Secret no.2

1350 Words
 HINDI AKO KAAGAD NA NAKAPASALITA sa tanong ng lalaking nakaitim na yon. Simula ng nagpakita yung dugyot na lalaki sa computer shop ay sunod sunod na ang mga widdong pangyayari sa buhay ko. at ito na nga ang bago. "Ikaw ba si Joshua Alumpihit?" tanong niya ulit sa akin. "Oho ako nga ho!" mahina at mabagal ko na sagot. Hindi ko alam kung tatakbo ba ako sa sitwasyon na yon o hihingi ng tulong. Para kasing may hindi tama. Wierd???? Ilang minuto rin kaming nasa ganong pusisyon. nag magsalita ulit si Misteryosong mama. ""Lika na sumakay ka sa kotse at gusto kong makausap ang nanay mo." sabay turo niya sa magarbong itim na kotse. Secret no.02: Mr. Nobody - - - - - - - - ░ ▒▓▓█D Nakatingin lang si Nanay kay misteryosong mama habang inuubo ubo pa. Si tatay ay wala pa hanggang ngayon dahil namamasada pa ng jeep. Nakakalbo na si Misteryosong mama. Medyo kulubot na ang balat nito sa mukha at pati narin sa mga kamay. Ang mga kuko naman nito ay kulay abo na tila mamatay na. Ang kanyang mga mata naman ay maliit nakasuot ito ng salamin na halatang nanlalabo na. Nakaitim si Misteryosng lalaki. Gustong gusto ko ang tabas ng kanyang tuxedo na damit. Astigg! pang mayaman. "Tiga saan uit ho kayo?" tanong ni nanay na tinatakpan pa ang bibig niya ng isang panyo. "Bago ko sagutin ang tanong niyo ay magpapakilala muna ako sa inyo. Ako ho si Ernesto Climente. Pinadala ho ako ng Magnum Acadamy para sunduin ang inyong anak." wika nito. "Teka teka hindi ko maintindihan. Eh wala naman po kaming sinalihang kahit na anong raffle." pagsasalaysay ni nanay. "Napili ho ng aming computer ang inyong anak upang sumailalim sa isang libreng pag aaral. Ang aming eskwelahan ay nag tuturo hindi lang sa mga may pera kundi sa mga nangagailangan." sabay ngiti ulit ni Mr. Ernesto. Nakikinig lang ako sa usapan nila. Ang wierd talaga paano naman napunta sa computer nila ang pangalan ko. Ano yun Magic? "Joshua?" tanong ni Mr. Ernesto sa akin. "Ho ano ho yun?" marahan kong sagot. ''Patingin ng imbitasyon." utos niya. Agad ko namang kinuha ang bag ko. Mula dito ay hinanap ko ang itim na imbitasyon na hinihingi ni Mr. Ernesto. Na sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng mga basura ng bag ko.  Pag kakuha ay inabot ko ito sa kanya. Hindi naman kalakihan ang imbitasyon. Medyo matigas ito na parang cardboard. Ang mga titik na pinag imprenta dito ay kulay silver na pag tinapat mo sa ilaw ay sobra ang kinang.  Hinawakan ni Mr. Ernesto ang naturang inbitasyon. Sa gilid pala nito ay may maliit na tila sikretong bulsa. Sa bulsang iyon ay  meron isang siyang kinuha na isa pang maliit ng puting papel. Tumingin muna sa amin si Mr. Ernesto bago pa man niya ito buksan. May pa thrill thrill pa eh!. Pagbukas niya ng maliit na papel ay wala naman itong nakasulat. Pambihira wala naman pala eh. Kinabahan pa ako. Akala ko naman kung ano. "Kailangan ko ng dugo mo!" agad na sabi ni Mr.Ernesto. "Ho???" gulat ko. "Isang patak lang ang kailangan natin para mabasa ang nakasulat dito." ika niya. Mas lalo akong nawirduhan. Ano to blood compact? Tumingin muna ako kay nanay. Wala naman akong nabanaag sa muka niya ng pagka bahala. kaya naman eh omoo narin ako. Saka siguro naman ay hindi ko yon ikamamatay. Tinusok ni Mr. Ernesto ang dulo ng aking hintuturo. Ang aking patak ng dugo ay tumulo na sa maliit na pirasong papel nayon. Para itong mahika. Unti unti ay may lumalabas na mga letra. Una Letter L - E - X - U - S. sa ilalim naman nito ay 3 - 6- 0. Wow ano to code??? "Ang unang pangalan yan ang section mo. Yung mga numero naman ay ang iyong magiging silid." wika ni Mr. Ernesto sa marahang salita. Nagkatinginan ulit kami ni Nanay. Pa wirdo ng pawirdo ang mga pangyayari. Hindi ko ba alam kung nananaginip ba ako? Teka pakigising na ako!!!! "Ahhh eh Mr. Ernesto. kailan ho ba magsisimula ang klase?" tanong ni nanay. "Ngayon na ho. Sa lalong madaling panahon." agad nitong sabi. X~X~X Naglilipgpit na ako ng mga dadalhin kong gamit. Matagal tagal ko naring hindi nagagamit ang isa kong malaking bag. medyo luma na at marami ng tagpi. pero wala akong magagawa. No choice. Hindi ko namalayan si nanay sa likod ko. Hindi man niya sabihin pero labis ang kanyang kalungkutan. "Nay?" sabi ko ng napatigil ako sa pag tutupi ng aking mga damit. "Anak. ma mis miss kita." wika ni nanay habang umuubo pa. Hinapo ko ang likod ni Nanay. Pilit kong pinapadama sa kanya na ayos lang ko.  "Nay pag nakatapos na kong pag aaral ay hindi na kayo iinom pa ng kahit anong gamot. dahil papadoctor ko na kayo. Sabay yakap sa payat niyang katawan. Naramdaman ko ang minit na luha ni nanay. Niyakap niya ako ng mahigpit. Para bang hindi na kami magkikita. "Nay tama na ang kadramahan makakasama na yan sa inyo." sabi ko habang pinupunasan ko ang mga luha niya. Tinext ko na si tatay. Nag paalam ako. pati narin kay boss Kamote at kay Roger. Haiiii sa wakas mapapagtuloy ko narin ang matagal ko ng inaasam. Ang makatapos ng aking pag aaral. Nasa pintuan na kami. Handa narin ako sa magiging byahe namin. Habang si nanay ay nasa tabi ko lang at namamaga na ang mata dahil sa pag luha. "Anak mag iingat ka dun ah!" wika nito. "Opo nay lagi nyong buksan yung cellphone nyo. tatawag ako." pangako ko sa kanya. Hinagkan ko si Nanay sa pisngi. Tamang tama naman ang dating ni Tataty galing sa trabaho. nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap. "Anak bakit naman pabigla bigla ang desisiyon mo?'' Tanong niya sa pagkabigla. At isa lang ang sinagot ko. Ang pamatay na. "Para po sa kinabukasan natin to tay!" sabay tulo na ng luha ko. Concern din pala si tatay sakin. Feel na feel namin ang mga eksena parang Maala ala Mo Kaya lang. Agad na akong pumasok sa itim na kotse. Pag pasok ko sa loob ay tumingin pa ko sa pwesto ni Nanay at tatay. Nakaakbay si Tatay kay nanay habang hinahapo niya ito. Si nanay naman ay umiiyak parin habang winawagayway niya ang kanyang kamay sa akin. Nag simula ng umandar ang kotse. Mula sa aking kinauupuan ay unti unti lumiliit sila nanay at di naglaon ay nawala na sila sa paningin ko. X~X~X Nakatulog pala ako sa byeha namin. Ang dating maingay na paligid ay unti unting napapalitan ng katahimikan. Bumangon ako sa likod ng sasakyan ng nakita ko si Mr. Ernesto nakatinign sa harap ko.  "Musta ang tulog mo?" tanong niya. "Nasan napo tayo?" tanonh ko naman. "Malapit na tayo." wika lang niya. sabay tingin sa bintana ng sasakyan. Pati ako ay simulip sa may bintana. Madilim ang paligid. Tanging ang ilaw lang ng aming sasakyan ang nagbibigay ng liwanag sa buong paligid. Ng kinalaunan ay nakakakita na ang aking mata sa dilim. Sa kalukuyan pa la naming tinatahak ang isang mahabang daan. Puro mataas na puno ang nasa gilid nito. Nag hahanap ako ng kahit isang maligaw na bahay ngunit bigo ako. Nakakatakot!. Makalipas ang ilang minuto ay biglang tumugil ang sasakyan. sumilip ako sa may bintana. Tumambad sa kin ang isang malaking gate. Kulay itim ito at halata ang pagka antigo. Sa gitna nito ay may Nakalagay na titik L. Biglang bumukas ang naturang gate. Pumasok ang aming sasakyan sa loob. Bumungad naman sa akin mula rito ang isang napaka laking eskwelahan. Hindi ko ito masyadong makita dahil tanging ang ilaw lamang ng post light ang nag bibigay ng liwanag sa paligid.  Ang aking akala ay dun na ko ni Mr. Ernesto dadalhin ngunit nagkamali ako. Kami ay huminto sa isa pang malaking gusali.  Pinababa na ako ni Mr. Ernesto sa kotse. Dinala ko na rin ang bag ko sa pag labas ng kotse. Tumingin ako kay Mr. Ernesto at isa lang ang nasabi nya. "Welcome sa iyong bagong tahanan." wika niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD