Chapter 2

2282 Words
“I DON’T like her.” Papalabas ng garden si Breonna nang matigil sa paghakbang. Naroon sila ni Xavier sa bahay ng ina at kapatid sa Forbes. Sa garden isinilbi ang meryenda at doon siya hinarap ng mga-ina. Maayos naman bagaman reserve ang pakikitungo sa kanya at naisip niyang unang beses palang naman silang nagkita ng mga ito kaya ganoon. Sandali siyang nagpaaalam na gagamit ng comfort room. At sa pagbabalik niya ay ganito ang narinig niya mula sa kapatid ni Xavier. “Same here. And also that she’s full-blooded liberated woman. Ayoko sa kultura ninyo sa America. Lalo na ang mga tinatrabaho ng mga babae.” “Bakit? Masyado bang malilinis ang mga Pilipina para masabi niyo iyan? Marami din namang liberated na babae rito, ah?” Maski paano ay gumaan ang pakiramdam ni Breonna nang marinig ang pagtatanggol ni Xavier sa kanya. Para siyang sinibat ng malamig at matulis na palaso kaninang marinig ang sinabi ng kapatid at ina nito. “That’s not the point. I just don’t like her. Hindi mo ako pwedeng pilitin na magustuhan siya.” “Oh, darn! You don’t need to like her now. She’s just a fling.” Nabingi yata sa narinig si Breonna. Masakit pero totoo naman. Consistent companion lang nila ang isa’t-isa. Pero kasi, maski paano ay umasa siya na may something sa pagitan nila. One week ang pinakamatagal na commitments ni Xavier. At sila ay umabot nang mahigit isang buwan. Pagkatapos ay ipinakilala pa siya nito sa ina at kapatid. “Fling? E bakit mo siya ipinakilala sa amin?” “Gusto ko lang.” Kibit-balikat nito. “Besides, iba siya.” “Iba? I bet in the hot way. Pinaka-hot nga naman siya sa mga naka-fling mo. Pero bakit di mo pa siya bitawan? Mahigit isang buwan na kayong laman ng society page sa New York.” Umiling-iling si Xavier at marahang ginulo ang buhok ng kapatid. “I’m not yet done to her. Hindi ko pa nga nakukuha ang gusto ko.” And she heard enough. Kaya pala! Kaya pala nararamdaman niya ang restriction kay Xavier. Because he is not the right man. Nagkamali siya ng tingin rito. How could she be so foolish? Nasaktan siyang talaga sa mga narinig. Bakit parating mali ang judgement niya? Bakit parating sa maling tao siya umaasa? Ganoon ba siya katanga para hindi makita ang totoong kulay ng mga tao sa paligid niya? Mula kay Tyrelle, matagal niyang inipon ang reserbasyon ng pagtitiwala. Wala ni isa siyang pinagkakatiwalaang lalaki na basta-basta samahan o mag-invest ng damdamin. Until him. Muli niya iyong ibinigay kay Xavier dahil sa magagandang ipinakikita nito sa kanya. Pero ang tanga-tanga talaga niya! Inipon ni Breonna ang sarili at muling binuo nang humarap sa mag-iina. Ilang minuto lang at hindi na niya kinaya, nagpaalam siyang babalik na sa hotel na tinutuluyan dahil masama ang pakiramdam. Nag-offer si Xavier na ihahatid siya pero hindi niya ito pinayagan. “You should stay here and enjoy time together.” Magsama-sama kayo, mga wala kayong kwenta! WALANG direksyon ang mga paa ni Breonna na naglalakad sa kalye ng Tomas Morato. Doon siya nagpababa matapos kumuha ng taxi at hindi nagpaderetso sa hotel. Masama ang loob niya at gusto niyang mag-lasing. Yeah, sa mahabang panahon, alak na ang naging takbuhan niya kapag nasa ganito siyang estado ng damdamin. Napabaling si Breonna sa helera ng mga establisyemento na dinadaanan. Mga pub house. Hinanap niya ang Black and Blue sa mga iyon. Ang consistent bar na pinupuntahan nila ni Xavier habang nasa Pilipinas. Maski pa sabihing nagagalit siya sa lalaki at pinsan nito ang may-ari, hindi naman niya maitatanggi na sa lahat ng pub house doon sa lugar na iyon, tanging ang Black and Blue ang pinagkakatiwalaan niya ang kalidad ng serbisyo. Pumasok ang dalaga sa loob. Sa entrada palang ay dinig na niya ang maharot na musika at ang magulong ingay ng mga costumer. Dumeretso si Breonna sa counter at humingi ng matapang na alak sa barteder. “Tequila, Ma’am?” Kilala na siya ng bartender. At sa ilang beses na pagpunta niya roon, light drinks ang hinihingi niya palagi. Kaya naman natural na magtaka ito. “Yes. And I mean it. Give me the damn drink!” Asar na sikmat ni Breonna. Ilang sandali pa at lango na siya dahil sa straight na pag-inom ng ilang shots. Malakas ang tama ng alcohol sa kanya dahil na rin siguro sa estado ng damdamin niya. Nakikigulo na din si Breonna sa dance floor maya-maya pa. Maharot na gumigiling ang baywang niya sa saliw ng musika. Dahil may mga nag-che-cheer sa kanya sa gitna ay mas ginanahan siyang gumiling. She felt so wild and free. She wasn’t even aware of how seductive she was while wiggling her hips, right and left. Na kung nasa tamang huwisyo si Breonna ay malamang na magkaroon siya ng reserbasyon sa bawat paggiling na ginagawa. But she wanted to be free with all the pain she had. Wala na siyang kahit sino sa buhay. Yeah, Xavier was an asshole and she wanted to forget everything about him. Even the world, she wanted to forget the world. Ang mundo na wala namang ibinigay sa kanyang maganda. Gusto niyang makalimot sa lahat-lahat ng iyon… kahit sandali lang. Sige siya sa pagsigaw at paggiling nang isang mukhang German na lalaki ang humaklit sa maliit niyang baywang. “You are so beautiful, Miss.” Sabi nitong hinawakan ang kanyang hita mula sa suot na maigsing fitted black off-shoulder dress. Naaamoy niya ang alak sa hininga ng foreigner at sigurado siya sa namumungay na mata nito ay lasing ang lalaki. Nanulak ang dalaga sa kabiglaan. Maski naman lasing na siya ay alam pa din niya ang ginagawa. At alam na alam niya kung paano pangalagaan ang sarili. “What the f**k?!” angil niya rito. “I’ve been watching you and you are so seductive. Want to get out of here and come with me?” Sabi nitong pinaraanan ng dila ang kanyang leeg pataas sa puno ng tenga niya. Nangilabot si Breonna sa ginawa ng lalaki. Parang tila nahulas ang lahat ng ininom niyang matatapang na alak. “Let me go! I’m not a fucker!” paangil na sigaw ni Breonna sa walang modong lalaki. Pero hindi siya makawala sa mahigpit na pagkakahapit nito sa baywang niya. Pinaraanan nito ng halik ang leeg niya at marahas na pinisil ang isang dibdib ng dalaga. Talagang naeskandalo at kinabahan ng husto si Breonna. Nagpilit siyang manlaban pero hindi naging ganoon kalakas ang pwersa niya. Dahil na rin sa nainom na alak. “Let me go, you son of a b***h!” tili pa din niya na tila wala namang nakakarinig dahil sa maingay sa dancefloor at halos wala nang pakialam sa mundo ang mga nagyuyugyugan roon. “Let her go.” THE VOICE was calm yet dangerous. Lalaking-lalaki sa pandinig ni Breonna at gustuhin man niyang lingunin iyon ay hindi niya magawa. Nahihilo siya dahil sa pinagsamang nainom na alak at panlalaban sa bastos na lalaki. Oo, nahihilo lang siya pero alam niya ang nangyayari. And she was just too exhausted to argue and fight even more. Namalayan nalang niyang may humapit sa baywang niya palapit sa matigas at mainit na katawan ng isang estranghero. At ang nakakahindik pa ay gusto niya ang pakiramdam na iyon. Gusto niyang magpakulong sa yakap ng kung sinong umagaw sa kanya mula sa bastos na lalaki. She felt so safe and secure just by the sudden touch of her body against the warm man. “She’s my girlfriend, dude! Stop being nosy!” sigaw ng bastos na lalaki. Gusto niyang tumutol roon pero namimigat ang mga talukap ng mga mata ni Breonna at kusa iyong pumupikit. “I’m her brother.” Nagpilit bumalik ang huwisyo ni Breonna pagkarinig sa baritonong boses. Pilit niyang inisip kung kay Tyrelle ang boses pero iba ang tunog noon sa boses ng kapatid. At oo nga na nakakaramdam siya ng safety sa bisig ng lalaki pero hindi ganoon ang pakiramdam kapag yumayakap siya sa kapatid. Hindi ito si Tyrelle… “And I don’t believe you. I know who her boyfriend is.” Maski nakapikit ay naiintindihan ni Breonna ang mga naririnig. At gusto niyang tumutol sa narinig. Hindi pagiging kapatid ang gusto niyang maging papel ng estranghero sa buhay niya. She wants him to be her knight in shining armor. Napahagikhik si Breonna sa naiisip. Kailan pa siya naniwala na may totoong knight in shining armor? Mga walang kwenta ang mga lalaki! “You should be thankful I need to bring my sister home. If she could still handle herself to stand, then I will punch the remaining daylights from you, you ninnyhammer!” Ramdam niya na nag-iigting ang mga bagang ng lalaki may hawak sa kanya. But when she smelled the familiar masculine scent ay para bang noon lubos na nagtiwala ang kamalayan niya rito. Isang sandali pa at naramdaman ni Breonna na para na siyang idinuduyan sa alapaap. “Sir, ang bill po ng—” “Charge it to my account, Gibs.” Lasing na ba talaga si Breonna at may pakiramdam siya na para siyang isang bida sa isang romantic movie? Na sinagip ng bidang lalaki mula sa pagkakabastos sa loob ng pub house? Nah. That was fiction at imposibleng mangyari sa tunay na buhay. Sino lang ba ang may pakialam sa kanya? Wala naman ‘di ba? But what she heard seems so real… The feeling of enjoying his warm body was so very real… “WHERE do you live?” The baritone voice seems too good to hear. Parang inaawitan ng mapang-akit na musika si Breonna habang karga ng lalaki. Unconciously ay ikinawit niya ang mga braso sa batok nito. At ibinaon ang mukha sa matigas at mainit na dibdib ng lalaki. Ang bango! He smells insanely delicious. Pinaghalong alcohol, musk at natural male scent at nakakasira iyon ng matinong pag-iisip. Ah… she knew the guy. Smelling that familiar masculine scent and she knew it was Axyl. Parang nakatahi na sa ilong niya ang bango nito since the first time she met him. Ito ang isa sa mga regular costumer sa pub house na pag-aari ng pinsan ni Xavier. Paano ba niya makakalimutan ang gwapong lalaki? He’s hot and looks so damn delicious! “Hmmm… Sa langit.” In a deep American accent, she murmured and grinned seductively. Unconscious with her effects to the man. “Dalhin mo ako sa langit.” She chuckled at muling ibinaon ang mukha sa dibdib nito. Napakasarap singhutin ng lalaking-lalaking amoy ni Axyl. She can get addicted with his scent. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ang dulas-dulas na ng kanyang pananalita. Narinig ni Breonna ang pagpalatak ni Axyl at mas lalo lang iyong nakadagdag sa appeal ng binata. Sandali pa at naramdaman niyang ibinaba siya ng lalaki sa loob ng mabangong kotse. Ini-inclined nito ang passenger seat saka sumakay na rin. ‘SA LANGIT, dalhin mo ako sa langit…’ Napamura sa sarili si Axyl habang pinapanood ang magandang blonde na nakahiga sa kanyang kama. Hindi niya alam kung saan iuuwi si Breonna kaya dinala niya muna ito sa kanyang condo na malapit lang sa Black and Blue. At kapag nahulas na ang pagkalasing ay saka niya ito kakausapin ng matino. Ano bang nakain niya at nakialam pa siya sa gulo nito? Ah! He couldn’t afford to just sit and watch her, habang binabastos na ito ng isa sa mga costumer ng bar. Ang mga bouncer ay abala sa costumer na nahulihan ng patalim at nagpipilit makapasok sa loob. For goodness sake! Pagod na siya sa pakikipagtalo sa ama at gustong mag-aliw kaya naroroon sa bar. Balak lang niyang uminom pero nang umentra na ang blonde na ito papasok ng bar ay hindi na niya ito inalisan ng tingin. Well, as always. Mukhang suki na rin ito sa bar na iyon at minsan na niyang nakapalitan ng batian at kaunting salita. Pero palagi ring may parang sawa na lalaking palagi nitong kapulupot kapag pumupunta sa bar. Kaya dumistansya na siya. She was between twenty-two to twenty four years old. So young and so beautiful. He may be accused of being a cradle snatcher sa edad na trenta, but she is his type. No… What he did now was just plainly helping a drunken woman away from a cocky. Nasaan ba kasi ang lalaking parati nitong kasama? Nasaan ang Xavier na iyon? Tatalikod na sana si Axyl nang marinig ang mahinang pag-ungol ng babae. She was murmuring something at hindi niya maintindihan kaya lumapit siya rito. “What is it?” Sa panggigilalas ni Axyl ay bumangon ang babae at walang pakialam na naghubad ng damit nito sa harapan niya. Napalunok ng sunod-sunod si Axyl. The woman was breathlessly gorgeous. Tila kumikinanang ang makinis at maputing balat nito sa tama ng liwanag ng dim light lamp sa loob ng silid. Nakasabog ang mahaba, wavy at blondeng buhok sa balikat at bahagya nalang natatakpan ang malulusog nitong dibdib. Her peaks were taunting him. Teasing him to taste them. Oh no! This is trouble! Dahil bigla nalang ding nagsikip ang kanyang pang-ibaba. Lumalaki at nagwawala ang kanyang alaga. Trouble… trouble! “Come here, lover boy.” She said hoarsely, standing in her whole loveliness. She was teasing and grinning like a sultry. “Feel me, darling. f**k me.” At bago pa makakilos si Axyl ay nakatayo na ang babae at hinahalikan siya ng buong alab.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD