Chapter 1

2523 Words
"Julie, ayos ng higa anak baka mahulog ka..." "Kawawa naman ang prinsesa namin napagod..." "Siyempre, first prize ata yan--Jim!" Napaupo sa kama si Julie at hingal na napaikot ang tingin sa paligid. Sobrang bilis ng t***k ng puso niya. Pakiramdam niya ay tatalon na ito mula sa kanyang dibdib. Pinagpapawisan din siya kahit na may aircon. Nananaginip nanaman siya. Tiningnan niya ang orasan sa lamesa na nasa tabi ng kama at nakitang alas dos pa lang ng madaling araw. Tumayo na siya mula sa kama at dumeretso sa kanyang banyo para makapaghilamos at umihi. Dumeretso siya sa kanyang laptop at nag check lang sa mga social media account. Ang aga aga pa para sa trabaho pero alam niya kasing hindi naman na siya makakatulog ulit. Lagi siya inaatake kapag mga panahon na ito na malapit na ang araw na iyon. "Lieanne?" May kasamang katok sa kwarto niya ang boses na iyon. Napatingin siya at nakitang si Lola Mimi niya ito. "Lola, bakit gising na po kayo?" "Ikaw apo bakit gising ka na?" balik ni Lola Mimi na pumasok na sa loob ng kwarto at tumabi kay Julie. Napabuntong hininga ang huli at napatungo. "I had the same dream again lola." There was a somber look on lola Mimi's face before she pulled her granddaughter forward and let her lay her head on her chest. "Magkasama na lang tayong bibisita sa kanila okay?" hinalikan ni Lola Mimi ang buhok niya at siya naman ay patagong nagpunas ng luha. Inangat ni Lola Mimi ang muhka niya at tinitigan siya ng mabuti. "O tama na ang iyak." Mahina itong ngumiti at tiningnan pa is Julie. "Ang ganda talaga ng apo ko o. Parang dati lang ikaw yung cute na bata na laging nadadapa."   "Lola naman eh." Julie sniffed but hugged her lola closer. Julie's parents died when she was 18 years old. Car crash. Kagagaling lang nila sa university kung saan siya nag-aaral dahil nag-enter siya sa isang singing competition. Nanalo nga siya nung gabi na iyon pero nawala naman sa isang iglap ang kanyang mga magulang. Matapos noon ay ang lola na niya ang kasama niya sa buhay. Nakatapos naman siya ng kursong Mass Communications at ngayon ay isa nang feature editor sa isang lifestlye magazine.  Nagcomputer lang siya buong umaga hanggang sa oras na para maligo at magbihis. "Apo, hindi ka ba kakain?" Tanong ng kanyang lola na nasa hapag kasama ang isa pa nilang kasambahay na si Kikay. "Ate, kain ka naman, ang payat mo na eh o." Sabi ni Kikay. Mas bata ito kay Julie nang ilang taon at tinatrato din niyang parang nakababatang kapatid dahil nag-iisang anak din siya at sabik sa kapatid. Ngumiti naman pabalik si Julie sa dalawang nasa harap niya. "Sa office na lang po siguro ako kakain, baka ma-late na ako eh." Doon pa rin sila sa dating bahay nila sa Westdoor nakatira. Minana niya ito mula sa kanyang mga magulang na pumanaw na. Ready na siya at inubos lang ang iniinom na kape bago humalik sa lola at nagpaalam na sa dalawa. Papalabas pa lang siya ng pinto nila nang may marinig sila sa labas. "Pre! Patulong mabigat ito!" "O sige sige saglit lang!" Tumingin pabalik si Julie kay Kikay at nagtatanong na nagtaas ng kilay. "Ano yon?" "May bagong lipat ata diyan sa kabilang bahay ate, tagal na rin walang nakatira diyan diba?" Oo. Dahil ang huling tumira sa bahay na iyon ay ang mga Magalona. Malapit na mga mag -isang dekada na walang tao doon eh. "Ah sige sige..." Nasabi na lang ni Julie. Ayaw kasi talaga niya matalo sa traffic. "Kikay pabukas naman ako nung gate." "Sige po ate." Dumeretso na si Julie sa kanyang kotse at dahan dahan nagmaneubra palabas ng kanilang garahe. Kakambyo na sana siya para ikabig ang kotse nang marinig niya ang nakakabinging busina sa may likod niya. BEEP BEEP! "s**t!" Naisigaw ni Julie at mabilis niyang natapakan ang brake dahilan para muntik nang tumama ang kanyang noo sa may dashboard ng kanyang kotse. Nanggagalaiti na lumabas siya ng sasakyan. "What the hell?!" Balak sana niya sugurin kung sino man ang hudas na iyon na hindi man lang makapaghintay para makabig niya ang kotse niya kaso nakaderetso na ang kotse padulo ng kalye nila. Napabaling ang tingin niya kay Kikay na nakahawak pa rin sa gate. Pati ito ay muhkang naiinis at mas lalong shocked. "Grabe naman yun ate! Pano kung hindi mo naapakan yung brake edi parehong damaged yang mga auto niyo!" Naiinis pa rin na giit ang ngipin ni Julie. Sinusubukan siya ng kumag na yon! Wag ngayon na wala siya masyado tulog! Napasilip siya sa bahay sa tabi nila. Ayun ata yung bagong lipat. "f**k him." Malalim niyang sabi at binalingan ng tingin si Kikay. "'Kay, pasara na lang ako ng gate ha. Salamat." Pumasok na siya muli sa kanyang kotse at sinimulan na ang byahe papunta sa kanilang office sa Makati. Bago sa mismong office building ay dumaan muna siya sa Starbucks. Salamat sa Diyos at hindi naman siya naabutan ng traffic. Nakapila siya at inaayos ang salamin sa muhka. Naubusan kasi siya ng oras at nakalimutan maglagay ng contacts. Saka naman nagsimula tumunog ang ring tone niya kaya mabilis niya itong sinagot. "Hello!" "Ay, galit lang te? Pangit umaga mo?" Julie sighed. "Wag ngayon Maq..." "Ah so pangit nga, anyways nandito na ako sa office, at alam ko na nandyan ka sa Starbucks, you know what I like! tenchu labyu!" Napailing na lang si Julie nang ibaba na ng kaibigan ang tawag. Dahil umagang umaga ay hindi naman ganoon karami ang tao. Nagdrive na siya muli papunta sa kanilang office building. Papark pa lang siya nang mapansin niya ang isang pamilyar na kotse na nasa tabi mismo kung saan siya magpapark. Naningkit ang kanyang mga mata ng mapansin na pamilyar ang kotse na iyon. "Shit..." Nabulong niya. Sa lahat ba naman ng lugar. Hindi niya sigurado kung iyon ab talaga yung kotse na iyon dahil marami naman sigurong blue na Jaguar sa mundo pero masyadong coincidental. Bumaba na siya mula sa driver's seat at pumasok sa loob ng building kung saan siya binati ng security guard. "Magandang umaga po mam Julie." "Good morning po." Bati pabalik ni Julie. Dala ang bag at ang mga kape ay dumeretso na siya sa 17th floor. Ang buong floor na iyon ay ang office ng kanilang magazine na pinamagatang Pages. "Hi Jules!" Bati ng iba pa niyang kasamahan. Ngumiti naman siya sa mga ito. Kahit bata pa siya ay isa sa mga high ranking position ang kinabibilangan niya sa magazine na iyon. At dahil may pagkaambisyosa siya, aim niya ang pagkuha sa edito-in-chief position dahil malapit na magretire ang current editor-in-chief. Napatigil siya nang muntik na niyang makabangga ang isang tao at muntik na din matapon sa kanya ang hawak niyang styro ng kape. "CJ." "Julie..." Ramdam nang kahit sino na dumaan ang tensyon sa dalawa. Matangkad na babae si CJ, may halong kano din ito at ang pinakakaribal ni Julie para sa editor-in-chief position. Si Julie na ang unang naglakad palayo dahil totoong naiinis siya kapag nakita niya ang muhka ni CJ. "Good morning bes!" Bati sa kanya ni Maqui. Forever na ata sila magkasama. Well, except in college. Magkaiba sila ng university pero pareho ng course. Si Julie kasi ay sa scholarship umasa dahil na rin nahirapan siyang ipagpatuloy pa ang pagaaral nang nawala na ang kanyang mga magulang. Pero nang pareho na silang makagraduate ay sa iisang kompanya sila nagapply at kung sinuswerte nga naman ay parehong natanggap. "Morning Maq." Julie grumbled at inabot ang kape kay Maqui. Tinanggap naman ito ng huli na nakangisi. "Game kwento." "Ha?" "Sabi ko magkwento ka Julie Anne kung bakit Monday na Monday tapos nakabusangot ka diyan." Julie sighed. Muhkang hindinaman na siya mkakatakas pa kay Maqui e. "Di kasi ako makatulog kagabi kaya ayan, ang sama ng umaga ko. Tapos may bagong lipat pa doon sa bahay sa tabi namin na nakakainis kasi akala mo naman manganganak sa pagmamadali at muntik na mabunggo yung kotse ko." "O hinga hinga." Natatawa na sabi ni Maqui pero nagseryoso din. "Teka nga, bakit ka naman hindi makatulog?" Julie uneasily looked at her friend and Maqui quickly caught up as if remembering something. "s**t, ngayong araw nga pala ang death anniversary nila tito and tita." Tumango lang si Julie. Umupo na siya upuan niya at sinara na ni Maqui ang pintuan ng kanyang opisina. "Pupunta ka mamaya? H-hindi ako makakasama bes, may dinner daw kasi kayla Greg." Tumango lang si Julie at mahinang ngumiti sa kaibigan. Si Greg ang nobyo nito na kakasagot pa lang ni Maqui. "It's okay Maq, saka alam mo namang sanay din ako na mag-isa lang kapag pumupunta doon eh." ""O teka, anong sinasabi mo tungkol doon sa kotse?" Napaikot ang mga mata ni Julie. "Ayun nga, nagmamaneobra kasi ako palabas nung gate. Tapos amg hudas na iyon hindi makahintay, pinilit yung kotse niya! He has a Jaguar Maq! Malamang mabilis yun! Buti hindi nagasgasan kotse ko! At get this! Nandito sa building yung may-ari!! I just saw his car. Ewan ko lang kung sa kanya nga ba yon pero kakaunti lang naman siguro ang Blue na Jaguar dito!" "Baka forever mo na yan bes! Kasi diba ayun yung nakatira sa tabi niyo? Yung bagong lipat? Teka...yung bahay dati nila..." "Oo." Mabilis na pagpigil ni Julie sa sasabihin ng kaibigan. Ngumiti sa kanya si Maqui. "Kamusta na kaya si Elmo no? Saka si Ate Maxx?" Julie shrugged. Matapos kasi umalis nila Elmo ay wala nang komunikasyon na namagitan sa kanilang dalawa. Hindi naman kasi uso pa noon ang f******k. Come to think if it, hindi naman naiisip ni Julie na si Elmo. Kung hindi dahil dito kay Maqui. Nasa baul na eh. Hinalungkat pa. "Sure ako na masaya yon sa Amerika. Aba Amerika yun. Land of oppurtunities doon." Sagot pa ni Julie. Natigil ang usapan nila nang tumunog ang intercom ni Julie. "Ma'am Julis?" "Yes Bianca?" "May meeting po kayo mamayang 10. Imemeet po yung bago nating employees" "Okay sige Bianca, salamat." Namatay na ang intercom at tiningala ni Julie si Maqui na nakatayo sa tabi kung saan siya nakaupo. "May bagong employees pala? Anong positions?" "May isa pang intern na baka magassistant sa isa sa atin, may art director saka yung bagong photographer." Sagot ni Maqui na nagbibilang pa sa daliri sa kamay. May kumatok nanaman sa pinto at bumungad si Bianca. Bata pa ito, nagOJT sa kanila dahil balak din daw maging writer in the future. "Ma'am, nandito po si Mam Nadine." "Okay sige." Binuksan na ni Bianca ang pinto ng mas malaki at pumasok ang isa pang kaibigan ni Julie at Maqui na si Nadine. Sa advertising staff ng mismong magazine si Nadine nagt-trabaho at close na close ito kay Julie at Maqui. "Guys, ano, may bago daw employees?" Ngiti ni Nadine at umupo sa may upauan na nasa harap ng desk ni Julie Anne. "Bakit ba kayo naeexcite?" Natatawang sabi ni Julie. Mga bagong employee lang naman. "O teka maiba ako." Tila naiintriga na sabi ni Nadine. "Nakita ko eksena niyo ni CJ kanina ah." Julie frowned. "Anong eksena." At boigla siya gumalaw na kunawari ay may inaayos siyang mga papeles. "Muntik na matapon kape mo girl!" Sabi pa ni Nadne. "Taas kilay pa ang gaga. Akala mo naman kung sinong maganda." "Oo nga." Biglang sang ayon ni Maqui. "E paano ba naman, inggit yon sayo Jules kasi mas gusto ka ni Madam Lulu." Si madam Lulu ang editor-in-chief nila at minsan ay tumatayong pangalawang ina ni Julie. Halata naman kasi na maganda ang work ethic nilang dalawa at inggit si CJ doon. "Kung ako sa inyo, magbreakfast kaya muna tayo?" Pagiiba ni Julie sa usapan. Ayaw niya kasi masaydo bigyang pansin ang sinasabing rivalry nila ni CJ. Basta siya nagt-trabaho at kung ano man ang maging resulta ay dahil iyon sa kanyang tiyaga at kasipagan. Sumunod na si Maqui at Nadine nang tumayo siya. May pantry sila sa dulo ng kanilang office at doon sila minsan kumakain ng mga baon o kapag nagt-take out sila. May canteen naman sa babang floor kung saan pwede din na doon sila bumili ng pagkain. "Parang gusto ko ng paotsin." "Buntis ka Maq!?" Biglang singit ni Julie. "Ninang ako ah!" "Gaga ka talaga Julie Anne! Buntis ka diyan! Hindi pa nga nakakascore sa akin si Greg eh!" Walang pake si Maqui kahit linagtitinginan na sila ng ibang tao sa may cafeteria. Natatawang nagpatuloy na sila sa stall ng Paotsin dahil kahit umaga ay gusto mag fried dumplings ni Maqui. Nakatayo silang tatlo at si Nadine na ang nagorder para sa kanila. "Good morning Julie." Sabay sabay namansilang napatingin sa boses at nakitang nakatayo doon ang katrabaho din ni Nadine sa advertising ng pages na si Dominic. "Bakit si Julie lang ang may greeting Dominic?" Sabi pa ni Nadine na parang nangungutya. Namula ang gilid ng tainga at napangiti si Julie. Cute din kasi si Dominic. Matangkad ito na mestizo at maamo ang muhka. "S-siya kasi ang pinakamalapit." That was a lie dahil ang pinakamalapit kay Dominic ay si Maqui pero hinayaan na ng mga kababaihan iyon. "Good morning din Dominic." "Hala hindi na yan makakatulog mamayang gabi Jules." Natatawa na sabi ni Nadine. "Crush na crush ka niyan eh." "N-Nadine!" Nauutal nanaman na sabi ni Dominic. Natawa nanaman si Julie. Kung totoo man na crush siya ni Dominic, thankful naman siya pero di kasi talaga siya naghahanap ng relasyon sa ngayon. Career muna ang focus niya. Dumating na sa wakas ang order nila at pati si Doninic ay hinintay na nilang makabili para sabay sabay na silang umakyat pabalik sa may office. "Jules..." Tawag ni Nadine habang nagtitimgin sa social media account si Julie. "O?" "Kilala mo ba yun?" Sa tinanong ng kaibigan ay napaangat ng tingin si Julie. Pero pagkakita naman niya ay walang tao. "Ha? Sinasabi mo Nadz?" "Kanina may lalaki na nandoon sa doors, nakita ata na tinuturo kita kaya umakyat bigla." Sabi ni Nadine. Julie shrugged. Baka iba talaga amg tintingnan. Hindi naman siya nainteresa sa sinasabi ng kaibigan. Umakyat na sila sa office nang matapos na si Dominic. Nahuli si Julie sa may pinto dahil panay nga siya ng tingin sa cellphone. Nakapasok na ang mga kaibigan niya at lahat siya ay natira pa doon. Tuloy tuloy lang siya sa paglakad nang tumama siya sa pader. Pero hindi gamoon kasakit yung pader. Parang nasalo pa nga siya nito eh. Saka niya napansin na sa tao pala siya tumama. "Uh, sorry." She muttered then lifted her face. She met with somehwat a familiar pair of eyes. Natigilan siya ng tuluyan nang mapansin na parang hinuhukay ng mga mata na ito ang kaluluwa niya. Bakit nga ba parang pamilyar? Dumeretso na siya ng tayo at nasilayan ng mabuti ang itsura ng lalaki na nakasalo sa kanya. Matangkad ito, maputi ang kutis, matangos ang ilong at manipis ang labi. Parang pamilyar talaga. "Hi Julie Anne." Sabi ng lalaki. Lalong nagulat si Julie. Kilala siya nito?!? "I'm sorry, kilala ba kita?" Lumaki ang ngisi ng lalaki. "Ganoon na ba nagiba itsura ko Kalabs?" Oh my god. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD