Chapter Eighteen
Sebastian
Napasuntok ako sa manibela, katabi ko si Daddy pauwe na kami ngayon sa bahay.
"How did they escaped?" galit na sabi ni Daddy.
"I dunno Dad!"
"WEDA is behind on this!"
Pagdating sa bahay, nadatnan namin ang ginagamot na tauhan ni Dad. May saksak ito sa binte biglang nag flashback ang nangyari sa akin sa party.
"Wait.. who did this to you?"
"Nakamaskara.."
Napapikit ako, kinuha ni Dad ang baril na hawak hawak ng tauhan niya at binaril ito. Nakita ko ang pagpikit ni Marie, nakasuot na ito ng pangkatulong. Tinitigan ko siya, may mali talaga eh.
"Itapon na yang basura na yan!" utos nito sa mga tauhan. "where is Margareth?!"
"Sa silid niya po Sir." sagot ni Marie, yumuko si Marie ng dumaan kami ni Daddy.
"Samuel ano bang problema?" si Mommy.
"Kung sino man ang taong nasa likod ng maskara, kahit sino pa siya papatayin ko siya!" dumeretso ito sa silid ni Margareth. "tipunin mo ang mga tauhan mo! Susugod tayo sa WEDA! Kill them all!"
"Masusunod." sagot ni Margareth. Nakita ko si Marie na umalis, sinundan ko siya. Pumasok siya sa headquarters ng mga katulong, napabuntong hininga ako baka over lang ako sa pag iisip, paalis na ako ng marinig ang pag uusap nila.
"Winston your in danger! Susugod anytime from now ang mga Assasins! You have to get out of there!"
Napakuyom ako, ang pinaka ayaw ko ay ang trinatraydor ako! Bumalik ako sa loob. "Daddy change plan, it's our turn to play now, call the black dragon." pumasok ako sa loob ng CCTV room.
Itinuro ko ang headquarters ng mga katulong kung nasaan si Marie at itinuro ko naman ang labasan niya sa tuwing pinapapuslit ko siya papunta kay Winston. "here, someone picked her." tinuro ko ang highway kung saan ang hangganan ng tunnel.
"Margareth follow her siguraduhin mong hindi ka niya mapapansin, sumama ka sa mga tauhan mo sa pagsunod sa kanya pero make distance. Kailangan malaman natin kung nasaan ang kanilang main headquarters."
"I will kill her!"
"No.. we still need her, she will lead us to WEDA and this time huwag ka ng papalpak. Call your men to ambush Winston house. Wala na silang ibang mapupuntahan kundi ang headquarters."
"Anong silbi ng black dragon? WEDA is their mission given by Mr. Marte baka nakakalimutan mo na?" si Samuel.
"Dad we are hitting two birds in one stone. Makukuha natin ang babaeng nakamaskara and the black dragon will thank us for helping them to get rid of WEDA at makukuha na rin natin ang mga clients nila."
Tumawa si Samuel. "anak nga kita." nilingon nito si Margareth."where is your men?"
"Underground."
"Good, ihanda mo na sila sa pagsalakay sa bahay ni Winston at ang black dragon naman ang bahala sa office nila. Now let our cats chase the rats."
"Dad I have a better plan."
=============================================================================
Winston
Winston your in danger! Susugod anytime from now ang mga Assasins! You have to get out of there!
Napabangon ako mula sa pagkakahiga, kaagad na nagsuot ako ng damit. "babe?"
Hinalikan ko si Delly sa mga labi at kinuha ang baril. "Babe stay here babalik ako kaagad."
"Where are you going?!"
"Sa bahay, may mahalagang kukunin lang ako doon." lumabas na ako sa silid namin at nadatnan ko sina Andrew at Alice na nakatulog sa sofa. Kaagad nagising ang dalawa. "Andrew call the office to get ready."
Tumayo si Alice. "are they coming?"
Tumango ako at tinungo ang sasakyan ko. Paglingon ko bumukas ang pinto ng sasakyan at pumasok si Delly. "anong-"
"I'll go with you, kahit saan ka dapat nandun ako."
I took a sighed at hinayaan na lamang siya, we are heading to our house.
•
•
•
Marie
Napabuntong hininga ako pagkatapos kong balaan sina Winston. Itinago ko kaagad ang phone ko ng may pumasok na isang katiwala.
"Marie tawag ka sa office ni Sir Sebastian."
I nodded. "sige, salamat."
Kumatok muna ako bago pumasok, nagtaka ako ng madatnan sina Samuel, Suzane at Margareth. "don't be afraid I told them about our plans." Sebastian said. "take a seat."
Umupo ako sa harap nila.
"I want you to kill Winston." anito.
"I don't know how to kill Sir." I answered.
Napapikit ako ng batuhin ako ni Margareth ng kutsilyo, nasugatan ang tainga ko sa talim nun at tumama iyon sa likod ng sofa. "that's simple."
Tumayo si Samuel. "puntahan mo sa bahay si Winston at kunin mo lahat ng informations niya. Report it to us immediately."
"O di kaya painumin mo siya ng lason." si Suzane.
Sila ba talaga ang pamilya ni Delly?!
"I re-report ko po kaagad ang malalaman ko Sir." sagot ko.
Lumabas na ako at nagpalit ng damit, hindi ko na kailangan pang dumaan sa tunnel kasi alam naman nila. Sumakay ako sa sasakyan at tinahak ang daan sa bahay ni Winston. Mula sa side mirror nakita ko muli ang pagsunod ng mga itim na van sa akin. "trash!"
Inilagay ko ang earpiece sa tainga. "Winston where are you now?"
Winston: home.
Marie: I am on my way there, they are following me.
Winston: let them.
Andrew: it's quiet here.
Marie: hindi pa nila alam ang base natin kaya safe kayo diyan.
Alice: Marie how many vans are following you?
Tumingin ako sa side mirror. "three."
Alice: Winston send back Delly here!
Delly: oh c'mon Alice kaya ko na sarili ko.
Marie: that's my line Delly.
Delly: (chuckled) I know Marie and Alice don't worry as long as I'm with Winston hindi ako mapapahamak.
Nakita ko na ang bahay ni Winston, ipinarada ko ang sasakyan sa labas at pumasok sa loob nakita ko ang paglagpas ng tatlong vans. Mabilis na niyakap ko si Delly ng makapasok ako.
"Marie go to the headquarters, kami ng bahala ni Delly dito."
"Okey." nagpalinga linga ako ng masigurong wala ng sasakyan ay lumabas na ako ng bahay at sumakay sa sasakyan papuntang headquarters.
=============================================================================
Margareth
Got ya' nagpark ako sa isang bahay at di nga ako nagkamali, lumabas muli ito. Sinundan ko siya. "your right Basti, I am following her now."
"How about Winston? did you see him?"
"No, pero I'm sure he is still inside."
Nag hang na sa kabilang linya. Pinagpatuloy ko na ang pagsunod sa sasakyan ni Marie. Napangisi ako ng pumasok ang sasakyan niya sa limang palapag ng building. Hindi mahahalatang may naka base sa loob dahil under construction pa ang nakalagay sa labas. Umalis na ako doon ng masigurong doon nga ang base ng WEDA.
Basti's calling..
"Yes."
"Call your men to kill Winston, at ikaw dumeretso ka sa underground."
I ended the call at tinawagan ang tauhan ko, napangisi ako. "kill Winston."
•
•
•
Delly
"Are you done?"
"Yes babe." pinagpagpag ko ang mga kamay, tapos na akong maglagay ng mga bomba sa mga sulok ng bahay. "I'm gonna miss this house."
"Babe dapa!" itinulak ako ni Winston kaya sumadsad ako sa sahig. Nagtago siya sa gilid ng bintana, nagsibasagan ang mga gamit niyang tinatamaan ng bala. Hinagisan niya ako ng baril, senenyasan niya akong gumapang sa kabilang kwarto kung saan nandoon ang hagdan pailalim. Sinunod ko siya at narinig ko ang pakipaglitan niya ng putok.
"Ang dami nila!" sigaw ni Winston. "babe make it faster!' hinagisan ni Winston ng granada sa labas at gumapang din siya papunta sa akin. Nauna ako sa ilalim kasunod siya, naririnig ko ang pagratrat sa bahay sa itaas. Binuksan ni Winston ang isang maliit na pinto at doon kami lumabas, nasa likod ng bahay na kami.
"Run babe!" si Winston. Mabilis na tumakbo ako kung saan niya pinarking ang sasakyan habang nagkubli siya sa isang puno at binabaril ang mga lalaki sa tuwing lumalabas sa pinto.
Sumakay ako sa kotse niya at pinaandar iyon, pinindot ko ang timer. "hop in!" pumasok siya sa loob habang may bumabaril parin sa amin.
"In three.. two .. one.."
Mula sa side mirror nakita ko ang malakas na pagsabog ng bahay namin, nakahinga kami ng maluwag, huminto kami saglit at nagpalitan kami ng pwesto, dumeretso kami sa office nila at ganun nalang ang panlulumo niya ng makitang marami ng ambulansiya at mga pulis na nakapaligid.
"Babe.." hinawakan ko siya sa mga kamay.
"Napakawala kong silbing leader, hindi ko sila naprotektahan!"
"Babe, hindi mo ginusto ang nangyari, look at me." hinaplos ko ang mukha niya. "you can't save thousands of man in the same time."
He exhaled. "wait babe, who are those men?" tinuro ko ang ilang grupo ng kalalakihan sa di kalayuan, parang may inaabangan ang mga ito. Nasa loob lang kami ng sasakyan dahil hindi na bumaba si Winston.
"Black Dragon!" isinuksok nito ang earpiece sa tainga. "attention all agents, black dragon and assassins are chasing us now you have to be careful, Alice and Andrew stay there. Marie sa resort tayo."
Andrew: copy.
Alice: copy.
Marie: copy.
"Babe fire them." ibinaba ko ang bintana at pagtapat namin sa isang grupo kaagad na pinaputukan ko sila, lima ang natumba at mabilis na pinaharorot ni Winston ang sasakyan. May sumusunod sa aming mga police, nagpasikot sikot kami sa mga maliliit na eskeneta hanggang ma trap kami dahil pader na ang nasa unahan namin. Mabilis na lumabas si Winston at binuksan ang unahan ng kotse at nilagyan ng gas. Tinanggal din niya ang plate number. Lumabas ako at kaagad na sinindihan niya ang kotse, nagliyab iyon.
Pumasok kami sa isang maliit na eskeneta habang naririnig namin ang mga wangwang ng mga pulis. Kumuha siya ng dalawang jacket na nakasampay at isinuot namin iyon. Lumabas kami sa eskeneta na parang walang nangyari, dumaan pa kami sa gilid mga sasakyan ng police na nagkakagulo dahil sa pagsabog at nagpara ng taxi.
=============================================================================
A/N: house of Winston blown, Office of WEDA down. Headquarter is the next?
-Team Elsa and WEDA magsasanib pwersa!
-And then they met again.
-Butterfly Mask caught
-ang bangis ni Winston matitikman na ng mga Villonco!
Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..
Luh' yah!