bc

Magnum Secret (COMPLETED)

book_age16+
1.8K
FOLLOW
6.6K
READ
murder
dark
tragedy
twisted
no-couple
mystery
lies
like
intro-logo
Blurb

Napili si Joshua na maging scholar ng isang exclusive school ang Magnum Academy. Pabor naman ito sa binata dahil sa kabila ng may sakit ang kanyang ina ay isang kahig isang tuka pa sila. Okey naman ang mga unang araw niya rito hanggang dumating ang isang tahedya na magbabago ng lahat.

Pasukin ang mundo ng Magnum Academy. Samahan natin si Joshua na tuklasin ang natatagong sikreto nito. Mula sa mga ding ding, Mga kwarto at mga hindi mapagkakatiwalaang tao.

Genre: Mystery/Thriller

Rating: OT (Older Teen 16+)

-Mild Gore

chap-preview
Free preview
Prologue
LASING NA AKO NG NAKAUWI SA BAHAY. Ayaw ko mang kumatok sa amin dahil mga tulog na ang mga tao pero napilitan ako. Hindi ko na kasi kaya ang pag kahilo. walang hiya kasi tong si Jay eh. Gusto ng hard. Nakakahiya naman kasi sa kanya halos one year din kasi siyang nawala galing singapore. Kaya naman bilang pakunswelo eh pumayag na ako.           "Nay buksan nyo tong pinto!!!" kasabay ng pag katok ko.           "Nay!!!!" sabay katok ko ulit ng tatlong malalakas pero walang sumasagot.             Hindi ko na kaya. Nagsuka nako sa harap ng pintuan namin. Lecheng buhay to oo. Nasan na kasi si Nanay hindi man lang ba ako naririnig eh halos ang lakas lakas na ng pag katok ko.            Sumilip ako sa may bintana namin. Buti nalang eh nakalimutang isara. Kaya naman eh dun na ako pumasok. Langya hindi pa ako kasya. peste!            Wala pa naman akong duplicate key. Talagang sinadya yun ni Nanay dahil para daw hindi na ako uminom pag gabi. Sa totoo niyan eh natigil na yun. Ngayon nalang ulit nangyari sa di ko inaasahan.            Kaya naman eh isa lang ang natatanging paraan na alam ko.  BAAM!             Binasag ko ang bintana namin sa likod. Nag kabasag basag ang halos kakagawa lang na salamin. Patay nanaman ako nito bukas. Naramdaman kong tumutulo ang dugo ko sa kamay. Pero sa sobra kong lasing ay hindi ko masyadong makita. Nanghihina talaga ako. Punyeta.             Naramdaman ko nalang na nakahawak ako sa isang matigas na bakal. HIndi ko alam kung ano to dahil patay ang ilaw. Kinapa kapa ako ang bagay na iyon ngunit kahit anong hula ko ay walang nag reregister sa utak ko. Peste pati ba naman tong utak ko hindi ko magamit ngayon.             Biglang bumukas ang ilaw.              "Josh!!!" sigaw ni nanay.              Agad niya akong inakay at pinaupo. Halos hindi ko na makita ang mukha niya. May sinasabi siya pero hindi ko marinig tanging mga ungol lang ang naririnig ko. Unti unting dumidilim ang paligid. Pati narin ang mga ungol ay unti unting nawawala tapos ang sumunod non ay hindi kona alam. X~X~X              Nagising ako sa kama ko. Tamang tama naman ay dumating si nanay. Mas malinaw na ang paningin ko. Pero ramdam ko parin hanggang ngayon ang sakit ng ulo ko.               "Ayos ka naba?" tanong i nanay sa kin. Habang ginagamot ang sugat ko sa kamay.               "Opo nay ayos na. Medyo masakit lang ang ulo ko. pero kaya ko naman." pag sasalaysay ko.              "Nabigla ka siguro? sabi ko naman sayo na wag ka ng iinom. Tigas talaga ng ulo mo." sermon sakin.              "Si Jay kasi eh. Di na sana ako iinom yun pinilit ako ni loko." pag kekwento ko.              "Tapos binasag mopa yung salamin dun sa kusina. Ikaw tlaga! yan tuloy nasugatan kapa" sabay batok sakin.              Tawa lang ang naisagot ko sa sinabi ni Nanay.              Kinukompuni ni tatay ang sirang bintana sa kusina. Habang ginagawa niya yun ang makikita mo sa muka nito ang inis. Tahimik lang si Tatay kumapara sa shotgun na bunganga ni nanay. Pero tila mas okey nayon kayasa naman sa silent type. Nakakatakot!              Nagpaalam na ako kila nanay at tatay. Papasok na kasi ako sa trabaho ko. Taga bantay ng computer shop. Tumigil muna ako sa pag aaral dahil narin sa hirap ng buhay. may sakit kasi ang Nanay ko. madali ng kapitan ng mga sakit. kaya naman eh hinto muna ako ng highschool imbis na pam baon ko eh pang kain nalang namin. Si tatay naman eh barya barya lang ang kita sa pag da drive ng jeep. Kung mamalas malasin pa eh dun lang napupuinta lahat sa gamot ni Nanay.              Matumal ngayon ang pasok ng tao sa computer shop dahil narin sa lunes. Busing busy sa mga report ang mga kabataan.              Tinuturuan ko na gumawa ng email add ang ka isa isa naming costumer ng biglang my pumasok na matanda. Nakaitim ito at halatang hindi naliligo.              "teka lang miss ah!" paalam ko sa babae pag katapos ko siyang iwan.              "Opo kuya." sagot naman nito sakin.              Agad kong pinuntahan ang matanda na sa kasalukuyan ay nasa gitna ng pintuan.  "Ano ho yon?" tanong ko dito. na kahit lam ko naman na hindi siya maruning mag computer.              Bigla niyang tinaas ang kamay niya. tinuro niya ang mga palad ko. Nung una hind iko siya maintindihan pero nang tumagal parang gusto yata niyang makita ang palad ko. Kay hindi ko ito pinag damot. Agad ko itong pinakita sa kanya. Sinalat salat niya lang ito at bahagyang nag salita.              "Mang ingat ka iho." sa mahinag boses. Nawiwirduhan ako sa matandang to sa totoo lang. Windo na nga ang kausuotan niya pati narin ang kanyang pananalita. Pagkatapos nun ay agad ng umalis ang matanda. Susundan ko sana siya ng tingin pero bigla siyang nawala.              "Miss nakita mo yung matanda dito diba?" tanong ko sa nag iisang costumer ko sa computer shop.              "Sino pong matanda kuya?" balik na tanong niya sakin. X~X~X             Dumating na si Roger ang kapalitan ko. Aba si loko halos mahiwa na ang muka sa sobrang ngiti.            "Oy Roger? mukang masaya tayo ngayon ahh?" tanong ko habang nag aayos na ako ng sarili.            "Syempre naka iscore ehhhh!" tawa nito. Inambaan ko siya sa likod at konting binola.            "Oiii manlibre ka naman dyan naka score ka pla eh!" pambubuno ko.            "Gago wala pa ngang sweldo ehh. Nag papapsa load pa tong nanay ko. Asar nga ehh di ako tuloy mapag reply kay loves ko ng I love you too!"             "O sya sya aalis na ako. sige pre!" sabay labas ko.               Pag bukas ko palang ng pintuan namin ay amoy na amoy ko kaagad ang niluto ni nanay na sinigang.               "Oi nandyan kana pala! tamang tama at nakaluto na ako.Binaba ko ang bag ko sa may sofa at tuluyan ng umupo sa hapag kainan. "Si tay wala pa?" tanong ko habang kumukuha ng kanin.              "Nako wala pa. Gabi naraw siya makakauwi birthdy yata nung kumpadre niya." pagsasalaysay ni nanay.              "Nako naman si Tatay ohhh. mamaya bigla nanaman yang atakihin sa puso." pag kainis ko.              "Hayaan mona paminsan minsan lang naman yan. Sige kain na." alok ni nanay sakin.               Napansin ko na puro buto yata ang laman ng sinigang namin ahhh. Dun lang bumawi sa dami gulay. Feel na feel ko talaga ang hirap namin sa buhay. haii nakooo!              "Anak meron palang dumating na sulat para sayo. dun ko nilagay sa lamesa sa kwarto mo." sabi ni nanay habang kumakain.               "Hooo? san daw galing?" tanong ko.               "Walang nakasukat eh. Kaw nalang yung tumingin." pahabol niya.                Nabusog talaga ako sa luto ng nanay ko . Nakakawala ng pagod kahit na boring ako ngayon sa trabaho eh. Isang kutsara lang ng luto ng nanay ko solve na ang lahat.               Nanood muna kao ng t.v. palabas na kasi yung palagi kong pinapanood pag alas syete na ng gabi. ang katatakutan. Tungkol to sa mga tru to life documentary sa ibat ibang parte ng pilipinas at sa iabang bansa.               Pagkatapos kong manood ay umakyat nako sa taas para matulog na. Ewan ko ba pero bigla akong dinalaw ng antok . Napagod yata ako sa pag ka tunga nga ko sa computer shop ngayong araw.              Pagpasok ko sa kawrto ay nagpalit agad ako ng damit. Mas gusto ko pa ang nakahubad matulog mas presko.              Nakita ko ang sulat daw para sa akin sa ibabaw ng lamesa. Pero di ko muna binuksan. Wala akong gustong gawin ngayon kundi matulog. Kaya naman pinikit kona ang aking mata at tuluyan ng nakatulog.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.8K
bc

ANG HAYOK KONG BOSS (SPG)

read
11.1K
bc

AGENT ENRIQUEZ (R-18) SSPG

read
27.0K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
181.7K
bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook