"Collen anak, paki linisan ang kwarto mo at doon si Sean matutulog," saad ng ina ni Collen. "Ma! Sigurado ka? Sa kwarto ko talaga?" Napatayo pa si Collen sa pag tatanong. "Oo, bakit hindi? Saan mo siya patutulugin sa kwarto namin o sa kwarto mga kapatid mo?" saad muli ng kanyang ina. Napakamot tuloy si Collen sa kanyang ulo. "Ah.. Iniisip mo siguro na magtatabi kayo kaya ganyan ang reaksyon mo. Luh asa ka Ninay, harot nito. Sa kwarto ka namin ng papa mo matutulog." Bahagyang sinambunutan si Collen ng kanyang ina. "Sayang," mahinang saad ni Collen. "Ano!?" singhal ng kanyang ina. "Wala po, sabi ko maglilinis na ako." Napatawa na lang si Collen. Bago pumasok si Collen sa kanyang kwarto upang maglinis natanaw niya ang kanyang ama at Sean na nag uusap sa di kalayuan. Seryuso ang

