,"sabi ni Lauriel at hinarap ako, "Minsan ay kailangan mo rin mag-ingat, hindi natin alam ang binabalak ng mga tao sa paligid mo." "Katulad na lang ng taong humabol sa iyo, marahil ay gusto ka nitong kunin upang maging parte sa kanila,"sabi ni Treyni, "Alam mo naman diba Kori na hindi lahat ng tao sa mundo natin ay mabait. May ibang tao na ginagamit ang kapangyarihan sa kasamaan." "May na balitaan din ako tungkol sa ganiyan, ano nga ang tawag doon?" Tanong ni Lauriel habang naka-tingin sa langit na tila ba iniisip ang sasabihin. "Pang-aalipin,"tugon ni Treyni, "May ilang tao sa ibang bayan na inaalipin ang mga taong may kapangyarihan, kung kaya ay tinatago ng mga tao ang kanilang kakayahan." "Alam niyo ba kung saang lugar ito?" Tanong ko sa kanila. "Hindi ako sigurado,"sabi ni Lauriel, "Ngunit, impossible naman siguro na mapupunta ka roon. Hindi ba?" Tumango lamang ako sa kanila atsaka sumunod na. Kumuha na naman ulit ang mga lalaki ng ilang panggatong atsaka ito tinipon, pagkatapos ay itinaas ni Draco ang kaniyang kamay at may ibinulong. Ilang sandali pa ay bigla na lang nagkaroon ng apoy ang mga panggatong, umupo kami paikot dito at dinaramdam ang init mula rito. "Nakaka-pagod ngayong araw,"sabi ni Lauriel at humiga sa kaniyang dala-dalang unan. "Bakit ngayon ko lang na pansin na may dala kang unan?" Nagtatakang tanong ni Draco. "Paano mo naman mapapansin? Palagi naman kayong nagpapatrolya nila Sam,"tugon nito at ipinikit na ang kaniyang mga mata, "Magpahinga na tayo, maaga pa tayong aalis bukas pabalik sa ating bayan." Sumang-ayon na lang ang lahat at humiga na. Humiga na rin ako sa binigay nilang gamit pantulog at nanatiling nakatingin lamang sa langit. Hindi yata ako makatulog, at parang ayaw matulog ng katawan ko. Napaka-lamig ng gabi, pasalamat na lang kamo ako kay Draco dahil sa ginawa niyang apoy. Kung hindi ay maaring nanigas na kami sa lamig. Nanatili lamang akong nakatingin sa langit ng makita ko ang mga kumikislap na bituin. Katulad na katulad ito noong huling araw ko sa bayan ng Sola, kung saan kasama ko ang aking kaibigan upang panoorin ang mga nagniningning na mga bituin sa langit. Napaka-ganda talaga nito. Bigla naman sumagi sa isip ko si Tine, kumusta na kaya ang bruhang iyon? Ilang buwan na rin kaming hindi nagkita, sana naman ay naging maingat iyon sa bayan at walang ginagawang masama. Minsan ay kung ano-ano na lang ang pinapasukan nitong gulo dahil sa pagiging maldita nito at sobrang taas tignan ang sarili. Kahit ganoon naman siya ay mabait din naman iyon at matulungin, hindi nga lang halata kapag sinaktan mo ang mahal niya sa buhay. Sana nga lang ay tinulungan niya ang kaniyang ina sa mga tinitinda. Bigla naman may dumaan na bituin na naging dahilan ng pagpikit ng aking mga mata upang humiling. "Sana ay ligtas ang mga Sisters sa bayan, pati na rin sina Father at Tine, atsaka 'yong panadero at ang kaniyang asawa. Sana rin ay ginagabayan ng maykapal ang aking kaibigan na prinsesa sa kaniyang mga responsibilidad bilang isang reyna sa darating na panahon. Ganoon na rin sina Aling Cita. Sana rin ay gabayan kami ng mga bagong kakilala ko sa aming paglalakbay patungo sa kanilang bayan." Pagkatapos kong hilingin iyon ay hindi ko na napansin na tuluyan na pala akong nakatulog.   Bigla na lang lumakas ang hangin at ramdam na ramdam ko ang lamig sa balat ko. Bumangon na ako sa pagkakahiga at nakitang wala na pala ang apoy na pinapalibutan namin. Unti-unti namang nagising ang aking mga kasama habang yakap-yakap ang kanilang sarili. "Heto na naman po tayo,"sabi ni Treyni habang nanginginig ang kaniyang boses. "Ano ang ibig mong sabihin, Treyni?" Tanong ko rito. "Ganito talaga sa kagubatan, sa tuwing sasapit ang alas kuwatro ng hapon ay napaka-lamig na ng hangin. Kung kaya ay ito ang nagsisilbing palatandaan namin na kailangan na namin bumangon,"paliwanag nito at tumayo na. "Ano na ngayon ang gagawin natin?" Tanong ko rito. "Kailangan na natin ligpitin ang ating mga kagamitan, nang sa gayon ay maka-alis na tayo at maka-balik sa bayan, bago ang hapon." Tugon naman ni Lauriel at tumayo na rin. Sumunod na lang ako atsaka niligpit ang hinigaan ko, pagkatapos ay lumapit ako sa kanila upang tulungan sila sa pag-init ng tubig.  Kumain muna kami ng ilang tinapay at uminom din ng tsaa bago naisipan na umalis na. "Handa na ba ang lahat?" Tanong ni Draco. "Tara na!" Sigaw ni Sam at itinaas pa ang kaniyang kanang kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD