Secret no.6

1250 Words
 NABITAWAN NI PATRICIA ang hawak hawak niyang kutsara. Malakas ang pag kalansing nito ng nahulog ito sa kahoy na sahig. Kasabay noon ay agad kaming tumakbo tungo sa second floor ng dorm. Halos hindi magkandarapa ang lahat sa pagtakbo. Lahat ay nais na agad na makapunta sa silid nila Ashley. Pag pasok namin sa silid ay nakita namin si Goldie na nakasalampak sa gilid ng kwarto. Halos ayaw niyang tignan ang kabilang kama. Nakayapos siya sa kanyang dalawang tuhod at pilit na tinituro ang kabilang kama ni Ashley. "Buksan nyo ang ilaw!!!! Buksan niyo!!!!" sigaw nito ng paulit ulit. Hanggang binuksan ko ng walang katakot takot ang switch ng ilaw.  Secret no.06: Wrong Assumption - - - - - - - - ░ ▒▓▓█D Tumambad sa amin ang duguang kama ni Asley magulo ito. At hindi mapag kakailang nagpupumiglas ito dahil narin sa mga nakitang gulo ng linens. Agad namang dumating sila Mr. Gregory sa pinangyarihan. Nagulantang ito. Ngunit napansin ko na mukang may pagka iba sa expression ng muka niya. "Bumalik kayo sa mga kwarto ninyo!" wika niya na halos tinataboy kami. "Dalina umalis muna kayo." pahabol nito. Si Patricia at Goldie naman ay todo sa pag iyak. Hindi na mapigilan ang pag buhos ng kanilang luha habang ang ibang kaklase naman namin ay todo himas sa mga likod nila. "Ashley! Ashley! Ashley! pauit ulit nilang sabi habng naglulupasay sa corridor ng dorm." Dumating naman ang nurse ng school at pinainom sila ng pampakalma. Pinaupo sila sa may sofa at pinapaypayan para matanggal ang mga tensyon nila. "Grabe talaga ang nangyari!" sabi ni Michael habang umiiling pa. "Oo nga eh! sino naman kaya ang gagawa niyan at nasan ang bangkay ni Ashley?" tanong ko.  Agad namang nakisingit si Rupert sa usapan at biglang sinabi. "Patay na kaya si Ashley???" mahinang tanong niya. Narinig naman ito ni Goldie at walang humpay na bigla niyang pinagsusuntok ang likod ni Rupert at sinabi. "hindi pa siya patay!!!!" halos masira ang damit ni Rupert sa lakas ng pagkakakapit ni Goldie rito. Agad naman naming inawat si Goldie. Hinawakan namin siya sa kanyang dalawang kamay at nilayo namin siya ni Michael kay Rupert. "Joke lang yun!" pag papatawad ni Rupert pag layo niya kay Goldie. "Nagagawa mo pang mag joke ngayon." sabad naman ni Goldie. "Sorry na." pag hihingi ng tawad ni Rupert sa dalaga. Dumating narin pag katapos ng isang oras ang mga pulis. Nag imbistiga sila sa pinangyarihan ng krimen. Kumuha sila ng blood sample mula sa duguang linen ng kama. Nilagyan din nila ng finger print powder ang bawat gilid ng bahay. Dahil nagbabaka sakali sila na baka may makuha silang finger print dito. Humupa na ang tensiyon sa bahay. Umakyat na ang lahat sa kani kanialng mga kwarto. Si Goldie at Patricia naman ay nakatulog narin dahil umepekto na ang pinainom ng nurse dito na pampakalma. Si Pupert naman ay nagpalit na ng damit. Napapailing ito dahil sa nasira ni Goldie na signiture shirt niya. Eh mukang favorite pa naman niya yun. Sabay narin kaming umakyat ng kwarto ni Michael. Nasa loob na ako ng nakalimutan ko ang cellphone ko sa baba kaya naman eh. Bumalik ako sa sala para kunin. Nakita ko ito sa gilid ng sofa. Buti nalang at walang kumuha. Pag panik ko sa taas ay siya namang dating ng Chief of pulis at ni Mr. gregory. Hindi ko intensyon ang makinig sa kanilang usapan pero. Naging interesado ako dahil tiyak ay tungkol sa kaso ni Ashley ang kanilang pag uusapan. "Musta naman ang kaso Sir. Mercado?" tanong ni Mr. gregory sa chief of Police. "Malabo pa ho sa amin kung sino at nasaan ang katawan ni Ashley pero isa lang ho ang kagulat gulat sa aming imbistigasyon." wika ni Sir. Mercado. "Ano ho iyon?" agad naman na tanong ni Mr. Gregory. Sinagot ni Mr. Mercado ang kanilang finding mula sa dugo ni Ashley at pati ako ay hindi makapaniwala sa narinig ko na nagpalaki ng aking mga mata. X~X~X Bakas parin sa lahat ang kalungkutan kinabukasan pag tipon namin sa hapag kainan. Walang imikan. Tila lahat ay nagluluksa sa pagkawala ni Ashley. "Nasan na si Goldie?" tanong ko. Habang nabasag ko yata ang katahimikan ng lahat. Walang sumagot sa akin. Tumitingin ako sa mga mata nila pero kahit isang titig ay hindi nila ako tinignan. "Oo nga nasan na kaya ang batang yon." sagot naman sa akin ni Mrs. Patty na sinabayan yata ako sa akling simpatsiya. "Dadalhan ko nalang siya ng pag kain niya sa kayang kwarto." pahabol nito. Sinimulan ko ng higupin ang nilutong sopas ni Mrs. Patty. Maingat akong hinigop ang bawat sabaw nun. Parang nakakahiya naman kasing mag gawa ng ingay sa harapan ng mga ito. Nakakatakot. Hanggang mayat mayay nagpaalam na si Patricia.  "Aalis na ako." wika nito sa malungkot na boses. Kinuha nito ang bag at dahan dahang nagpunta sa aming silid paaralan. Sinundan ko ng tingin si Patricia. Pilit kong hinuhuli kung ano nga ba ang simpatiya niya. Ngunit parang di ko parin makuha. Sabagay kung ikaw nga naman ang mawalan ng mahal sa buhay ay ganun din ang reaksyon mo. HIndi pumasok si Goldie sa aming klase. Talagang pinakatawanan niya ang loner forever sa kanilang kwarto. Nako nakakatakot dahil baka matulad siya kay Ashley!!! (Joke lang!) X~X~X Pag dating ng hapon ay nagtipon tipon ang lahat sa sala. Tahimik lang silang nakatanga sa isat isa. Syempre ako nakitanga narin. Nakikisama nalang. Mayat maya ay bumaba na si Goldie galing sa kanyang kwarto. Malungkot parin ang mata nito at namumula. Halatang kakagaling lang nito sa pag luha. Tumabi siya sa tabi ni Patricia. Niyakap naman siya ng kaibigan ng todo higpit.  "Guys" wika ni Michael. "Bakit?" tanong naman ni Patricia. "Nasan na kaya ang katawan ni Ashley? Patay naba talaga siya?" wika nito sa mahinang boses. "Di pa siya patay." sabad naman ni Goldie. "Kung di siya patay nasaan ang katawan niya?" pabalik na tanong ni Michael. Nako buti nalang at wala doon si Rupert nako. Dahil kundi lalabas na siguro ang mga pinag kekwentuhan namin sa buong campus. May pagka chismoso pa naman yun. Medyo nanahimik ang lahat. Pilit na kinakarkula ang bawat sinabi ni Michael. Pero ang hindi nila alam ay may narinig ako kanina sa usapan nila Mr. Gregory at ang cheif of Police.  "Guys" binasag ko ang katahimikan nila. "Ano yon?" sabi naman ni Michael sa akin. Hindi ako nakapag salita kaagad. Kunyari eh tumitingin pa ako sa labas ng bintana. "Ano yun?" intirisadong tanong sa akin ni Patricia. Lumaki na ang mga mata nito at unti unting lumapit sa akin. "Ano yun Joshua may nalalaman kaba?" tanong nito sa akin. Hanggang lumuhod na ito sa harapan ko. "O sige isge!" sabi ko. "may narinig ako sa usapan nila Mr. Gregory kanina at ang Cheif of Police." pag chichismis ko. Pag kasabi ko non ay bigla silang lumapit sa akin. Para silang mga aso at nakita nila ang amo nila pag kagaling nito sa buong araw na trabaho. "Makinig kayo." wika ko sa mahinang boses. "sa palagay ko eh! buhay pa si Ashley." sabi ko. Nagulat silang tatlo. Talo pa nila ang mga batang nanonood ng horror movie. "Bakit mo naman nasabi yan Joshua?" marahang tanong sakin ni Goldie habang nagpupunas pa ng luha. "kasi sabi narinig ko kanina na ang dugong nakuha nila sa kama ni Ashley ay hindi dugo galing sa tao." sa mahina kong sabi. "Eh kanino?" sabi ni Patricia. "Dugo yun ng galing sa baboy." pagpapatuloy ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD