"sigurado kaba na ito ang isusuot ko Marvin? Ganito talaga ang ayos ko?" Tiningnan muli ni Collen ang kanyang sarili. "Hay naku, ewan ko sa iyo. Natural ganyan ang susuotin mo. Hmmmp.. Ano ready kana?" tanong ni Marvin sa kanya. "Oo, tayo na." Ngumiti si Collen sa kaibigan. "Wait, ito nag text si cousin. Nariyan na raw siya sa baba. Tara na." Hinawakan siya nito sa kamay. Mabuti na lang at sanay si Collen sa pagsuot ng mataas na heels kaya hindi siya nahirapan. Nahirapan lang siya sa kanyang suot na dress dahil doon hindi siya sanay. "Naksss.. Ikaw ba iyan Ninay? Iba rin talaga ang kapatid ko kapag nakabihis mukhang tao." Napatawa pa si Zandro ng makita siya. "Kuya naman eh, nang iinis kapa." Napakamot si Collen sa kanyang ulo. "Joke lang, ahm.. Collen, uulitin ko ha. Ingat,

