Chapter Twelve

2821 Words
Chapter Twelve Andrew Shit! Hindi ko na sila naabutan! Niyugyog ko si Alice, wala siyang malay pero wala naman siyang tama. May naririnig akong nag ti-ticking sa kung saan, sinundan ko ang ingay at nakita ko iyon sa bintana. It's a bomb! 40 seconds nalang! Mabilis na kinarga ko si Alice at tumalon ako sa bintana habang buhat buhat siya, gumulong si Alice. "Alice.." pinilit ko ang sariling tumayo at paika ikang nilapitan siya, hinila ko siya palayo sa bahay nanlumo ako ng makita kung paano sumabog ang bahay na pinaghirapan niyang itayo. Sumiklab ang galit sa puso ko. "Winston, I need your help." Tiningnan ko si Alice, wala parin siyang malay, niyakap ko siya at hinalikan sa buhok. "I'm sorry.." mahigpit ko siyang niyakap hanggang sa may sumundo na sa amin.. si Winston. • • • Hinaplos haplos ko ang buhok niya habang binabantayan siya, pumasok si Winston ang leader namin sa WEDA. Tiningnan niya si Alice. "she's out of danger, don't worry." Nakahinga ako ng maluwag. "what happened to her?" "She's been poisoned, kaya nawalan siya ng malay." tiningnan ako ni Winston. "Andrew, may pagkakataon kang itumba si Rick Ayala sa previous mission mo bakit hindi mo ginawa?" Napatigil ako. Tama si Winston, may pagkakataon nga ako noon.. "Pasokin niyo na!" senenyasan ko ang mga kasamahan ko para pasokin ang bodega kung saan nakakulong ang mga batang hawak ng mga sindikato. Dahan-dahan kaming pumasok, kaagad na binaril ng mga kasamahan ko ang mga bantay ng bumunot na ang mga ito ng baril. Naririnig ko ang mga iyakan sa loob ng bodega. Nanggalaiti ako sa galit dahil naalala ko si Alice. Nakapasok na ako sa loob ng bodega at nakita ko ang takot ng mga bata habang nagsisiksikan sa sulok. "huwag kayong matakot.. ililigtas namin kayo." nilingon ko ang iba. "dalhin niyo na ang mga bata sa sasakyan." "Sir! parating na ang big boss nila ngayon!" balita sa akin ng isa. Mabilis na lumabas ako sa bodega ng marinig ang pagsabog ng sasakyan namin. Mabilis na tumakbo ako at binaril ang gulong ng sasakyan ng nag hagis ng granada. Nagpagiwang giwang iyon sa kalsada at sumadsad sa gilid. "ako ng bahala, tumawag kayo ng rescue para sa mga bata!" nilapitan ko ang sasakyan sa gilid. Nakita ko ang pilit na pag abot ni Rick Ayala sa baril na tumilapon sa kabilang upuan. Binuksan ko ang pintoan ng sasakyan niya at sinuntok siya. Tinutukan ko siya ng baril. Pero naalala ko ang sinabi ni Alice sa akin.. *Andrew kaya ginusto ko ang ganitong trabaho dahil may hinahanap ako.. kaya wag mo akong masyadong mahalin.. I need to find him before I'll settle down, let's just enjoy every moment together now, hmm?* Ibinaba ko ang baril at kinuha ang posas ko, pero hindi ko namalayan ang pagdating ng ibang sasakyan, napayuko ako ng mula sa salamin nakita ko ang pagtutok ng baril sa akin. Gumanti ng baril ang ilang kasamahan ko. May pumalo sa akin ng baril kaya bumagsak ako.. I stared at Alice. " dahil gusto kong si Alice mismo ang huhuli sa kanya. My mission is to save childrens, nagkataon lang na pumunta si Rick Ayala. But it was my mistakes way back then, hindi ko naisip na kung mapapatay ko siya mababawasa na sana ng salot sa lipunan natin." "Andrew, don't put personal in your missions. I know you love Alice pero isipin mo parin ang kapakanan ng nakakarami. Hindi mo naisip na kung napatay mo siya wala ng rason si Alice na tanggihan ka? You idiot." umiling iling si Winston at tinapik ako sa likod. "get ready, darating si Marie at pagkagising ni Alice may pag uusapan tayo." "Okey." hinarap ko muli si Alice at mahigpit na hinawakan sa mga kamay. ============================================================================= Delly @ Villonco Shipping Lines Main Building Office Ngumiti ako ng mapang akit sa security guard, hinarangan kasi ang sasakyan ko sa pagpasok sa main entrace gate ng building. "Ma'am for inspection lang po. Pwede po bang makita ang I.D niyo? hindi po kasi nakaregister dito ang plate number niyo." anito pagbukas ko ng bintana at dumungaw siya. Iniangat ko ang legs ko at hinaplos iyon, nakita ko ang paglunok ng security guard. Mula sa nakaipit kong dibdib kinuha ko ang isang card. "puntahan mo ako pag may oras kana ha?" at kumindat dito. "A-Ah.. o-ok-ey." kandautal utal na sabi nito. "So pwede na ba akong pumasok? hmm?" Tumango tango ito at nakita ko ang pagtago nito ng card, napangisi ako ng buksan na nito ang gate. Mabilis na pumasok ako, tented ang sasakyan ko kaya hindi nila ako makikita sa loob at isa pa iniba ko ang plaka ng sasakyan ko. Kaagad na nagbihis ako ng pang opisina at nagsuot ng fake I.D, kinaibigan ko ang isa sa mga nagtratrabaho doon kaya nakakuha ako ng informations sa loob, hindi ko iyon pwedeng ipakita sa guard dahil malalaman nilang peke pag iniswipe na nila sa computer. "Sebastian, let's play now." lumabas na ako ng sasakyan pero napabalik ako sa loob ng makita si Daddy.. napakagat labi ako, gustong gusto ko na siyang lapitan at yakapin sabihing buhay ako pero hindi pa ang tamang panahon para gawin iyon. Pinigilan ko ang sariling hindi maiyak, kailangan kong magmatigas ngayon. Sumunod na dumating si Sebastian, gaya ng una kasama parin nito ang babaeng naka angkla dito noon sa party. Napatingin ako sa binte niya, napangiti ako ng mapansing paika ika ito. Pumasok na sila sa loob, kaagad na lumabas ako patungo sa sasakyan ni Sebastian. Mula sa bag kinuha ko ang lipstick at sinulatan ang salamin ng sasakyan nito. Hide hide hide! I'm watching you! B.M "Good morning Ma'am" bati sa akin ng makapasok na ako sa loob ng building. "Good morning." sagot ko. Kaagad na dumeretso ako sa elevator dahil nakita ko si Daddy. Pinindot ko iyon, napayuko ako ng pumasok si Daddy kasama ang fiancee ni Sebastian kapwa ng tatawanan. "Hell Samuel, muntikan na tayo doon." sabi ni Margareth. "Yeah, mabuti nalang at magaling ka. How was the trip to Isabela?" "It's fine, nabayaran na lahat ng mga tao, so it settled now." Kumabog ang dibdib ko sa narinig. "That's great, iyong ibang ibyabyahe pa okey na?" masayang sagot ni Daddy. "Of course." kumapit sa mga braso ni Daddy si Margareth, napalingon ito sa akin kaya yumuko muli ako. Sa gilid ng aking mga mata nakita ko ang paghalik nito kay Daddy. Niloloko nila si Mommy! "Kung nagsasawa kana kay Suzane, alam mo kung saan ako hahagilapin." sa mapang-akit na boses nito. "I know." si Dad at lumabas na ito pagdating sa fifth floor. Naiwan kami ng babae sa loob ng elavator. "Are you new here?" she asked. I nodded habang nakayuko parin. Naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko, napahigpit ang hawak ko sa bag na dala ko. Bumukas ang elavator. "ain't you go out? hindi na allowed ang employee sa itaas." "Excuse me." sabi ko at lumabas na sa elevator. Tinungo ko kaagad ang restroom at pumasok sa cubicle. Kay lakas ng kabog ng dibdib ko at umiyak ako ng umiyak. Niloloko ni Daddy si Mommy! at ano iyong trip to Isabela? Napatakip ako sa mukha at doon umiyak ng umiyak, awang awa ako sa Mommy ko. "Miss are you okey? umiiyak kaba diyan?" "H-hindi okey lang ako, thanks." nakita ko ang pag abot nito ng tissue sa akin, kinuha ko iyon. "salamat." Hindi na ito sumagot. Nangunot ang noo ko ng mapansing hindi lang tissue ang binigay nito sa akin! Isinara ko ang inidoro at umupo doon, binuklat ko ang tissue. Mga secret code ng building! Pero sino ang nagbigay sa akin nito at bakit niya alam na ito ang kailangan ko? Kaagad na lumabas ako sa cubicle pero wala ng tao doon. Inayos ko ang sarili ko. Kung sino man siya, alam kong pareho lang kami ng harangin. ============================================================================= Marie Nakita ko si Delly sa isang CCTV kung saan ako naghihintay kay Sebastian. Pinapapunta niya ako doon para na naman tanungin about Winston. Alam na ni Margareth ang pinapagawa sa akin ni Sebastian kaya hindi na ako masyadong pinag iinitan nito. Sinumbong pala nito kay Sebastian ang nakita ng sundan niya ako kaya napilitan si Sebastian na sabihin dito ang plano nito at ako ang ginawang spy nito. Mabilis na umalis ako sa room na iyon at isinulat lahat ng secret codes sa building kasama na sa mismong office ni Samuel na ang nakakaalam ay ang pamilya lamang ng mga Villonco even Margareth doesn't know about it. Nalaman ko iyon sa pagsunod sunod kay Sebastian. Kaagad na tinatandaan ko ang mga pinipindot niya. Pinuntahan ko siya sa restroom at narinig ko ang pag iyak niya, nalungkot ako. Mahirap kalabanin ang sariling pamilya. Napakagat labi ako ng lumakas ang ang hikbi nito. "Miss are you okey? umiiyak kaba diyan?" tanong ko kahit obvious naman para lang tumahan na siya. "H-hindi okey lang ako, thanks." iniabot ko sa kanya ang tissue pero sa ilalim nun ang papel. Sana hindi niya itapon. "Salamat." sagot niya, kaagad na lumabas ako para puntahan si Sebastian. Mag iingat ka Delly.. Pagpasok ko sa loob ng receiving room ng Villonco, nadatnan ko si Margareth na nakakandong na kay Sebastian habang naglalapaan sila ng halik. Tumigil si Sebastian sa paghalik dito ng makita ako, guilty in his face. Umismid naman si Margareth at umayos na ito ng upo. "Have a seat." si Sebastian, sinunod ko ito. "So why are you here?" si Margareth. "It's my order." Sebastian answered. Pag umpugin ko kaya ang dalawang ito? Huminga ako ng malalim at sinunod ko ang instruction ni Winston sa akin, kung ano ang dapat kong sasabihin. "nabanggit sa akin ni Winston na magkakaroon sila ng operation about sa family niyo. Someone asked for their service to investigate the case of the late Garry Villonco." Tumayo si Sebastian at kumuha ng isang basong tubig, nakita ko ang pag nginig ng mga kamay niya habang umiinom ng tubig. "who asked for their service?" Umiling ako. "I don't know, wala siyang nababanggit sa akin kung sino ang gustong magpa imbestiga sa pagkamatay ni Garry Villonco. I thought ang pamilya niyo mismo ang kumuha ng service ng WEDA." Kahit ako hindi ko alam kung sino talaga ang kumuha ng service namin. Hindi sinabi sa akin iyon ni Winston. Lumapit si Margareth kay Sebastian. "Don't worry, we can fix this together." Nilapitan ako ni Sebastian. "good job, update me more. Bumalik ka sa bahay ni Winston." he ordered, tumayo na ako at iniwan na ang dalawa pero bago pa ako makalabas.. "Margareth follow her." sabi nito kay Margareth. Pagpasok ko sa sasakyan ko na ibinigay ni Sebastian para daw magamit ko sa mga lakad ko, nag kunwari akong hindi marunong magmaneho kaya tinuruan niya ako, natuwa pa ito dahil madali lang daw akong matuto. Sheesh! Mula sa view mirror nakita ko ang pagtigil ni Margareth habang nakatingin sa sasakyan ni Sebastian, kinuha nito ang cellphone at may tinawagan. Lumampas na ako sa kanya at nakita ko ang ilang sasakyan na sumunod sa akin. Ang mga tauhan nito. Ano kaya ang nakita ni Margareth sa sasakyan ni Sebastian? may kinalaman kaya si Delly? Inilagay ko ang earpiece sa tainga ko habang patuloy sa pagmamaneho. Marie: "Winston I have company." Winston: old strategy. Marie: love it! Napangisi ako, nakita ko ang tatlong itim na van na sumusunod sa akin. Napasipol ako. "your chasing the princess now." I speed a little more. Winston: stop at gasoline station and go to comfort room. Marie: kick Alice's ass for me. I heard him chuckled. (Andrew: I'll kick yours!) Natawa ako sa pag agaw nito sa linya. Marie: shut up Andrew! Huminto ako sa isang gasoline station. Nagsuot ako ng cap para matakpan ang mukha ko, nakita ko ang paghinto ng tatlong sasakyan. Pumasok ako sa loob ng CR. Tumango ako sa isang kasamahan ko, nagbihis kami pareho at nagpalitan ng damit. "Eww your pants smell sucks!" reklamo nito. "Oh I have a period now, may tagos ba?" I grinned. "I can't believe you!" nag make a face ito. "Hahaha!" Pero sympre joke lang namin iyon. We exchanged keys bago siya lumabas sa CR. Ito ang sumakay muli sa sasakyan ko, nag drive na ito papunta sa bahay ni Winston at nakita ko ang pagsunod ng tatlong sasakyan dito. "Stupid assasins." naibulong ko at tinungo ko na ang nakaparadang sasakyan nito sa gilid papunta sa secret heardquarters ng WEDA. Pagdating ko gising na si Alice at umiinom na ito ng kape. Nilapitan ko siya at inagaw mula dito ang tasa. "what happened to you?" I asked her dahil wala sa mood ang hitsura nito. "My house.. just blown! Mapapatay ko talaga si Kendry!" nag aapoy ang mga mata nito sa galit. Pero joke wala talagang apoy haha. "Are you sure it was Kendry?" Tumango siya, kinuha nito muli ang tasa sa kamay ko. "magtimpla ka ng sayo." Ginaya ko ang ginawa niya sa pagsandal sa sofa. "Alice please look after butterfly mask." seryosong sabi ko dito. Umayos siya ng upo. "Butterfly Mask?" Tumango ako. "yes, she's against Sebastian Villonco now, her brother." "She's Villonco? I don't get it." Dumating na sina Winston at Andrew galing sa CCTV room. "hey ladies, its good to see you together now." si Winston. I smirked at him. Tumabi si Andrew kay Alice. "ano na pakiramdam mo?" "May ipapaliwanag ka pa sa akin Andrew." Tinawanan ko si Andrew. Pumalakpak si Winston. "let's start the meeting." Umayos na kami ng upo at nakinig dito. ============================================================================= Delly Hawak ang papel na binigay ng estrangherang babae ay pumunta ako sa pinaka office ni Sebastian gamit ang hagdan. Nagtago ako sandali ng makitang lumabas ito sa pintuan na may password. Kinuha ko ang butterfly mask sa bag ko at isinuot iyon. Kinuha ko ang CCTV hacker at itinapat iyon sa CCTV, sa paningin nila sa monitor ay hindi ako makikita, pumasok na ako sa loob, pinindot ang six digits na nakasulat sa papel at bumukas nga iyon. Lumikot ang mga mata ko, pinigilan ko ang sariling mapaluha ng makita ang family picture pero wala ako doon. Kinalimutan na nga siguro nila ako. Kinuha ko ang isang frame ni Sebastian. "Sebastian, pagbabayaran mo ngayon ang kayupan mo sa akin noon!" binasag ko ang frame niya at nagwala ako sa loob ng opisina niya. Sa pader nag drawing ako ng butterfly mask. Pinakialaman ko na ang computer niya at napatda ako sa nakita. Ang picture naming dalawa noon! Napaatras ako. Napatakip ako sa tainga. "Noooooo!" umiyak ako ng umiyak habang umaatras. Biglang bumalik na naman sa isip kung paano niya ako binaboy noon. Napatigil ako ng biglang tumunog ang pintuan. Kaagad na nagtago ako sa taas ng aparador na nandoroon, mabilis lang sa akin iyon dahil magaling ako sa akyatan. Kitang kita ko kung ano ang hitsura ni Sebastian pagkapasok, mabilis itong umalis sa office pagkakataon ko para lumabas, mabilis na bumaba ako at lumabas sa office niya at tinungo ang hagdan. "It's her!" narinig kong sigaw ng isang babae kaya binilisan ko ang pagbaba at pumasok sa loob ng restroom. Tinanggal ko ang maskara at nagsuot ng mahabang weg. Nilagyan ko ng maliit na pagsabog ang CR. Lumabas na ako at nakita ko ang babae na kasakayan ko sa elavator ang kasama ni Daddy. Pumasok ito sa loob ng CR, isinuot ko ang sunglass at nagtuloy tuloy na sa elavator pababa sa parking area. Pero bago paman ako makalabas may humarang na sa akin. "miss for inpeksiyon lang." itinuro nito ang bag ko. Napahigpit ang hawak ko doon. Kinuha niya na ang bag ko. Kaagad na pinindot ko ang timer sa CR, three seconds iyon at narinig ko ang pagsabog, kaagad na nagkagulo kaya kinuha ko ang bag ko dahil busy na ang security sa pagkalma ng ilang empleyado. Lakad takbo ang ginawa ko papunta sa parking area. Pumasok ako sa loob at mabilis na pinaandar ang sasakyan ko. May nakaharang sa unahan ko at nag stop sign. Pumikit ako at binangga ang nakaharang sa unahan ko malakas na nag alarm ang ang gate sa ginawa ko kaya ngayon marami ng sumusunod sa akin. "Babeeeee!" tawag ko kay Winston at mabilis na pinatakbo ang sasakyan ko. Magpapakasal pa ako kay Winston! Tumingin ako sa side mirror. Kinuha ko ang cellphone ko, maraming connections si Winston bahala na! Winston: hello? Delly: h-hi b-babe! Winston: Babe? where are you? Delly: help meeeeeee. Naapakan ko ang preno ng may bumunggo sa sasakyan ko sa likuran at may humarang naman sa harapan ko. Nag sign of the cross ako, hinalikan ko ang singsing at nagpatuloy sa pagdadrive. "Mamamatay tayong lahat kung ayaw niyong tumabi! kaya magsingtabi kayo!!!" ============================================================================= A/N: Delly is on danger! -malalaman na kaya ni Delly ang totoong pagkatao ni Winston at ni Marie? -Black Angel meets Butterfly Mask -Assasins vs. WEDA Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers.. Luh' yah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD