Chapter 1

3378 Words
Fifteen years later…. NAMIMILOG ang mga mata ni Breonna habang hinahalikan ni Xavier ang puno ng kanyang dibdib. Kinakabahan na natetensyon siya. Hindi dahil baka may makakita sa kanila sa loob ng sasakyan na nagne-necking… and more. It’s a liberated country after all. Pero sumasalit sa isip niya ang anyo ng amain noong walang taon palang siya. Sa utak niya, kamay ng stepfather niya ang humahawak ng mariin sa isang dibdib niya at pigil niya ang sarili na mapahikbi. Mabilis na nanulak si Breonna na ikinagulat ni Xavier. “What!?” Asar na singhal nito sa kanya. “I-I… want to ask, something…” Mabilis na pagdadahilan ni Breonna. Nangunot ang noo ni Xavier nang makitang inaayos na niya ang sarili. “What is it? And please, Breonna… huwag mo munang ayusin iyan.” Hinablot ni Xavier ang kamay niyang nagbubutones sa tapat ng dibdib. Xavier is her co-model. Crossbreed, Filipino-Italian-American. Nasa Pilipinas ang mga kapatid nito at ina. Habang ito at ang Ama ay naroroon sa New York. In short, separated na ang mga magulang nito. He managed his father’s bistro bar. Ang Dark Lounge. At part-time lang ang mag-model. Madalas na din siyang tumambay sa Dark Lounge magmula nang makilala niya si Xavier. They were exclusively dating for almost three months. Yes, for so many years and for so many man who had been trying to pick with her, si Xavier lang ang hinayaan niyang makalapit sa kanya ng ganoon. Ito rin lang ang hinayaan niyang makahawak at makahalik sa kanya. But all the time at kahit anong pigil niya sa sarili, hindi mawala ang pakiramdam na ‘disgust’. Ang consistent na pakiramdam niya sa tuwing may lalaking nag-aattempt maging intimate sa kanya. Kaya nga kahit pa masasabi niyang mabait at caring ang lalaki, palagi pa din siyang may reserbasyon sa sarili sa bawat paglabas nila. Katulad ngayon. Hindi niya pa kaya. Unang-una niyang dahilan na baka masira ang katawan niya. She had the perfect curves and a beautiful face. Nang mag-disi-otso ay kinailangan na niyang lumabas ng orphanage at mag-independent living. Sampong taon! Sampong taon siyang parating nagtatago sa mga gustong mag-ampon. Ayaw niyang magpaampon kahit kanino dahil umaasa siyang babalikan pa siya ni Tyrelle. Pagkatapos ay hahanapin nila ang mga kapatid. Pero lumipas at lumipas ang sampong taon, hindi siya binalikan ng kapatid. At ganoon nalang ang sama ng loob niya. Sampong taon siyang naghintay at umasa para sa wala. Maski paano ay nakapag-aral naman siya habang nasa bahay-ampunan. Pero hindi ganoon kayaman ang nag-ma-manage noon para patuluyin pa siya sa kolehiyo. Kaya nang makalabas na ng orphanage ay nag-part-time siya bilang crew sa mga food chains. Isang araw ay may naging costumer siya na talent manager at nagustuhan siyang kuning modelo ng facial cream. Doon na nagsimula ang lahat. Nagawa niyang makapag-aral at tustusan ang sarili hanggang sa makatapos ng Marketing Management. Na hindi na rin naman niya nagamit dahil mas malaki ang kita sa pagmo-modelo kaysa pamamasukan sa mga kompanya. Hindi kasi siya nawawalan ng offer. For five years, iyon ang ikinabubuhay niya. Nakabili na rin siya ng sariling condo. Minsan ay pumapasok sa isip niya na hanapin ang mga kapatid. Pero nabuo at lumaki na sa puso niya ang hinampo at sama ng loob sa mga ito. Pinabayaan na siya ng mga ito kaya bakit pa niya hahanapin ang mga iyon? Baka nga hindi na rin siya kilalanin ng mga ito. Besides, lumalabas siya sa telebisyon, internet, news paper at mga magazines dahil sa mga endorsement. Imposibleng hindi siya nakikita ng kahit isa sa mga iyon. Isa lang ang ibigsabihin ng lahat ng iyon, kinalimutan na siya ng tatlo. Dapat na rin niyang kalimutan ang mga ito. “Xav…” Marahang inagaw ni Breonna ang kamay mula sa lalaki. Ayaw niyang ma-offend ito. Sa mahabang panahon, kay Xavier lang ulit naramdaman ni Breonna na meron siyang pamilya. Merong nagmamalasakit sa kanya. At meron pang may pakialam sa kanya. Ang manager naman niya, alam niyang purely business ang tingin sa kanya. Hindi niya gustong pati si Xavier ay mawala sa kanya.Wala siyang pamilya. Well, aside from that silly Panda stufftoy, she had nothing. Matagal na ang stuff toy na iyon pero nananatiling iniingatan ng dalaga. It was something that keeps her moving. Kapag nakikita niya ang stuff toy, naaalala niya that somewhen from the past, ay may nag-abalang magtangka na pangitiin siya. “I’m taking the offer…” “What offer?” Nagtatakang tanong ni Xavier. Lumapit ang mukha nito sa leeg niya at naramdaman ang mainit nitong hininga na tumatama sa kanyang leeg. Gusto niyang manginig. “The movie.” May nag-offer sa kanya na maging isa sa mga cast ng isang romantic-drama-comedy movie. At maraming eksena na sa Pilipinas gaganapin. Tumigil sa ginagawa si Xavier at tinitigan siya. “Are you sure? Aayusin ko na ang passport at Visa ko. So, I can go with you.” “You’re coming?” Nasa pagitan ng tuwa at pagtataka si Breonna. Hindi kasama si Xavier sa mga cast. Pero nagbabalak itong pumunta rin ng Pilipinas? Bakit?Para samahan siya? “Of course. Moral support.” And gave her a handsome smile. “Besides, it’s been years since I last saw my sister and my Mom. Time to visit them.” “Gusto ko din mamasyal sa Pilipinas.” Aniya sa deep American accent. She had learned Filipino language because of Xavier. Bonding time nila ang magturuan ng iba-ibang lenggwahe. “We will…” Bulong nitong muling ibinaba ang mukha sa kanyang leeg. He sipped and licked that she tensed. Something was frightening her nerves. Nanulak na naman siya at napamura ng mahina si Xavier. “What is wrong with you, Breonna? We’ve been together for a month. What’s holding you back?” “It’s just that… that I’m not yet ready…” “Not ready? You mean…” Kumislap ang mga mata ni Xavier sa magkahalong pananabik, pagkatakam at pagnanasa. Halos hindi ito makapaniwalang sinuyod ng tingin ang kabuuan niya. “Oh, please… Xav. Don’t look at me like that.” Naiiritang naiilang na sumimangot si Breonna. “I can’t help it, baby. You are so alluring and seductive. I can’t believe that those men in your life have held their grips just not to touch you.” Gusto niya sanang itama ang maling iniisip ni Xavier. Madalas siyang laman ng mga bar and bistro at madalas mapa-link sa mga nagiging partners niya sa mga endorsements and commercials. Paano nga namang hindi siya nito pag-iisipan na marami nang lalaki ang nagdaan sa buhay niya? But she prefer to zipped her mouth at nagyayang magpahatid na sa kanyang condo. “THIS place is nice. And the name is something. Black and Blue.” Nakangiting komento ni Breonna habang sumisimsim sa goblet ng kanyang inumin. Nasa isang bistro bar na naman sina Breonna at Xavier. But this time ay sa Pilipinas. Halos dalawang linggo na sila roon at sa wakas ay natapos na rin niya ang mga eksena. Kaunti lang naman ang eksena niya at namatay din ang character niya sa movie kaya matapos ang matagal-tagal na stand by, nagpaalam siya na magto-tour kasama ni Xavier. Hanggang nakaalis na ang iba pang cast pero nagpaiwan siya kasama ng binata. Nangako si Xavier na ililibot siya nito sa Pilipinas. He was planning to set a date with his mother and sister, too. At gusto niyang ma-excite na makakaharap na niya ang mga iyon. This means something to her. “Yeah right. Demi manages this.” Tugon ni Xavier na humingi ulit ng maiinom sa bar tender. “Demi? The cousin, I presume.” He gave her a lopsided grin. “Let’s dance?” Maharot ang music na pumapailanlang at mahilig din naman siyang magsayaw. Sa tagal niya sa social industry, marami na siyang natutunan. Sumayaw, uminom, manigarilyo at mag-party all night kasama ng mga socialite at iba pang celebrity na nakakasama sa industriya. Ang hindi niya lang sinubukan ay ang gumamit ng drugs. Minsan ay may nag-alok sa kanya ng ecstacy. At maski alam niyang ang mga kasirkulo ay gumagamit noon, hindi niya sinubukan maski minsan. Pampa-cool image niya lang din ang sigarilyo at hindi niya rin naman nagagawang matagal na gumamit. Madalas nga na hindi niya maubos ang isang stick. Gusto niya lang maging-in at hindi masabihan na killjoy. Pero nang dumating sa punto na drugs at ecstacy na, lumayo na siya sa mga iyon. Alam niya at nakita niya sa mismong tahanan nila kung ano ang napakasamang epekto ng drugs. She wouldn’t want to be like her mother. Sandali pa at pareho na silang lunod sa pagsasayaw ni Xavier sa dance floor. Ilang beses nagpalit ng music at hindi sila basta umalis roon. Napapansin ni Breonna ang mga pasimpleng paghaplos ni Xavier sa katawan niya habang nagsasayaw sila at naaalarma ang dalaga. Pero pinilit niyang patayin ang pagkailang. It will ruin the light mood. He just let him. She swayed her hips in a seductive way. Ang pang-upo niya ay lumalapat sa mga hita ni Xavier at nang mahuli nito ang baywang niya ay idinidiin ng lalaki ang sarili sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Breonna nang maramdaman ang matigas na bagay mula sa pagitan nila ni Xavier at bigla siyang dumistansya mula rito. Nag-aya na siyang bumalik sa bar counter kung saan sila nakapwesto kanina. Si Xavier naman ay dumeretso sa comfort room. Hindi niya alam kung matatawa o maiinis kay Xavier. He was aroused back there, for heaven’s sake! Isa bang magandang bagay na mabilis niyang naa-arouse ang lalaki sa tuwing mapapalapat ang katawan sa kanya? Pero bakit parang mas ikinatatakot niya iyon? Sa bansang kinalakihan niya, at dahil laman siya ng mga pub house, hindi na bago sa kanya ang mga ganoon. May mga nakikita pa nga siyang nagse-s*x on public. Pero hindi niya makita sa magandang out view ang arousal ni Xavier. And the thought that it was because of her why he was aroused. Sadya bang ganoon ang mga lalaki? Katulad ng kanyang amain na akapg nasa paligid siya, parang gasolinang nalapatan ng apoy at agad na nag-aalab? Napabuga ng hininga si Breonna. Right. Ang reservations niya, dahil pa rin iyon sa karanasan niya noong kabataan. Ang mapangmolestiya niyang amain at ang kanyang ina na nawalan na ng pakialam kung namomolestiya na silang magkakapatid ng demonyong kinakasama nito. Nawala na iyon sa tamang huwisyo dahil sa pagkalulong sa droga. Her Mom was even happy seeing her being molested by her stepfather. Mabuti nalang at dumating si Tyrelle, right just in time before she’d been rape. Nasampal nito ang kanilang ina na wala na nga sa katinuan para panoorin lang siya habang sinisimulang babuyin ng kinakasama nito. That nasty plan didn’t happened, yet she couldn’t forget it. Paulit-ulit sa isip niya ang eksenang ng pambababoy sa kanya. Hindi siya makatakas sa mga eksenang iyon. At hindi niya alam kung matatakasan pa ba niya? Kung makakalimot pa ba siya… “MA’AM, someone wants to give you this.” Naputol ang pag-iisip ni Breonna at lumipad ang tingin sa bar tender na nag-aabot ng baso ng inumin. “Who?” Dumeretso ang mga mata nito sa kaliwang bahagi ng bar counter. At gustong bumagsak ng mga panga ni Breonna. Kulang ang salitang gwapo habang tinitingnan niya ang lalaking ngumiti sa kanya at iniangat ang hawak na baso sabay ikiniling ang ulo. The man was outrageously handsome. Napakalakas ng dating nito lalo na kapag ganitong nakangiti sa kanya. He had that prominent aristocratic nose. Square-masculine jaw and a pair of red sensual lips that promised an insanely delicious kiss. Wala sa loob na naabot niya ang inumin at nilagok iyon ng dere-deretso, not leaving her eyes from him. Parang bigla siyang nauhaw. The man was a mixture of