Chapter 15

2536 Words

PILIT na inilalayo ni Breonna ang mga mata. Ramdam niya ang maya’t-mayang pagsilip ni Axyl sa kanya. Sinabi na niyang hindi niya kilala ang mga lalaking iyon. Siguro ay stalker. Siyempre ay palusot lang niya iyon. May ideya na siya kung sino-sino ang mga lalaking nagtangka sa kanya. Posibleng galamay ng sindikato. Nalaman na ba ng mga ito na siya ang kapatid ni Tyrelle? Kung ganoon, hindi siya pwedeng umuwi sa kanyang anak at kapatid. Baka mas ma-trace ang mga ito. Pero miss na miss na niya ang anak. Gustong-gusto na niya iyong makita at makasama. Tahimik na napahikbi si Breonna. Mas magiging mahirap ngayon na makasama niya ang mga ito. Mas mapanganib. “Tell me the truth, Breonna. Alam kong alam mo kung ano ang kailangan ng mga iyon sa kanila.” Narinig na naman niyang nangungulit si Axyl

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD