"Hi, are you ok?" tanong ni Sean, nang pumasok ito sa silid ni Collen. "Yahh. I'm fine, why?" pabalik na tanong ni Collen dito. "Nothing, hmmmp.. Mukhang may iniisip ka kasi eh. Nakatulala ka." Hinaplos ni Sean ang pisngi ni Collen. "Wala," Gusto sanang itanong ni Collen ang tungkol sa kanyang narinig sa comport room pero pinigilan niya ang kanyang sarili. "Ahmm.. Siyangapala si Carly kasi iyong kaibigan ko tumawag kanina. Mag bi-birtday kasi iyon sa susunod na araw, ayon may kunting salo-salo gusto niya akong makasama. Pwede ba akong umuwi ng probinsya? Ahm.. Off ako ng ilang araw pwede?" saad ni Collen. "Ikaw bahala. Kaya nga pala ako naririto upang mag paalam sa iyo, may business meeting ako sa Singapore mamaya na ang alis ko papunta doon. Ahmm.. Siguro magtatagal ako doon n

