bc

The Silent Billionaire

book_age18+
393
FOLLOW
3.3K
READ
billionaire
one-night stand
HE
goodgirl
blue collar
drama
bxg
campus
secrets
like
intro-logo
Blurb

Isang proposal ang inalok ni Leah Martinez kay Lucas Salazar na tinanggihan ng binata. Sa kalaunan ay nagsisi din ang binata sa pag tanggi sa alok ng dalaga. Napag tanto ng binata na mahal niya na pala ang babaeng tinanggihan niya at nawala na parang bola ito.Nagbalik si Leah. May asawa na ito at labis ang pag hihinagpis ni Lucas dahil hindi na niya maaaring mahalin ang babaeng matagal niyang hinintay sa loob ng ilang taon.Umosbong ang bangayan sa pagitan ni Leah at Noel. Ang resulta nagulo ang mundo ng dalawa. Isang trahidya ang naganap sa buhay ni Leah at ng kanyang Asawa na si Noel. Natuksalan ni Lucas na isa pala siyang Ampon ng mag asawang Remi at Isko at ang totoong magulang nito ay isang mayaman at siya ang kaisa isang tagapag mana ng Billionaryong si Luis Salazar.Mapa ibig pa kaya ni Lucas si Leah sa puntong malaman ng dalaga na dati niya na pala ito inalok ng kasal. Kaya bang ipag tapat ng binata sa dalaga na isa pala siyang billionaryo?

chap-preview
Free preview
Prologue
Hingal na hingal na dumating sa hospital si Lucas dahil naka tanggap siya ng balita mula kay Sammy na nabangga ang kotse nila Leah at ang asawa nito na si Noel. "Miss saan dinala ang mag asawa na naaksidinte? Car accident," saad niya na parang kinakapos ang hininga na nag tanong sa isang nurse na nakabantay sa nurse station. Agad naman tinuro ng Nurse kung nasaan ang hinahanap, patakbo siyang lumapit dito at agad na hinawi ang kurtina, nakita niya agad si Leah na inaasikaso ng Doctor at Nurse na duguan, dahil marami ang natamo na sugat sa mukha sanhi ng bubog mula sa nabasag na salamin ng sasakyan. "Doc. Kumusta po siya?" tanong niya sa Doctor. "Maaring magka traumatic brain injury, ang pasyente," saad ng doctor. "Ano po ba mangyayari sa kanya Doc?" nagaalalang tanong ng binata sa Doctor na lalaki. "Pwedi siya ma comatose at may possible na magka amnesia," naihilamos ng binata ang palad niya sa sarili nitong mukha. "Scuse me, asikasuhin lang namin ang pasyente. By the way yung kasama pala ng babae ay dead on the spot nadala na siya sa morgue." Tinapik ng doctor ang balikat niya bago nito binalingan ang pasyente na duguan at walang malay. "Doc. Gawin niyo po ang lahat, ako na po bahala sa gastos," agad naman tumango ang Doctor at bumalik na sa pasyente pagkatapos maisara ang kurtina. Mabilis na lumipas ang maraming oras. Pag bukas ng pinto ng kwarto na pinag lipatan kay Leah ay nakita agad ni Lucas si Leah, kaya nilapitan ito ng binata at umupo pagkahila niya ng upuan at agad hinawakan ang kamay ng dalaga saka pinisil ito at hinalikan. "Leah, gumising kana kailangan kita wag mo ako iiwan mahal na mahal kita," sambit ng binata habang tumutulo ang luha. Kanina lang ay dumating na ang resulta ng DNA ng bata na si Laica, positive ang result na siya nga ang ama ni Laica. Nalaman niya ang pangalan ng bata dahil tinanong niya ito kung ano ang pangalan, bago siya nagmadaling pumunta dito sa hospital at pinaalagaan niya muna ang bata kay Sammy at sa kasintahan ng kaibigan na si Sofia. Napagtanto niya na mahal parin niya ang dalaga ng nakita niya itong nag aagaw buhay. Hindi na napigilan ni Lucas na umiyak, tumigil lang siya sa pag hikbi at mabilis na pinahid ang mga luha gamit ang mga daliri ng biglang nagbukas ang pinto at iniluwa nito ang lalaking Doctor ng dalaga. "Doc, kumusta na po siya?" tanong niya sa doctor. "Stable na siya pero possible na magka amnesia ang pasyente, malalaman natin yan pag nagising na ang pasyente," tango nalang ang naging sagot ng binata saka tumingin sa dalaga na naka oxygen. Isang linggo narin nakahilata sa hospital bed si Leah at naipalibing narin si Noel. Inakala ni Lucas ay totoong asawa ni Leah si Noel, dahil nakompirma niya rin mula sa magulang ni Noel ng umuwi ng pilipinas ng nalaman na naaksidinte ang anak. Nag kwento ang ina ng binata na ikinasal nga sila sa Canada. Habang naka titig ang binata sa dalaga ay naalala niya na may suot pala itong singsing dahil narin sa may asawa nga ito, tiningnan niya ang daliri ng dalaga pero wala itong suot na singsing inisip nalang ng binata na baka tumalsik ito sanhi ng aksidinti. Kinuha niya ang kamay ng dalaga at hinalikan ito saka inihili ang ulo niya sa gilid ng hospital bed, maya maya lang ay di niya namalayan na nakatulog na siya. Mabilis na lumipas ang isang buwan. Nagising ang binata dahil may gumagalaw sa may pisngi niya habang nakahili siya sa higaan ng dalaga, inangat niya ang kanyang ulo at nakita niyang nagkisapmata ang dalaga hudyat na nagising na ang dalaga. Agad siyang tumayo at hinawakan ang kamay ng dalaga, inabot naman ng dalaga ang oxygen at tinanggal ito. "Anong nangyari bakit andito ako? at sino ka?" hindi na nagulat ang binata dahil naabisuhan na ito ng doctor na maaaring magka amnesia nga ang dalaga oras na magising ito. Sumang ayon nalang ang binata sa sinabi ng Doctor, gagawin niya nalang ang lahat para gumaling at makaalala ulit ang dalaga. Nagpapagaling muna si Leah sa hospital dahil ayaw pa ni Lucas na pauwiin ang dalaga hanggat hindi pa ito magaling ng mabuti, inaalagaan niya ang dalaga. Dahil sa may baon naman itong mga damit ay hindi na siya umuuwi, tinatawagan nalang niya ang anak gamit ang cellphone ni iniwan niya sa bata. "Leah, may gusto kabang kainin, bibili ako sa labas," tanong ng binata sa dalaga. Sinabi ni Lucas kung ano ang totoong pangalan ng dalaga para mabilis itong maka alala. "A-ahm wala busog pa ako," tumango nalang ang binata. "Nahihiya kaba sakin?" sambit niya sa dalaga sa seryusong mukha. "Ah eh hindi no," tanggi ng dalaga sa tanong ng binata at nagyuko pa ito ng ulo at kunwari ay may kinakalikot sa hospital dress. "Pag magaling kana, ipapasyal kita sa mga lugar na dati natin pinupuntahan baka sakaling maalala muna ako," saad niya sa binata. "Diba na kwento mo na may asawa ako?" tanong ng dalaga sa binata sabay ang pag angat ng kanyang ulo. "Leah kasama mo siya sa aksidinti, dead on the spot ang sabi ng doctor," kwento niya sa dalaga. p"Naipalibing narin siya habang naka comatose kapa," dagdag pa ng binata habang nakayuko itong nagsasalita. "Hindi ko manlang siya nakita bago nailibing," aniya. Malungkot ang dalaga pero hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya maiyak gayong nalaman niya na namatayan siya ng asawa, bagkus ay nagtanong pa siya sa binata. "May asawa karin ba?" biglang nag angat ng ulo ang binata sa tanong ng dalaga. "A-ako? wala, wala akong asawa. May babae akong iniibig pero hindi niya ako maalala," saka tumingin ng diritso sa mata ng dalaga. "M-may amnesia din ba ang kasintahan mo?" nahihiyang tanong ng dalaga sa binata. "No, i mean may nagugustuhan ako pero hindi niya ako kilala," napa ngisi nalang ang binata sabay hawak sa batok nito. "Ah ok, nasaan siya ngayon?" tanong nito na parang curious na malaman ang love life ng binata. "Andito!" Itinuro ang dibdib niya gamit ang daliri ng dalaga. Nagulat naman ang dalaga kaya agad na hinawi ang kamay na hawak na pala ng binata. "S-sige magpahinga muna ako," agad na humiga ang dalaga saka hinila ang puting kumot saka pinantaklob ito sa kanyang mukha bago tinalikuran ang binata. Ilang minuto pang naka titig ang binata sa dalaga na nakatalikod bago ito nag desisyong lumabas para bumili ng makakain para sa hapunan. Lumabas ito ng kwarto at naglakad, naka salubong naman niya ang Doctor ng dalaga. "Mr. Lucas Salazar, pwede muna ilabas si Leah total wala naman na siyang ibang nararamdaman basi sa check up namin kanina," saad ng doctor sa kanya. "Ok Doc asikasuhin ko nalang ang bills," aniya. Dinukot niya ang cellphone mula sa bulsa ng kanyang pants at may tinawagan ito, pagkalipas ng trenta minuto ay dumating ang secretary niya at may inabot ito sa kanya na subre. Agad siyang dumiritso sa cashier desk para sa hospital bills at pumirma siya sa papel na inabot sa kanya saka binigay niya ang perang pambayad dito, sinabi niya sa cashier na bukas ng umaga sila lalabas ng hospital. Saka lang siya lumabas at naghanap ng pwedi nilang makain ng hapunan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
169.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
74.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
124.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
24.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook