Hindi mawala wala ang ngiti ni Collen habang siya ay nakahiga. Paulit ulit din niyang pinagmamasdan ang kanyang daliri na may singsing. "Ang saya saya ko ngayon. Ang saya saya ko," bulong ni Collen sa kanyang sarili habang paulit ulit na hinahalikan ang kanyang kamay. **** "Good morning kuya, good morning universe... " May pagtaas pa ng kamay si Collen habang palabas ng kanyang kwarto. Sakto naman na ang kanyang kuya Zandro ay naroroon sa kusina. "Saya ah. Anong meron?" Nakakunot pa ang noo ni Zandro sa pagtatanong habang nagkakape. Itinaas ni Collen ang kanyang kamay at pinakita ang kanyang singsing at waring nagmamalaki. Nasamid naman si Zandro ng makita ito,"Anak ng tokwa! Ano engaged kana!? Langhiya.. " "Hindi, ito naman. Promise ring lang ito kuya." Muling pinakita ni Colle