manliness, magnificence and compelling s*x appeal. Gustong mataranta ng mga senses niya habang sinasalubong rin ng kumikislap sa kung ano ang mga mata nito. Nang tumayo ang lalaki ay parang gustong mapatid ng kanyang hininga. The man was so tall and big… so awesome to look at. Ang malapad na dibdib nito ay nahahapit sa white polo na nakalilis ang mga manggas hanggang siko. Kapansin-pansin din ang hubog ng matatatag nitong mga balikat. Ang mga bisig nito na para bang kay titigas at tila masarap magpayakap. Marahang naipilig ni Breonna ang sariling ulo. Ano ang naiisip niya at gusto niyang magpayakap sa gwapong estranghero? Toni-tonilada man ang ka-sexy-han nito at nakakabaliw ang s*x appeal, pero hindi tamang pagpantasyahan na itapon ang sarili palapit rito. At hindi nga ba, mula pagkabata hanggang sa kanina lang ay hindi niya gusto ang idea na mapadikit ng husto sa katawan ng isang lalaki? She felt disgusted whenever a man tried to cross the line. Not even Xavier. Pagkatapos ngayon ay naiisip niya na gustong yakapin ang estrangherong sobrang gwapo? What the heck?! “I just thought you might get thirsty while dancing. You’re partner didn’t even mind giving you a drink.” Sabi ng lalaki in a deep, masculine and handsome tone. Grabe! Hindi niya akalain na maide-describe niya ng ganoon pati ang boses nito. But, he really has a handsome voice. “Thank you, handsome.”Nasabi nalang niya.Hindi napigilan ang compliment. “You’re welcome, gorgeous.” At ibinalik nito ang mga paningin sa dance floor. “Are you new here?” “My first time, actually.” “Oh…” He said. Pero kulang sa conviction ang pagkabigla. “I bet you’ll like it here. I’m a regular costumer.” Bumaling sa kanya ang lalaki. Napakasarap sa pandinig ang baritonong tinig nito. At ang halimuyak ng pinaghalong manly perfume, alcohol drinks at masculine scent ay halo-halong umiikot sa kanyang sistema at nakakabaliw ang epekto noon. But she could smell him for a life time. Napakabango nito. “I’m Axyl, anyway.” Inilahad nito ang kamay na may mahahaba at malalaking mga daliri sa kanya at tinanggap naman niya iyon. The hand seems so strong, big and warm. He can crushed her and make her whole again by the warmth. What the heck! Ano ba itong naiisip niya? Sa dami ng mga lalaking nakilala niya, nakamayan at higit pa, wala siyang naramdaman at inipictures ng ganoon ka-poetic. Not even Xavier. “Alexander Axyl Bachelor.” The name rings a bell. Pero hindi na niya pinagtuunan ng pansin ang bagay na iyon. Mas natuon ang pansin niya sa kumikislap sa tama ng LED light na grayish brown eyes nito. It seems familiar to her. Hindi niya lang maalala kung kaninong mga mata ang nakita niya na ganoon din makatingin. At ganoon din ang kulay. But the gaze he was giving her makes her hot and stirs something from her belly. Pinilit niyang patayin ang kakaibang damdamin. “I’m Breonna Firestone.” Nasabi niya ang totoong pangalan na hindi namamalayan. “ I mean, I’m Bunny Yascha.” Biglang bawi niya at ang screen name ang ipinalit, katulad ng mga ibinibigay niya sa mga nakakakilala sa kanya. Walang basta nakakaalam ng tunay na pangalan niya. Maliban sa orphanage na kinalakihan at sa tanging manager na hinayaan niyang humawak ng career niya. Even her closest friends didn’t know her real name. Closest friends who’s very few. May pagka-private siya pagdating sa personal informations. Mabuti nalang at hindi pa siya tina-target ng mga paparazzi na halukayin ang buhay. Busy ang mga iyon sa mas malalaking stars ng modeling industry. At hindi na din naman niya pinangarap na sumikat ng sobra. Ang mahalaga sa kanya ay kumikita. Dahil hindi naman kasi showbiz ang pinangarap niyang buhay at career, kaya lang ay doon nga madaling kumita. “Oh, that! You are Bunny Yascha, the American model. That’s why your face seems familiar. And Breonna was your real name?” Hindi niya malaman kung paanong tatanggi. Bakit ba naman kasi bigla niyang naibulalas ang tunay na pangalan? Ganoon pala ‘yon? Totoo pala ‘yong sinasabi nilang may mga kagwapuhan na nakakapagpalimot ng pangalan. In her case, nakalimutan niya ang usual na pangalang ipinakikilala. And became very honest to him. Heck, this man have such compelling appeal! “Ang ganda…” Malapad ang ngiting dagdag nito. Hindi inaalis ang intense gaze sa kanya at gusto nalang niyang manlambot. Kung wala ang bar counter na kinasasandalan niya, baka kanina pa siyang nilamon ng sahig. “You are the lead endorsement model of Lucho Industries. Sa facial cream and cleanser, and other cosmetics for females, right?” Ngumiti rin siya ng malapad. “How did you know?” That’s a silly question. Pwedeng nakita nito ang mga endorsement clips sa internet. O sa TV. Pero nationwide lang naman sa New York ang mga tv commercials niya. At sa dami ng endorsement sa internet, posible bang madalas nitong makita ang mga endorsement niya para matandaan nito ang mukha niya? Ganoon ba ito ka-babad sa internet? “Business, darling…” He said huskily… the endearment seems so sweet, and real in her ears. Real… with an erotic sense. Oh, darn! Get a grip! “I’m in a business world.” “Oh!” She exclaimed. Kung sa pagkagulat ay hindi niya sigurado. Fantasies swirling her mind. Fantasies like, how his wide chest would feel in her warm palms. At may matinding pagnanais sa kanyang loob na malaman. Teka… ano bang nangyayari sa kanya? Hindi naman siya ganito sa ibang lalaki. Ang totoo ay takot pa nga siya sa intimacy. But this man... he was arousing something inside her.. “Hey, baby!” Napabaling bigla si Breonna sa bagong dating na agad pumulupot ang mga braso sa kanyang baywang. Gusto pa niyang mainis sa biglang pagdating ni Xavier. “Ganoon ba ako katagal sa restroom para maghanap ka ng bagong makakasama?” “No, hindi naman. Masama bang makipag-usap ako sa iba?” Gusto niyang pasikmat na sabihin iyon kay Xavier na para bang binabawalan siya nito samantalang wala naman siyang ginagawang masama. “Oh, you speak tagalog!” Tila nagulat si Axyl. Natawa nalang siya. “Yes, I did.” Nakangiting binalingan niya si Xavier saka bumalik ang tingin kay Axyl. “I am a halfies, Filipina-American. My ancestors came from here. Plus… tinuruan niya din ako ng maraming malalalim na Filipino words…” Maski naman siya ay inisip na foreigner ang lalaki. With his awesome looks, darn she bet! “Oh…” sambit ni Axyl, halatang amazed pa din. “We both are mixed breeds, I’m a Filipino-American too, but my father’s ancestors were mixed with French blood.” “Whooah! You’re amazing! That’s why you got a great eye color!” Natutuwang sambit niya, ni hindi napigilan ang direct compliment. Bigla namang tumikhim sa tabi niya si Xavier. Nagpaparamdam na ‘wag itong gawing display lang. “Anyway, this is Xavier… Xavier, Axyl. Regular costumer daw siya rito ng pinsan mo.” Baling niya kay Xavier. Nagkamay ang dalawa pagkuway inaya na siya ni Xavier sa dance floor nang marinig ang malikot na musika. Pero hindi na naiwala ni Breonna ang mga tingin kay Axyl. Nagsasayaw man sila ni Xavier, but her eyes were on Axyl all the time. Na para bang ang bawat pagpilantik ng kanyang mga balakang, ang pag-ikot noon at ang mga senswal na galaw niya sa pagsasayaw ay iniaalay niyang lahat kay Axyl. And she never knew how seductive and sexy she looks like while dancing and swaying her hips. How arousing she was while in the dance floor. Idagdag pa ang paglalaro ng mga kamay niya sa blonde at alon-alon na buhok. And swear… Axyl isn’t looking to anyone but to hers. All eyes in hers, she wanted to melt from the fire of his gaze. Darn! He was so so so hot like that! Mukhang mapapadalas ako dito…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD