Chapter 04: Cheerdance

1267 Words
Natapos ang October nang ganoon lang kabilis. Ngayon ay kalahati na kami ng November. Ilang araw na rin kaming nagpapractice para sa cheerdance namin bukas. Hindi ko nga alam kung hangin na ba ngayon ang bawat araw, dahil parang dumaan lang 'yon sa bilis. "Bukas na ang cheerdance, my gosh!" reklamo ni Hazel. "We can do this!" Ella said, encouraging us. "Agree," kalmado kong sagot ngunit sa loob-loob ko ay ninenerbyos na ako. Nag-announce lang ang mga professor namin, hindi na rin sila nagpagawa pa ng mga projects, assignments at activities dahil alam nila kung gaano kami kapagod at kaabala sa darating na cheer dance namin bukas. Kinakabahan na talaga ako. Sinong hindi kakabahan sa Competition ng cheerdance na gaganapin sa ibang University? Yes, hindi gaganapin ang Competition ngayong school year sa West University at bago 'yon para sa aming lahat. Mabilis na tumakbo ang oras at ngayon ay uwian na. Pero napagpasyahan namin nina Hazel at Ella na magpunta sa mall. "Bookstore, girls!" nakangiti kong yaya sa kanila. "Aye aye!" Pare-pareho kaming mga adik sa pagbabasa ng mga novels or should I say bookworm kami kaya agad kaming nagkakasundo roon. Nang matapos kaming mamili ng libro ay kumain kami sa Starbucks. Then they decided to sleepover in my house tonight kaya umuwi na kaagad kami. Dala naman nila 'yong costume na gagamitin namin bukas so we have nothing to worry about. "Girls, 5:30 PM pa lang naman. Movie marathon tayo," suggest ni Hazel. "What movie?" I asked. "Love story!" ani Ella. "Kinda like it, but let's try a Horror film," I suggested. "Or Drama?" sambit ni Hazel. "What about Comedy?" dagdag pa ni Ella. "Love story na nga lang," sabay-sabay naming nasabi. Nagkatinginan kaming tatlo at maya-maya'y parehong natawa. Pinili naming love story ay 'yong may drama at the same time ay may comedy ring part. Ang daya nila! Hindi kasama ang horror ko! Nasa gitna na kami ng movie, ito 'yong part na madrama na. I forgot the title of the story. Umiiyak 'yong girl kasi niloko siya ni boy. Tsk, ayan ang ayaw ko sa mga ganiyan. Wala pa akong experience sa lovelife, I mean NBSB o no boyfriend since birth pa ako pero bitter lang talaga ako. Ewan ko rin kung bakit. Binalingan ko ng tingin 'yong dalawa. Umiiyak talaga sila? Geez! Ang manhid ko yata masyado. Girl: Akala ko ba mahal mo ako? Bakit ganito ang ginawa mo sa akin? Boy: Sorry. . . Please, patawarin mo ako. Pinagsisisihan ko nang niloko kita. Girl: Ang sakit! Alam mo ba 'yon? Kasi 'yong taong pinagkakatiwalaan ko nang lubos ay siya rin pala ang sisira sa tiwalang ibinigay ko. Alam mo naman kung gaano kahirap para sa akin ang magtiwala, hindi ba? Boy: Alam ko. Pinagsisihan ko na, patawarin mo ako, please! Gagawin ko ang lahat! Mahal kita. . . Girl: Mahal mo ako? Kung mahal mo ako, bakit mo ako niloko? Sorry rin pero mas mahal ko ang sarili ko kaya tama na. Ayaw ko na. Maghiwalay na tayo. Nang matapos ang movie ay nagsipunasan na sila ng mga luha. Grabehan, aaminin kong nadala ako sa palabas pero not to the point na ang daming natuyong luha sa pisngi ko at naging pulang-pula pa ang ilong. Kumuha ng makakain si Ella sa baba habang si Hazel ay iyak pa rin nang iyak sa gilid. Hindi maka-get over sa pinanood namin. Kinuha ko ang phone ko at binalak siyang kuhanan ng litrato. "Smile, beb!" "Hoy!" asik niya. "Masyado akong nadala sa movie." "Don't worry, hindi naman magiging ganyan ang love story mo." "I know right. Hindi ganoong lalaki ang pipiliin ko." Pagkatapos naming mag-dinner ay umakyat na kaming tatlo sa room ko. Hindi ko na pinagamit sa kanila ang guest room kasi gusto nila ay tabi-tabi daw kami. But it's okay with me, mas masaya kapag kasama ko sila. "Let's sleep na, girls. Kailangan natin ng energy para todo-bigay tayo bukas," Ella told us. Bago ako matulog ay inalarm ko muna ang clock namin on 7:00 AM. Kailangan daw kasing maaga bukas upang makapag-prepare pa. Then we all fell asleep. Pagkagising na pagkagising namin kinabukasan ay nagsipag-ligo na kami. Habang nagbibihis kami ng costume namin ay nag-open ako ng messenger. Binasa ko ang chat ni President sa group chat namin. Class President: Today is our cheerdance competition so make sure to be here before 9:00 AM and get ready. "Kailangan daw ay nandoon na tayo before 9:00 AM," I announced to them. "Got it," they said in chorus. Nagpahatid na kami kay Manong sa school na paglalabanan namin. Ang daming tao, ang suot pa naman namin na costume ay crop top. Hindi rin ako sanay na nagsusuot ng ganito kasi nahihiya ako. "Ang gaganda niyo naman, mga hija!" puri ng lecturer namin sa aming tatlo. "Thank you po, ma'am." "Maya-maya lang ay mags-start na raw. Maghanda na kayong lahat," paalala ni president. We just nodded in response. Nagsimula na ang competition. Unang nag-perform ay ang mga junior high school. Nasa unahan kami nakapwesto nina Hazel at Ella at naghihintay na lang na tawagin kami sa stage. Kami na ngayon ang sasayaw. Mas madami ang tao rito kumpara noong nakaraang program at iba-iba pang mukha ang nakikita ko, hindi tulad sa West, halos saulo ko na ang mukha ng mga tao. Napatawa ako nang marinig ko ang mga sumigaw na estudyante ng West University. "Woooh! Go West students!" "Kaya niyo 'yan!" "Support kami!" "Galingan niyo!" "Panalo na 'yan!" Grabe ang suporta nila sa amin. Damang-dama. Napangiti na lang ako sa tuwa. Nagsimula na kaming sumayaw. Todo hiyaw diyan, todo sigaw naman dito. Paniguradong bukas wala nang boses 'yong mga sigaw nang sigaw at tili nang tili na mga babae. Nagfo-focus lang ako sa sayaw nang mahagip ng mata ko ang taong nakatayo sa gilid. Vini-videohan niya ba kami? Nang matapos kaming sumayaw ay dali-dali ko siyang nilapitan. "You're amazing," nakangiti niyang puri. "Vinideohan mo ba kami?" walang prenong tanong ko. "Yes, why?" "Burahin mo!" gigil kong sambit. "Why should I?" "Just delete it! Now! Kasama ako sa video na 'yan!" "I know, that's why I took a video because I'm recording you." "Ewan ko sa 'yo!" singhal ko saka siya padabog na tinalikuran. Nakisabay naman si Allen. Si Allen ang kaklase na boy best friend din naming tatlo nila Ella at Hazel. Sobrang mapang-asar, yabang at funny n'yan. Pero overprotective siya pagdating sa amin. "Kawawa. Marco, pasend, ha?" asar niya pa. "Hindi pwede," tawa ni Marco. "Alam niyo, nakakainis kayo!" singhal ko sa kanila. "Hazel, Ella, let's go! Tapos naman na siguro 'yang competition na 'yan," yaya ko sabay hila sa kanila. "Paano 'yong award?" Tanong bigla ni Ella. "Ibibigay din naman sa atin 'yan sa school. Let's go now. I can't take the atmosphere here anymore. I'm sorry." Nang makauwi na kami sa bahay ko ay naupo muna kami sa sofa sa pagkapagod. "Trip ka nila Allen kanina, beb," natatawang saad ni Hazel. Napasinghap ako. "Oo, talaga. Kung hindi ko lang din kaibigan 'yon, sasapakin ko na talaga 'yon nang hard." "Need mo ba ng resbak, beb?" Then we all laughed. Nang matapos kaming magpahinga ay ginawa lang namin ang daily routine naming tatlo sa tuwing nasa iisang bahay lang kami. Movie marathon, kain at tulog. Maaga kaming nakatulog dahil sa sobrang pagod ngayong araw but at least wala na kaming pagkakaabalahan sa mga susunod pang araw. Finally, we can breathe easily again without worrying about anything. And that's how today ended. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD