Chapter Thirteen

1956 Words
Chapter Thirteen Winston, White Eagle Boss "Black Angel!" inihagis ko sa kanya ang baril. "Anong gagawin ko dito?" Nilingon ko si Andrew. "ngayon mo gamitin ang angas mo sa kalsada. Save butterfly mask!" mabilis na tinungo ko ang CCTV room, doon nakikita namin lahat ng nangyayari sa kalsada dahil ni hacked namin ang system sa pangunahing CCTV ng MMDA. Napukpok ko ang mesa dahil hindi ko alam kung saan doon si Delly! Ibinigay sa akin ni Marie ang cellphone niya. "I've putted tracker in her phone." nagkibit balikat siya. "in times like this." "Your smart Marie, thank you!" mabilis na kinuha ko ang cellphone ni Marie. "I know right, mag ba-back-up na ako kina Alice at Andrew." "No you can't Marie, baka makilala ka." "But Win-" Hinarap ko siya. "may tiwala ako kina Alice at Andrew, malaki pa ang papel mo sa bahay ng mga Villonco ngayon pinaghihinalaan kana nila so so better watch your steps now." Inilagay ko ang earpiece sa tainga ko at sinabi kay Andrew kung nasaan si Delly. Nilingon ko si Marie nasa mukha nito ang labis na pag aalala. "Marie I love Delly and you know that." Napabuntong hininga siya. "yeah I know." tumabi na siya sa akin at naglagay ng earpiece sa tainga. "Alice save Butterfly Mask, trade Andrew kung kinakailangan." kausap nito. "Andrew get your ass faster!" "Ikaw kaya magmaneho dito?" ganti ni Andrew. "don't worry we're going to save her." ============================================================================= Alice "Andrew can I have your gun?" Nilingon niya ako. "tanggap ko ng ayaw mo akong pakasalan, pero papatayin mo ba ako?" I chuckled. "oo kaya ibigay mo na sa akin." Kinuha niya ang baril at ibinigay sa akin. Binuksan ko iyon at tinanggalan ng bala, ganun din ang ginawa ko sa isang baril. Pinalitan ko iyon ng empty bullets. "What do you think your doing Alice!" he shouted. "Trust me 'cuz I have a plan.. baka nakakalimutan mong ako si Black Angel?" "I deserve a kiss after." he answered at mas binilisan pa niya ang pagmamaneho. • • • Delly Napadilat ako ng hindi ko maramdaman ang pagbangga ng sasakyan ko sa kanila, nagsitabihan ang mga sasakyan sa harapan ko. Napangisi ako at isinuot ko ang butterfly mask, sinusundan parin nila ako at binabaril na ang sasakyan ko! Napapayuko ako dahil sa mga balang tumatama sa sasakyan ko. Katapusan ko na ba? Napakabig ako ng may itim na sport car na nakaharang sa harapan ko. Sumadsad ang sasakyan ko sa gilid. Nadama ko ang noo dahil tumama iyon sa manibela. Nakita ko ang paglapit ng isang babae sa akin, ang fiancee ni Sebastian! Anong gagawin ko ngayon? Pero bago pa siya tuluyang makalapit sa kinaroroonan ko ay may isang pulang sasakyan na bumunggo sa itim na sport car nito kaya napabaling ang atensiyon nito sa likuran, pinilit kong muling umandar ang sasakyan pero hindi na gumagana ang makina. "s**t!" Nakita ko ang paglabas ng lulan ng pulang sasakyan, isang babae at isang lalaki na may hawak na can ng alak. Mga lasing ang mga ito! Senenyasan ng babae ang mga kasamahan nito papunta sa akin? Akala ko safe na ako! Kunti lang alam ko sa karate basics lang na itinuro sa akin ni Winston noon! At anong laban ko sa baril? Binabasag nila ang salamin ng sasakyan ko! Kinuha ko ang bag at kinalkal ang ilang maliliit na pasabog. Binuksan ko sa kabilang pinto at lumabas doon. Yumuko ako at hinagisan sila ng pansabog. "Don't kill her." sabi ng babae ng lumingon. Ngumisi ang mga lalaki at umikot palapit sa akin, pinindot ko ang timer pero hindi gumana iyon. Malas! No choice kundi harapin ang mga lalaking ito! Hindi naman pala ako ipapatay eh pwes ako ang papatay sa kanila! ============================================================================= Andrew Kumindat ako kay Alice ng mabangga na namin ang sasakyan. Kinurot niya ako sa tagiliran. "papatayin mo ako sa nervous!" Kinuha niya sa likod ang gas at isinalin iyon sa empty can ng beer ko. Tiningnan niya ako ng masama dahil sa beers. "ikaw eh sinaktan mo ako." I told her and she rolled her eyes. Ibinigay niya sa akin ang isa. Tumango ako at mabilis na hinalikan niya ako sa labi bago bumaba. Wow. "Miss bakit kasi nakaharang ang sasakyan mo sa daan? sira ulo kaba?" asik ko sa babae. "Honey.. hekhek" pasuray suray si Alice at lumapit sa akin. "ikaw siraulo hindi siya, muntik mo na akong mapatay!" dinutdot niya ang noo ko, may pumasok sa isipan ko. I grabbed her neck and give her a kissed. Paraparaan lang! Napaigik si Alice ng may humablot sa kanya at ibinalandra siya sa gilid. Pilit siyang bumangon, at itinapon niya ang hawak na can of beer sa itim na sasakyan. Itinulak ko ang babae. "Gago ka ha!" pero mabilis siya kaya ako naman ang sinapak niya sa panga, sadsad ako sa gilid. Itinapon ko ang hawak na can of beer sa itim na sport car nito na nayupi ang gilid. Pilit akong tumayo, nilapitan ng babae si Alice at kinapa ang katawan. Kaagad na kinuha nito ang baril ni Alice at saka tinadyakan sa sikmura muling napaatras si Alice at napasandal sa sasakyan ko. Ganun din ang ginawa niya sa akin, kinuha niya ang baril sa tagiliran ko. "Sino kayo?" tanong niya sa amin. Lumingon ito ng may humatak sa buhok nito, babaeng naka butterfly mask! Akmang sasampalin na nito ang babae ng mabilis kong napigilan ang mga kamay niya. Kaagad na hinatak ni Alice ang babaeng nakamaskara bago pa man ito tamaan ng sipa ng babae. "Andrew I can handle her, ikaw na ang bahala sa iba!" si Alice sa akin. Pinasakay na nito ang nakamaskara sa loob ng sasakyan namin. Tinakbo ko ang ibang kasamahan ng babae at kaagad na kinuha ang isa sa mga baril na nakalapag habang umuungol ang mga ito dahil sa bali ng buto sa kamay at binte. Oh butterfly mask is quiet impressive! May dumating pa na isang sasakyan, at pingbabaril ako. Nakipagpalitan ako ng putok at nataman ko ang dalawa sa apat. Lumabas ang dalawa, inihagis nila ang baril at pumorma ng karate. Ibinato ko ang baril sa isa dahil wala na iyong bala pero kaagad itong nakaiwas. Napangisi ang dalawa at kaagad na sinugod ako ng sipa at kamao, todo iwas ko sa mga pag atake nila. Napasadsad ako ng tamaan ako ng isa sa tiyan. Magaling sila! Tumayo ako at ako naman ang sumugod sa kanila, atake ilag ang ginawa ko. Naramdaman ko ang pagsandal ko sa sasakyan, yumuko ako kaya ang salamin ang tinamaan nito ng suntok. Sinuntok ko ang isa sa bandang dibdib at isang malakas na upper cat! Tulog itong bumagsak, umatras konti ang isa at muling pumwesto. Naiinis na kinuha ko ang isang baril sa kamay ng kasamahan nito at binaril ito, bumulagta ito. "Magpapagod lang tayo, may madali namang paraan." tiningnan ko sina Alice na busy din sa pakikipaglalaban sa babae. • • • Alice "Yah yah!" tinamaan ko siya sa sikmura. Mabilis siyang nakabawi at ako naman ang sinugod niya. Inihagis ko pataas ang dalawang baril, isa sa dalawa ang may bala, habang umiilag ako sa mga atake nito. Itinukod ko ang mga palad sa semento at itinaas ko ang paa para sumalo sa isang baril habang ang isa naman ay mabilis niyang sinalo. Mabilis na tumayo ako at kinuha ang baril sa mga paa ko. Sabay naming tinutukan ang isa't isa. "who's your working with?" she asked. "Isa lang akong laseng na walang magawa sa buhay." Ibinato ko ang baril sa kanya pero nakailag siya at kaagad na hinawakan ko ang baril na hawak niya at inagaw iyon mula dito. At muli siyang tinutukan, ganoon din siya. Tinutukan din niya ako ng baril, ang baril na inagaw niya kay Andrew. "Honey, get inside the car now!" sabi ko kay Andrew ng maubos na niya ang kalaban niya. Unti-unti akong umatras. She tried to fire me pero walang bala iyon, napangisi ako at binaril siya. Tinamaan ko siya sa balikat. Napaluhod siya at humawak sa balikat niyang may tama. "Don't forget my name Black Angel." mabilis na sumakay ako sa kotse ni Andrew at itinapon ang may sinding sigarilyo ni Andrew sa itim na sport car, lumiyab iyon sa apoy. Narinig ko ang paghiyaw ng assasin at pinaharorot na ni Andrew ang sasakyan palayo sa lugar na iyon. Napabuntong hininga ako ng may tumutok sa leeg ko. "Butterfly Mask." I called out her name. "Sino kayo?" "Friends." sagot ko, naramdaman ko ang pag alis ng bagay sa leeg ko. Nilingon ko siya at nakita ko ang maskara niya na suot suot niya, nilingon ko si Andrew. "saan natin siya dadalhin?" "I dunno." "Just drop me somewhere, anywhere just away from here." sabad nito, aba wala man lang thank you? I shook my head and called Winston. Alice: she's with us. Winston: thanks black angel. Andrew: thanks Andrew. Winston: great job Andrew. Andrew: (laugh) always. Alice: we're our way there. Winston: No! Marie: okey. Isama niyo na siya dito. Winston: what the hell are you thinking Marie? Marie: oras na Winston sabihin mo na lahat sa kanya! Please lang.. Nagkatinginan kami ni Andrew. Anong drama ng dalawa? Winston: isama niyo na siya dito sa headquarters. Andrew: areglado. Tiningnan ko si butterfly mask sa front mirror, bakit kinakabahan ako? • • • Bumaba na ako sa sasakyan at binuksan ang pinto sa likod para kay butterfly mask, bumaba siya doon at pumasok na kami sa loob. "Marie?" gulat na sabi niya ng makita si Marie. "Delly.." si Marie at kaagad na niyakap si butterfly mask na mahigpit. Lumabas naman si Winston at nakita ko ang panginginig ng nakamaskara ng makita si Winston. "Winston.." kumalas ito ng yakap kay Marie. "Magkakilala kayo?" I asked them. Sino ba ang babaeng ito? Don't tell me siya ang sinasabing fiancee ni Sir Winston? Tinanggal nito ang maskara habang titig na titig parin kay Winston. Lumakas ang kaba ko ng makita ang buong mukha niya. Humarang ako sa pagitan nila Winston at butterfly mask. "Ikaw?" I pointed her. Tinitigan niya ako ng mabuti, bumaba ang tingin nito sa kwentas na suot ko. "Alice.." sambit niya sa pangalan ko. Napaiyak ako sa tuwa kaya naman pala ako kinakabahan kasi kilala ko siya! "Delly!" mahigpit na nagyakap kaming dalawa. Kapwa kami luhaan. "I am so happy to see you again Delly, mabuti naman at nakaligtas ka." "Ikaw din Alice!" tiningnan niya ang kaliwang braso ko at hinaplos niya iyon. "Alice I'm sorry.. nagkahiwalay hiwalay na kami pagkatapos ka naming iwan sa bus." napahagulhol ito ng iyak. Nagkatinginan sina Winston at Marie. Pumasok si Andrew. "anong mayrun?" "It's okey nararamdaman kong buhay sila Delly." muli ko siyang niyakap ng mahigpit. Kumalas sa akin si Delly at tiningnan nito sina Marie at Winston. "What are you two doing here?!" nagpalipat lipat ang tingin ni Delly sa dalawa. Siniko ni Marie si Winston. "He is our boss. Don't you know that?" si Andrew. "Oh c'mon Andrew!" reklamo ni Marie. Hinila ko na si Andrew palayo sa tatlo. "Delly let's talk later." kinaladkad ko na si Andrew sa isang silid. "Now it's your turn to explain about Rick Ayala." "One kiss equals one explain." pilyo siyang ngumiti. Itinulak ko siya sa couch at ibinuka ang mga hita niya. Mabilis na umupo ako sa katapat na couch at itinutok ko ang takong sa harapan nito. "How about this? Pag hindi ka magsasalita, I'll eat scrambled eggs for dinner." I saw Andrew sweating, tumaas ang kilay ko sa kanya. Seryoso ako! "begin." ============================================================================= A/N: Alice and Delly finally meets again. :-) Scrambled eggs for dinner? hindi na masama haha! -Winston revelation. -Delly face to face revenge Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers.. Luh' yah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD