Prologue

1188 Words
WALANG emosyong nakatitig si Breonna sa nagwawalang ina habang kinakaladkad ng mga pulis sa police patrol. Kasunod ang kinakasama nito na nakaposas ang mga kamay patalikod. Kalmado lang. Mukhang sanay na sa ganoong eksena. Bakit hindi? Ilang beses na din itong naglabas-masok sa kulungan sa dami ng naging kaso. At ngayon, droga naman. Her mother was a drug infused too. Kaya siguro nagkasundo ang mga ito. At kinasusuklaman niya ang dalawa. Lalo na ang kinakasama nitong napakaabusado. Na wala nang ibang ginawa kundi saktan silang apat na magkakapatid. Kung nabubuhay siguro ang kanilang ama, hindi nila mararanasan ang ganito. Nasisigurado niya, sa pagkakahuli sa kanyang ina at sa amain, sa isa sa mga ampunan roon sa Houston sila pupulutin na magkakapatid. Ang Kuya Tyrelle niya ay nasa edad na para mag-independent living, samantalang sila nina Bea at Briella ay siguradong pare-parehong matatapon sa orphanage. She was just eight, Briella was ten and Bea was just twelve. “Let’s go?” Untag kay Breonna ng matandang madre at iginiya siya sa service ban. Nandoon na din ang mga kapatid niya na para bang tuwang-tuwa na nakatakas na sa mala-impyernong buhay nila. Pagkarating sa orphanage ay wala pa ding pakialam si Breonna sa paligid. Maski tinatanong siya at naririnig niya ang mga tanong ay hindi siya sumasagot. Nakatingin lang siya sa malayo habang iniisip kung ano na ang mangyayari sa kanilang magkakapatid pagkatapos ng lahat ng ito. “Breonna, sweety…” Napapitlig si Breonna nang marinig ang malambing na boses ng kanyang kuya. Bumaling siya rito. “I have to go.” Malungkot na sambit nito. Awtomatikong tumayo siya at kumapit ng mahigpit sa kamay ng kapatid. “No.” Mariing pigil niya sa kapatid. Lumuhod si Tyrelle sa harapan niya at nagpapaunawang tinitigan siya. “I’m not allowed to stay here. I need to find a job. Find lots of money so I can get you all out of here.” “No!” Namamasa na sa luha ang mga mata niya. Naroroon ang takot niya na maiwan mag-isa. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang ginagawa ng amain sa tuwing wala ang mga kapatid. At hindi niya magawang magsumbong sa kapatid sa takot na gawin ng amain ang banta nitong papatayin ang mga iyon. “Sssshhh…” Pang-aamo nito sa kanya. Saka masuyong hinaplos ang mahaba at alon-alon na blonde niyang buhok. “I’ll come back and I’ll get you here. The three of you…” “No… Tyrelle. Please don’t leave us here. Don’t leave me here.” “Ssssh…”Nasa pagitan ng pagpapaunawa at awa ang kapatid. Mahigpit na kumapit siya sa braso nito. Inabot naman siya ng madre para ilayo kay Tyrelle. “Please, take good care of them. I’ll visit them more often.” “Tyrelle!!! Don’t do this! Don’t leave us!” Nagwawala na si Breonna. Ginamit niya ang lahat ng lakas lalo na nang tuluyang tumalikod ang Kuya niya at humakbang palabas ng orphanage. “Tyrelle!!!” Humahagulhol si Breonna habang nagwawala at nakikita ang papalayong bulto ng kapatid na ni hindi lumilingon. Eksaktong nakalabas ito ng gate nang makawala siya sa mga madreng pumipigil sa kanya. Pero pagdating niya sa gate ay humarang naman sa kanya ang security guard. Walang nagawa ang pagsigaw at pag-iyak niya.Tuluyang nakaalis ang kapatid niya. Ilang linggo at buwan ang dumaan. Hanggang sa naging taon ang lumipas at hindi man lang sumilip roon si Tyrelle. Ang dalawa niyang kapatid ay parehong may nag-ampon na at siya nalang ang natira. “We need a family to take care of us, Breonna. We can’t just stay here forever and wait for Tyrelle to come back. He is not coming back anymore.” Sabi ni Bea nang araw na nag-eempake na ito para sumama sa mga aampon rito. “Yeah, right. He totally had forgotten about us, Breonna. We should move on and find new family who will take care of us.” Si Briella. Hindi niya matanggap na dadating sila sa punto na kakailanganin nilang maghiwa-hiwalay. She still waits for Tyrelle to come back. Umaasa siyang tutuparin nito ang pangako. But he never came back…. “EASY, little missy…” Came a soothing voice. Nagmamadaling tumakbo si Breonna dahil narinig niyang may dumating na couple para pumili ng aampunin. Ayaw niyang magpaampon dahil babalikan pa siya ng nakakatandang kapatid. Magtatago siya para hindi siya mapili. Pero sa kakatakbo naman niya ay nabunggo siya sa matigas na bagay---matigas na tao, actually. Tiningala niya ang lalaki. Napakatangkad nito. Mala-dambuhala sa kanyang mga paningin. He looks like his brother’s age. At nang ngumiti ito ay hindi niya alam kung paano mag-re-react. The guy was undoubtedly handsome. Mas gwapo pa sa kapatid niya. Yes, ngayon lang niya tinanggap na may mas gwapo pa sa panganay na kapatid. She idolized and patronized her big brother that she thought no one can ever beat him in so many aspects. But this guy… “Hey… take this.” Napatingin si Breonna sa iniaabot ng lalaki na stufftoy mula sa kahon na bitbit nito. “Come on. Don’t look at me like that. I don’t really eat pretty little girls.” “I’m a big girl, already!” Matigas na sabi naman niya. Dati, parati niyang sinasabi sa kapatid na malaki na siya at ‘di na siya dapat nitong alalahanin sa lahat ng oras. Sinasabi niya iyon dahil ayaw niyang nag-aalala ang kapatid kapag nakikita na balisa siya sa maraming pagkakataon. But now, what is her purpose in telling him that? Siguro dahil naiinis siya na itinuturing ng lalaki na munting paslit na aabutan lang nito ng stufftoy ay magtatatalon na sa tuwa. Ngumiti ang lalaki sa pagtataka niya. “Such a fierce little girl.” Inabot nito ang kamay niya at pilit pinahahawakan ang iniaabot na stufftoy. “You’re a big girl, you say?” Parang kuminang ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. “Be careful… I’m a beast, I eat beautiful big girls.” Inirapan nga niya ito. Obvious naman na pinagti-trip-an siya ng lalaki. Nang biglang magkatunog ang tawa nito. Napatanga nalang siya sa lalaki. Indeed, he’s really handsome. “Smile now, and take it.” Wala sana siyang balak tanggapin ang stufftoy pero may nagsalita sa likuran nito. “Mr. Bachelor?” At nag-alala si Breonna na baka isa sa mga volunteer workers iyon at dalhin siya sa porch. Para lang bitiwan na ng lalaki ang kamay niya ay inabot niya ang stufftoy at mabilis na tumalilis ng takbo. Narinig niyang nakipag-usap ang lalaki sa volunteer pero hindi na niya na inintindi pa iyon. “He got something from his grayish brown eyes… Something… dark?” Kibit-balikat niya mula sa pinagtataguang comfort room. Pagkuway tinignan ang Panda stuff toy na may kalakihan rin. Wala sa loob na niyakap niya iyon. Somehow, she appreciated it that someone tried to make her smile.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD