Chapter Fourteen

2097 Words
Chapter Fourteen Celen Napapikit ako habang nakaharap sa mataas na pader. Hindi ko parin matanggap tanggap ang nalaman ko mula kay Belle. Nasaktan ako sa nalaman mula sa kanya. "Celen.." mula sa likod niyakap ako ni Belle, gaya ko umiiyak din siya. "Celen I'm sorry.." "Saan ba ako nagkulang sayo Belle? saan banda?" puno ng hinanakit na sabi ko sa kanya. "Hindi ka nagkulang sa akin Celen, hindi kahit na kailan." "Kung ganun bakit?!" Kumalas siya sa akin ng yakap at tinabihan ako sa pagtayo. Facing the wall. "it's all started when I was just ten years old. When my father left us for his mistress, I saw my Mom begged so much for him at ayaw kong mangyari sa akin ang ganoon, so umalis ako and was kidnapped right after nakalabas ako sa bahay." "Hanggang sa makilala ko na kayong apat, sa murang edad ko Celen, nakita ko ang mga lalaking walang awang pinagsasamantalahan ang mga kahinaan ng mga kababaihan! At tayo patuloy lamang sa pagtanggap ng mga pananakit nila habang sila masaya sa mga kademonyohan nila!" "Belle.." "But I tried again Celen, remember pinuntahan natin si Daddy dahil walang wala na tayo pero nakita mo kung gaano siya kasaya sa piling ng babae niya while my Mom suffered in Mental hospital. Nawala na ang natitirang pagmamahal ko sa ama ko, napalitan iyon ng pagkamuhi sa kanya. It's not true! There is no fairy tales, no price charming, no happily ever after. I grow up na ganito na ang pinaniwalaan ko Celen and without you knowing unti unti na akong nagiging ganito and I am enjoying it. You can't change me, you just can't change the way I live now that's why I am sorry.." umiyak siya. Niyakap ko si Belle. "Belle hindi mo kailangan gawin yan. Ayaw mo sa kanila but your being one of them! Don't you see it? Hindi lahat ng lalaki pare pareho, hindi lahat ng lalaki manloloko. I don't believe in fairy tales eiter, even in love. Pero naniniwala ako na may nakalaan ang diyos na tao para sa atin kaya hindi mo dapat sirain ang sarili mo dahil lang sa kanila!. Please Belle.." hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. Umiling si Belle. "all men ay manloloko Celen, okey lang sila sa umpisa. Walang lalaking nag s-stick sa isang babae lamang, maniwala ka dahil lahat ng uri ng lalaki nakilala ko na!" Umiyak ako ng umiyak sa sinabi niya. Niyakap niya ako, "tutuparin ko parin ang pinangako ko sayo, magtatapos ako ng pag aaral." pinahid niya ang luha ko. "Hindi ko na kailangan iyon, Belle bakit mo hinayaan ang sarili mong makulong sa maling paniniwala! Belle mali eh, nasira ang pamilya mo noon at alam mo kung gaano kasakit iyon, hindi mo ba iniisip ang mga batang nawalan ng magulang ng dahil sayo ha?" Natahimik si Belle, pinahid niya ang luha. "wala ng magmamahal sa akin ng totoo Celen." umalis na siya sa harapan ko. • • • Belle Umalis na ako sa harapan ni Celen, hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan ng dahil sa akin. Alam kong nabigo ko siya, pero gaya ng sinabi ko wala ng taong magmamahal sa akin ng totoo. Nakita ko si Joshua sa daanan ko nakatingin siya sa akin. Pinahid ko ang luha and ignored him. "It's not true." Napahinto ako sa sinabi niya. "It's not true na wala ng lalaking magmamahal sayo ng totoo. Pero hindi ka niya mamahalin ng totoo kung ikaw mismo hindi mahal ang sarili mo." Nilingon ko siya, hindi siya nakatingin sa akin, siya parin si Jane pero ang totoong boses niya ang nagsalita sa akin. "Diba galit ka sa akin?" "Yes." "Then bakit mo ako pinapakialaman?" "Dahil naaawa ako sa kagaya mo." Napakuyom ako sa sinabi niya, dumeretso na ako sa kusina at doon kumain ng kumain. Pumasok siya sa loob, uminom siya ng tubig habang nakatingin sa akin. "I heard your still studying?" I ignored him. I heared him sighed. "At gusto mong makapagtapos ng pag-aaral?" patuloy niya, umupo siya sa tapat ng upuan ko. "pero paano mo gagawin iyon kung may nag huhunting sayo?" "Then tell your father to stop, dahil hindi niya ako matitikman, kahit magkapira-piraso pa ang katawan ko. If I have a chance I will kill your father so don't feel pity for me dahil magiging kaaway mo ako." Tumawa siya. "as if? hindi ka nga marunong humawak ng baril o di kaya kahit self depense man lang?" tumayo siya. "I don't care if you kill my father, all I care is you for now." Napatigil ako sa pagnguya at napatitig sa kanya. "do you like me?" prangkang sabi ko sa kanya, umiling siya. "I told you galit ako sayo at never kitang magugustuhan kaya burahin mo na ako sa listahan mo." he said. "Sabi mo may magmamahal sa akin ng totoo." umismid ako sa kanya. "True, pero hindi ako ang taong iyon." Kapwa kami napalingon ng pumasok sina Elsa, taxi driver at isang lalaki, astig ito sa porma at napaka seryoso ng mukha nito. Napatigil ako sa pagsubo ng mapatingin ako sa taxi driver, biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko, nabilaukan ako at kaagad naman akong binigyan ni Joshua ng tubig. "C104." si Elsa kay Joshua, namumugto ang mga mata nito. Nilapitan nito si Joshua at kaagad na hinawakan sa damit patayo. Umiyak si Elsa. "sabihin mo sa akin na hindi Alice ang pangalan ni Black Angel!" sigaw ni Elsa na ikinayanig ng buong bahay. Napasugod din si Celen sa loob. "W-wait.." itinaas ni Joshua ang mga kamay, binitawan siya ni Elsa. "my mission was to find black angel right? I dunno what's her real name." hinawakan nito ang leeg, galing talaga nitong mag boses babae! "Alice?" sabad ng isang lalaki, napalingon dito si Elsa. "You know her?" "Yes, nakasama ko siya sa WEDA at tama ka siya nga si Black Angel, but what's the big deal?" sagot nito. Nanghihinang napaupo si Elsa, kaagad na nilapitan ko siya at niyakap, lumapit din si Celen sa amin at kumuha ng tubig at pinainom iyon kay Elsa. "Elsa.. si Alice ba.." si Celen napakagat labi ito. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari! "ay ang Alice natin?" Marahan tumango si Elsa. "siya nga Celen." "Pero siya ng target niyo ni Enrique.." napaluha si Celen. Parang may kumirot sa puso ko. Tumayo ako. "I am useless here! lagi nalang ako ang inililigtas niyo! wala na akong maintindihan sa mga nangyayari, now I heard Alice name tapos sinasabi niyong target niyo siya? ano ba talaga!" "Your just stupid." taxi driver murmured. Inis na tiningnan ko ito. "Elsa! Elsa!" niyugyog ito ni Celen. She passed out! Mabilis na dinaluhan ito ng lalaki at binuhat sa sofa. "Elsa wake up!" nasa mukha nito ang labis na pag-aalala.. ============================================================================= Delly Nagpalipat-lipat ang tingin ko kina Marie at Winston magkatabi ang dalawa sa pag-upo habang kaharap ko sila. Nalaman ko na nasa isang headquaters ako at si Winston ang bossing nila? Hindi lang pala basta bastang businessman ito pero bakit inilihim niya sa akin ang totoo? at si Marie na pinagkatiwalaan ko ay hindi lang pala isang ordinaryong katiwala lamang? "Babe lahat ng sinabi ko sayo totoo, pero hindi ko sinabi sayo na isa akong detective dahil natatakot akong matakot kang magtiwala sa akin, nakilala kita.. binigyan mo muli ako ng rason para magpatuloy sa buhay.. sorry kung may bahagi man ako sa buhay ko na hindi ko nasabi sayo." "Pero bakit? matagal na panahon ang lumipas, wala ka paring tiwala sa akin hanggang ngayon?" "Dahil.. I am against your family." "What do you mean?" naguguluhan sabi ko kay Winston. "Your family is under our surviellance, naniniwala ako na may kinalaman ang family mo sa pagkamatay ng lolo Garry mo at sa Auntie at uncle mo, at isa pa sinabi mo sa akin ang tungkol sa kuya mo. Nagkaroon ako noon ng lakas ng loob na sabihin sayo ang totoo pero nakita ko ang takot sa mukha mo, kaya pinangako kong makukulong si Sebastian in my own way. I will find justice for you." "Hindi magagawa nila Mommy at Daddy ang mga iniisip niyo sa kanila. Mahal na mahal nila si Lolo.." "Anong ikinamatay ng lolo mo?" si Marie. "Accident.." I answered dahil iyon ang alam ko. "They lied. Inambushed ang sinasakyan ng lolo mo kaya siya namatay ganun din ang nangyari sa Uncle Darryl at Auntie Nadine mo pagkalabas nila sa hospital." "Hindi totoo yan!" napatayo ako. "hindi magagawa ng magulang ko iyon! Oo demonyo si Sebastian pero sina Daddy at Mommy.. hindi nila kayang pumatay ng tao!" Tumayo si Winston. "kaya ayaw kong sabihin sayo ang totoo dahil alam kong masasaktan ka lang babe.. mahirap para sa akin ang hayaan kang lumayo sa akin at harapin mo ang pamilya mo lalo na kay Sebastian pero iyon lang ang paraan para ikaw mismo ang makatuklas sa buong katotohanan." Tinititigan ko si Winston. "sino ang nagpa imbestiga sa family namin?" He stared at me. "Ako mismo." "Winston.." napatayo si Marie gulat ang hitsura nito. Umalis si Winston at may kinuha sa drawer. Isa iyong folder. "nandito ang lahat ng original na kopya ng mga ari arian ng pamilya mo Delly, the real will of testament ng Lolo Garry mo." "Bakit nasa sa'yo ang mga papeles na ito?" binuklat buklat ko ang folder at nanlaki ang mga mata ko sa nabasa, ako ang tagapagmana ng VSL at iba pang companies ng pamilya at hindi si Sebastian! "Dahil ama ko ang private attorney ng Lolo mo Delly. Sa akin niya lahat inahabilin ito bago siya pinatay pagkatapos niyang basahin ang will testament na iniwan ng lolo mo, sigurado akong may kinalaman ang pamilya mo sa pagkamatay ng ama ko." napakuyom si Winston. Napaiyak ako. "kung ganun bakit kinupkop mo parin ako? bakit minahal mo parin ako? bakit pinoprotektahan mo parin ako kung ang pamilya ko ang pumatay sa ama mo?" naiyak ako. "Dahil iba ka sa kanila Delly, oo noon ginusto kong maghiganti sayo pero nakuha mo na ng puso ko Delly, minahal na kita at hindi iyon nagbago kahit nalaman ko na isa kang Villonco kaya minabuti kong ilayo ka sa kanila pero hindi ka pinapatahimik ng nakaraan mo, patuloy ka parin binabalikan ng bangungot mo so I decided to let you go and find the justice on your own way." Umiiyak si Marie ng tingnan ko siya. "hindi ko to matatanggap Winston." Pinahid ni Winston ang mga luha ko. "hindi kita pinipilit na paniwalaan ako at hindi rin kita pipigilan sa gusto mo pero maniwala ka sanang ikaw parin ang gusto kong pakasalan at magiging ina ng mga anak ko." Mahigpit na niyakap ko si Winston. "bakit sa dinami dami ng tao sa mundo ikaw pa ang nakilala at minahal ko Winston, hindi ko kayang makisama sayo kung alam ko na ang pamilya ko ang pumatay sa ama mo. I came from the monster family hayuk sa kapangyarihan at gamahan sa pera. Hindi ko kaya.." hinubad ko ang singsing sa mga daliri ko. "Aalamin ko ang totoo, at pag napatunayan ko na totoo lahat ng sinasabi mo ako mismo ang magpapakulong sa pamilya ko, pero hangga't hindi pa iyon nangyayari ituring mo akong isa sa kaaway mo." "Delly!" si Marie. "Simula ngayon wala na akong kilalang Marie at Winston." pinahid ko ang luha at tinalikuran sila. "Hayaan mo akong tulungan ka babe.." niyakap ako ni Winston mula sa likod. "hindi ko kayang I let go ka sa pagkakataong ito." Napapikit ako sa sinabi niya. "please let me help you, sabay natin aalamin ang totoo sa pamilya mo para pareho tayong makalaya sa nakaraan natin. Pwede ba yun?" "Hahayaan mo ba akong maging si butterfly mask parin?" "I'll think about it." I smiled at humarap ako sa kanya. "your a sweet liar." at tinawid ko ang distansiya sa pagitan namin, kumapit ako sa mga batok niya at mariin siyang hinalikan sa mga labi. "Oh c'mon!" si Marie. Doon lumabas sina Alice at Andrew sa isang silid, sabog sabog ang buhok ni Andrew at nagkapunit punit ang mga damit nito. "Anong nangyari sa inyo?" si Marie. Nagkibit balikat si Alice at nilapitan ako. "I'll help you Delly." at niyakap ako ng mahigpit. "Siya nga si Black Angel.. wild!." si Andrew kay Marie, nanghihinang napaupo ito sa sofa. ============================================================================= A/N: Alice and Delly. Elsa, Celen and Belle. Magkikita kita na kaya ang ating limang Wild Angels? -Oh no Belle likes Enrique? -the real fight is near -ang paniningil ni Butterfly Mask Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers.. Luh' yah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD