Chapter 2

2853 Words
Kanina pa nakatitig si Julie Anne sa lalaking nasa harap niya. "E-Elmo?" Ngumisi ang kanyang kaharap at inilapit ang muhka sa kanya. Napaatras siya at muntik nang mawalan ng balanse kung hindi lang siya muli nito inalalayan sa pamamagitan ng pagikot ng braso sa kanyang baywang. Sobrang lapit ng muhka nila sa isa't isa at ramdam na ramdam ni Julie ang mainit pero mabangong hininga nito. "Kalabas ang tawag mo sa akin Julie." He smirked, winking at her. "I gotta go though, tinatawag na kami para sa orientation. I'll see you later." Itinayo siya nito at hinaplos pa ang kanyang muhka bago naglakad palayo. Literal na nawalan ng hininga si Julie. Did that really just happen? Baka naman nananaginip pa rin siya? Baka naman nasa kama pa rin siya at natutulog? She shook her head awake. Hindi eh. Gising na talaga siya. At si Elmo ba talaga yung lalaking iyon? Sinundan ni Julie ang tingin kung saan ito naglakad palayo pero ni anino nito ay wala na. Baka naman talagang naghahallucinate lang siya. Tulalang naglakad siya papunta sa may pantry. Sakto nandoon sila Nadine, Maqui at Dominic. "Tagal mo te, anyare kinain ka na ng sistema?" Pangookray pa sa kanya ni Maqui pero kanina pa talaga siya tulala. Binalingan niya ng tingin ang mga kaibigan na ngayon ay hinihintay din na magsalita siya. "Jules okay ka lang ba?" Tanong pa ni Nadine na nakatingala sa kanya dahil hindi pa rin siya umuupo. Ibig sabihin gising talaga siya kasi nakakausap niya sila Nadine. Pero si Elmo ba talaga yung kausap niya kanina? "Hoy Julie!" "Ha?" "Hala te, may drugs ba yung kapeng iniinom mo kanina?" Tanong pa sa kanya ni Maqui. "Pucha baka meron din yung kape ko ah!" "Gaga wala." Nakaismid na sabi ni Julie at umupo sa tabi ni Dominic. "Uh Julie, kain na." Aya sa kanya ng katabing lalaki. Mahina siyang ngumiti dito at umiling lang. Bakit parang hindi siya makakain sa naiisip niya. Pero...si Elmo ba talaga yon?! "Friends! He's so hot!" "Eeeeh, talaga? s**t nakakaexcite naman!" "Oo saka ang tangkad s**t! and he looks yummy ah. I bet he's good in bed..." Sabay sabay na napalingon sila Nadine, Maqui at Julie sa nagsasalita at nakita na ang iba pala na staff ng Pages ang nagsasalita. "Ito talagang mga babae na ito..." Simula ni Nadine na nakakunot ang noo. "Akala mo mga nasa high school kung makapagchismisan." "Wag kang ganyan Nadz! Ako kaya pinaka chismoso!" Himutok ni Maqui dahilan para matawa pareho si Julie at Dominic habang si Nadine ay sinimangutan ito. "O sige nga." Sabi ng huli. "Sino yung pinaguusapan nila?" "Minsan pumapalya din ako." At nagtawanan nanaman sila. "Pero grabe, sino ba sinasabi nila at parang humaling na humaling naman sila?" Dagdag pa ni Nadine. Nagkibit balikat si Julie. "Baka isa sa bagong employees." "Talino talaga ni bes, pahingi nga ako ng paotsin hindi mo naman kinakain eh." Singit ni Maqui at bago pa makaimik si Julie ay kumuha na siya ng isang dumpling bago pa makaatungal si Julie. At muhkang wala namang balak umatungal si Julie dahil medyo tulala pa rin siya. Hindi kaya...? "Julie! Kumain ka! Aba! Masyado ka nang payat, tama na yan." Sabi ni Nadine at tinapik tapik pa ang muhka niya. "Ito Julie o, busog na ako e." Nakangiting sabi ni Dominic. "Dumadamoves ang koya mo!" Natatawa na sabi ni Maqui. Namula nang tuluyan ang tainga ni Doninic at nginitian lang siya ni Julie. Wala pa kasi talaga sa pagiisip ni Julie ang pagboboyfriend. Sa isip isip niya, hindi hinahanap ang pagmamahal. Ang pagmamahal ang maghahanap sa kanya. Matapos kumain ng almusal (inubos na ni Maqui ang kay Julie) nagsibalik na sila sa kanilang work stations para masimulan ang trabaho para sa araw na iyon.  Kapag trabaho ang pinaguusapan ay wala nang mas seseryoso pa kay Julie. Dito na lang siya bumabawi eh. She loved her job and being a junior editor meant everything to her. She was aiming for that spot and nothing was going to stop her from getting that. Pero sa ngayon hindi pa rin siya nagigising. Dahil hindi pa rin talaga niya sigurado kung ilusyon lang ba na nandoon si Elmo na sinalo siya kanina.   "Ma'am Julie?" Tumunog nanaman ang intercom niya at boses ni Bianca ang bumungad sa kanya.  "Yes?" "Ma'am lahat daw po deretso sa conference room. Ipapakilala na po yung bagong employees."  Ganoon talaga sa kanilang magazine staff. By batch ang bagong employee usually since bago bago pa ang magazine at hiring talaga ng staff. Tumayo na si Julie mula sa kanyang lamesa at itinulak sa labas ng bintana lahat ng agam-agam niya tungkol kay Elmo bago nagsimula mag-ayos. Noong bata siya ay wala talaga siyang pake sa kanyang itsura. Hindi siya mahilkig mag-ayos. Pero siyempre ngayong nag-dalaga na siya ay marunong na siya mag-alaga ng sarili. Suklay dito, kaunting blush at lip gloss.  Lumabas na siya ng kanyang opisina at dumeretso sa conference room kung saan nakasabay niyang maglakad ang iba pa na staff. Masyadong busy ang mga ito sa pagtsismis kaya naman hindi napansin na nandoon siya.  "Oh my gosh ito na! We'll see him!" "s**t talaga! Maeexcite ako pumasok nito araw araw."  Nakakunot ang noo na bahagyang sinusulyapan ni Julie ang mga kasabay maglakad. Sino ba itong pinaguusapan ng mga babaita na ito at akala mo ay nakakita ng artista sa mga pinagsasabi? "Bes!"Biglang tawag sa kanya ni Maqui na nakapwesto sa may likod ng room. Unang nakaupo na kasi ang mga babae na kanina pa kinikilig kaya no choice sila kundi tumayo sa may likod. "Bakit bes?" Tanong pa ni Julie.  "Wag ka muna magreact ah, pero parang kanina nakita k--"  Natigilan silang lahat ng bumukas muli ang pinto ng conference room at pumasok na si Madam Lulu kasama ang ilang tao.  Naipit ang hangin sa lalamunan ni Julie at muntik pa siyang mabulunan nang nakasunod kay Madam Lulu ay walang iba kundi si...  "Pucha bes yung lalaki kamuhka ni Elmo, yung Kalabs mo nung bata pa tayo? Siya ba yan?"  Pero hindi sumagot si Julie sa tanong ng pinakamatalik na kaibigan. Nanatili siyang nakatingin kay Elmo na tahimik lang nakatayo sa tabi ni Madam Lulu.  At muhkang hindi lang siya ang nakatingin. Lahat ata ng kababaihan na nandoon ay nakatingin din kay Elmo. Seryoso ang itsura ng lalaki. His face was monotonous if it had a tone. Almost like he was smoldering. Pusta ni Julie ilang panty ang nalaglag na. Hindi niya pa sigurado kung kabilang yung sa kanya.  "Good morning everyone!" Bati ni Madam Lulu sa kanila. Madam Lulu was a woman in her late 50s. at gusto na nito magretire sa lalong madaling panahon. Sa naipon ba naman nitong pera ay abot kaya na nito magretiro mula sa trabaho. "As you know today we have new members of our staff."  Tinuro niya ang sinasabing members, kasama na si Elmo.  "This is Miguel, he will be an intern assistant to complete his OJT requirements." Pakilala niya sa lalaki na nasa pinakakaliwa sa harap. Nahihiyang ngumiti ito sa kanilang lahat.  "This is Tess, she'll be one of our art directors." Isang babae naman na morena at balingkinitan ang katawan ang kumaway at ngumiti sa kanila.  Sunod na pinakilala ni Madam Lulu ang isang babae na petite pero maganda. "This is Rika, she'll be one of our photographers."  And last but not the least...hindi pa tapos sa pagsasalita si Madam Lulu nang narinig na ni Julie ang paghagikhikan ng mga babae.  "This is Elmo, he's going to be one of our editors and I'm eyeing him as the next editor-in-chief."  Parang may kotseng prumeno sa utak ni Julie. Yung tipong ang sakit sa tainga ng pagkaskas ng gulong sa kalsada. What the hell?!  Tuloy tuloy lang sa pag-orient si Madam Lulu sa lahat at sa bagong employees pero walang pumapasok sa utak ni Juliel Nakatulala siya sa sahig. Hindi siya makapaniwala! Ang matagal na niyang pinagpapaguran, ang mga panahong hindi siya natutulog, hindi kumakain para lang makaabot sa deadline, kukunin sa kanya ni Elmo nang ganun ganun na lang?!  Sa kakaisip niya ay hindi niya napansin na nagsimula na maglakad lahat ng tao palabas ng conference room. And she too really wanted to get out of that room fast.  "Bes! Bes!" tawag sa kanya ni Maqui kahit na halos lumangoy na siya sa ibang members ng magazine para lang makalyo siya. Binilisan lang niya ang paglakad dahil ayaw muna niya makakausap ng ibang tao.  Makakapasok na sana siya sa loob ng kanyang office nang may maramdaman siyang mabilis na humawak sa kamay niya. Nanlaki ang mata niya at napalingon siya sa nagsalita. "Kalabs..." Ang init ng kamay ni Elmo. Kasyang kasya din ang sa kanya dito. She glanced up at his face and saw that he had half a smile and half a smirk on his face.  "What? Kilala siya ni Elmo?" "Hala siya!" "Tss." Hinid pinansin ni Julie ang pinagsasabi ng mga babae. Nakasimangot na tininignan niya ang paghawak ni Elmo sa kanyang kamay bago balingan ang muhka nito na nakangisi pa rin sa kanya. "Let go of my hand Elmo." Lumaki lang ang ngisi ng lalaki. "What's with the Elmo? You always call me Kalabs."  "I'm not kidding Elmo, let go of my hand." Pinagtitingnan na sila ng iba pang staff pero muhkang walang pake si Elmo. Hindi na ito ang dating bata na mahiyain na nakaupo lang sa isang sulok.  "No, we'll talk." Pilit pa ni Elmo pero lalo lang naiinis si Julie.  "Sino ka naman para pagsabihan ako? I'll talk to you when I feel like it." Sinubukan pang hablutin ni Julie ang kamay nang may nagsalita sa likod nila.  "Elmo, Julie Anne, in my office now."  Lahat ay nagulat nang makita na nakapamaywang si Madam Lulu sa may harap ng kanyang malaking opisina. Sabay na nagkatinginan si Julie at Elmo bago sumunod sa matanda.  "Close the door Elmo." Sabi ni Madam. Sinara naman ng lalaki ito. Halatang gusto sumilip ng ibang echusero at echusera sa labas pero wala na silang magagawa dahil lapat na ang pinto.  Nakatayo sa likod kanyang desk si Madam Lulu habang ang dalawang kabataan ay nasa kabilang panig.  "I know what you're thinking Julie." Simula ni Madam Lulu na walang intro pa. "You're thinking, 'I've worked so hard for this position then this guiy swoops in and takes it like candy.'" Hindi nagsalita si Julie dahil alam niyang may sasabihin pang iba ang matanda.  At tinuloy nga nito ang gusto iparating. "I said I was eyeing Elmo as the next editor-in-chief. I didn't say he was the only one I was eyeing as editor-in-chief."  Sa sinabi nito ay sabay na napaangat ng tingin si Elmo at Julie. Parehong halatang nagulat.  "But tita--" "Shut up Elmo Moses." Sabi ni Madam Lulu. "Alam ko kaibigan ko ang tatay mo pero magaling din ito si Julie. You both deserve to get the spot. And I know na mas malakas ang credentials mo Elmo dahil nagtrabaho ka na sa New York but Julie can take you head on."  Naghahamunnan na nagkatinginan pareho si Elmo at si Julie. Parang nabalik sila sa panahon nung mga bata sila at lagi silang naguunahan para sa top spot.  "Bear in mind, I will be pairing you two up for most projects."  "Ho? Bakit po!?" Sinubukan pigilan ni Julie ang pagtaas ng sariling boses pero hindi na niya nagawa ito.  Imbis na magalit ay ngumiti lang sa kanya si Madam Lulu. "It'll test your drive to actually get the spot. It'll ne hard working with your competitor and what better way to measure your capabilities than challenging you right?" Hamon pa ulit ni Madam Lulu. Hinarap ng matanda si Elmo. "And you Elmo Moses, it won't be easy for you too my dear boy, matigas pa naman ulo mong bata ka. Panigurado si Julie lang ang kakayanin ka."  At kagaya ng kanina ay nagkatinginan muna ang dalawa bago tuluyan nang umupo si Madam sa kanyang swivel chair. "You two may go, Elmo, I've given you your first assignment, your assistant Miguel will hand it to you when you get to your office. I will be giving my decision at the end of the year."  Nauna na si Julie lumabas sa opisina ng mtanada. Ayaw na niya tumagal pa sa tabi ni Elmo pakiramdam niya kasi sasabog siya. Binibilisan nanaman niya ang lakad pabalik sa kanyang opisina lalo na at pasulyap sulyap ang ibang staff sa kanilang dalawa ni Elmo.  Malapit na sana ang kamay niya sa door handle ng opisina nang nahila siya pabalik at kamuntikan na siyang madapa nang mapatanto niyang nasa loob siya ng isang file closet.  "What the f--" "That's a dirty mouth you've got there Kalabs."  Napasinghap si Julie nang mapansin na sobrang lapit ni Elmo sa kanya. hindi kalakihan ang file closet na iyon dahil nga...isa iyong file closet!  "What are you doing?" Julie hissed.  Elmo slowly sneered. "Ngayon lang ulit tayo nagkita Kalabs and this is how you treat me?" "Well excuse me for not being excited that my mortal enemy when I was a kid is still my mortal enemy."  "Who says I'm your mortal enemy?" Hamon pa ni Elmo at bahagyang linapit ang sarili dahilan para mapasandal si Julie sa isang file cabinet. Pakiramdam ng babae magmamarka na ang bakal na door handle sa likod niya pero mas pipiliin niya iyon kaysa kay Elmo siya mapalapat.  "Hindi ba uso ang space sayo?" Sabi pa ni Julie. Ang dalawang kamay niya ay nakahawak sa gilid ng file cabinet habang ang isang braso ni Elmo ay nakatungkod sa tuktok ng cabinet. He was looking down on her since he had a few inches ahead of her. "Gumanda ka lalo ano."  Napataas ang kilay ni Julie sa sinasabi nito. "Dinala mo ba ako dito para bolahin ako? Hindi gagana Elmo. I'm getting that spot and you're going to lose."  Ngumisi ulit si Elmo at lumapit pa lalo sa kanya.  Sumasakit na talaga ang likod ni Julie pero ipit na talaga siya.  She was trapped. She had nowhere to go.  "I'm getting that spot Julie Anne, bet on that."  Ngumisi na din si Julie. Nanghahamon ba talaga ito? Pwes...linapit din niya ang sarili para ilang sentimetro na lang ang layo ng kanilang mga labi. Hindi niya alm kung dahil ba sa kaunting ilaw pero parang nakita niya na bahagyang nagiba ang ekspresyon ni Elmo. Mula sa nangungutya ay parang nanlambot ito sa kanyang ginawa.  "Kilala mo ako Kalabs, hindi ako nagpapatalo. And this is a very nice "meeting again" scene for us." She smirked and slightly pushed him.  Laking gulat na lang niya nang inikot nito ang mga braso sa baywang niya. Napasinghap siya at napakahawak sa braso nito pero mas lalo lang humigpit ang hawak nito sa kanya.  "I'm not the same 13-year old you last saw, Julie Anne." Julie Anne sneered. "I'm not the same 13-year old you last saw Elmo Moses."  Magkalapat na ang katawan nilang dalawa at nakita ni Julie na bahagyang nagdidilim na ang mga mata ni Elmo. Inilapit nito ang muhka sa kanya at napasinghap siya. Sobrang lakas na ng t***k ng puso niya na literal na sumasakit ang kanyang dibdib. What the hell was this guy thinking?!  "Feisty women turn me on Julie Anne." Anas ni Elmo. His voice was husky. "And it turns me on even more that you're the feisty one."  Palapit na ng palapit ang muhka nito. s**t.  "Hey! Bakit naka-lock ito?! Nandyan yung kailangan ko na files!"  Shit it was CJ! Sabay na naglayo sa isa't isa si Elmo at Julie Anne. Naka simangot na tiningnan ni Elmo ang pinto. Muhkang gusto niya sirain ito habang si Julie Anne naman ay naghahabol ng hininga. Bakit ganoon? Hindi naman siya tumakbo.  Akmang bubuksan na ni Elmo ang pinto nang pigilan siya ni Julie.  "Huwag!" She whispered. Napatingin ang lalaki sa kanya at siya naman ay nagpaliwanag. "Kapag binuksan mo yan makikita niya na magkasama tayo dito." "So?" Natatawang sabi ni Elmo. "Nakita na nila tayong pumasok dito kanina." "Basta!" Bulong pa rin ni Julie.  Nakangising lumapit si Elmo sa kanya at bago pa siya makaprotesta ay hinila siya nito at marahas na hinalikan.  Naubos nanaman ang hangin sa sistema ni Julie. Pakiramdam niya nahihilo siya kaya napakpit siya sa braso ng lalaki. Lalo na nang naipasok nito ang dila sa kanyang bibig at nakipageskrimahan sa dila niya. Sinubukan niyang pumiglas pero diniinan lang ni Elmo ang pagsugpo sa halik. This was her first kiss! "E-Elmo!" She pushed him and he was left panting.  Inis na tiningnan niya ito habang nakangisi lang sa kanya ang lalaki. Bahagya nitong nahimas ang sariling labi. "You taste awesome Kalabs." Mabilis nitong binuksan ang pinto at lumabas kahit na nakatayo pa rin doon si CJ. Gulat na gulat ang muhka ng babae.  Ngumiti lang si Elmo dito bago naglakad palayo. Naiwan doon si Julie. Hindi na niya kailangan magtanong kung ano ang itsura niya. Nakanganga na nakatignin sa kanya si CJ. Sigurado  siya na muhka siyang isang babaeng marahas na nahalikan sa loob ng madilim na closet. At ang masama pa doon,na-enjoy niya iyon.  Dito magsisimula ang totoong laban nila ng kanyang Kalabs. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD