Mag isa at tahimik lang na pinagmamasdan ni Sean ang kanyang pinsan na si Krisha. Ito ang araw ng kasal ng kanyang pinsan kaya naririto siya ngayon sa Pilipinas upang dumalo. Nasulyapan niya rin ang kanyang isang matalik na kaibigan na si Lorraine, may tatlong anak na ito, at tulad ng kanyang pinsan masayang masaya na ito sa kaniyang buhay pamilya.
"Tunay nga na hindi natin alam kung sino ang makakapareha natin sa future. Tingnan mo na lang si Krisha, katakot takot ang mga pinag daanan nito. Pasakit, at pagka martyr pero look. Happy na happy sa kanyang husband ngayon. Akala ko hindi ko na makikita ang anak ko na muling ngingiti, at susuot ng puting wedding gown," wika ng ama ni Krisha na hindi naramdaman ni Sean na nasa tabi na pala niya ito.
Tanging ngiti lang ang naging tugon nito sa kanyang tito.
"Ikaw pamangkin, kailan mo ipapakilala sa akin ang gf mo? Ilan taon kana nga ba ,bakit ayaw mo pa rin magka relasyon o magka pamilya?" tanong nito sa kanya. Kaya hindi niya maiwasan mapa inom ng isang basong alak.
"Tito, bata pa po ako. Kayo naman masyado n'yo naman akong na pe-pressure relax lang tayo Tito. Darating din tayo diyan basta ako, ayaw ko munang mag karelasyon sa ngayon ang mahalaga sa akin ngayon ang career ko," tugon nito.
"Hindi kita peni-pressure. Ang akin lang alam muna sa totoo lang Sean, minsan naiisip ko sa iyo na gay ka?"
Nang marinig naman iyon ni Sean ay agad siyang nasamid at naubo. Hindi ito ang unang beses na ang tingin sa kanya ay isang bakla dahil nga sa mula pagka binata niya ay wala man lang siyang babaeng naging karelasyon o kahit ano pa man. Dahil tanging trabaho lang talaga siya nakapokus. Kaya minsan natatanong siya kung ano ang tunay niyang kasarian dahil mailap at wala pa siyang karelasyon sa edad niyang 27.
"Tito naman! Hahaha wala kayong pinag kaiba ni dad. Paulit ulit na lang iyan tinatanong sa akin. Hindi ako gay Tito, lalaking lalaki po ako kayo naman kasi porket wala kayong nakikitang babae, at napapakilalang girl friend ko iyon agad ang tingin n'yo sa akin. Hindi ba pweding hindi lang ako babaero katulad ninyo n'yo ni Dad, ops.. Hehehe huwag n'yo po akong lakihan ng mata. Noong binata pa hindi pa ako tapos eh basta Tito ganito lang siguro ako. Ayaw ko ng relasyon sa ngayon at tanging trabaho lang muna." At ngumiti ito sa kanyang tito.
"Oh, siya maiwan na kita dito. Pupunta muna ako kay tita mo."
Tanging iling iling lang ang ginawa ni Sean habang pinag mamasdan ang papa alis ang ama ni Krisha. Napa buntong hininga si Sean dahil sa pag uusap nila ng kanyang tito. Ito kasi lagi ang tanong sa kanya lalo na ang mga malalapit na relatives niya. Hindi nga rin niya alam sa sarili niya bakit tila wala siyang hilig sa babae kahit ang rami raming babaeng nag papansin sa kanya. Para sa kanya kasi ayaw niyang pasukin ang relasyon lalo na kung hindi siya sigurado. Ayaw rin niyang samantalahin ang mga babaeng malaki ang pagka gusto sa kanya dahil iyon ang matagal niyang pinangako sa sarili ayaw niyang manakit ng babae. Ayaw niyang makakita ng babaeng nasasaktan dahil paulit ulit niyang na aalala ang kapatid niyang nag pa tiwakal dahil sa pagka humaling sa lalaki.
********************
"Ano Collen may nahanap kana ba na trabaho?” tanong ni Carly sa kanya.
"Wala, ang hirap talagang maghanap ng trabaho sa ngayon kahit nga ano papatusin ko na kaso ayon hindi raw nababagay sa kursong natapos ko."
"Ano nang gagawin mo, anong plano mo? Ilang buwan kana kayang tambay. Hindi naman habang buhay mag lalabada ka sa araw habang sa gabi mag titinda ka ng balot."
Ngumiti si Collen sa kaibigan bago sumagot sa tanong nito,"Pupunta ako ng Maynila doon ako maghahanap ng trabaho, at saka doon ako mag aaply ng trabaho sa Kings artist company."
"Sira ulo at talagang inisip mo pa iyang Sean na iyan kesa makahanap ng matinong trabaho ano!?" singhal sa kanya ni Carly.
"Kaya nga pupunta ako ng syudad para mag hanap ng trabaho diba? At syempre kasama talaga sa plano ko iyon ang pasukin ang mundo ni Sean."
Agad naman siyang binatukan ni Carly dahil mukhang nag i-imagine na naman siya nang kung ano-ano.
"Aray ko ano ba!? Panira ka talaga eh 'no? Alam mo naman na matagal ko nang pangarap ang maging isang mahusay na artist. At lalo akong ginanahan na mag pinta dahil kay Sean, kaya i swear best friend gagawin ko ang lahat makita ko lang siya at makasama. Dati pa alam na alam mo na ang pangarap ko diba. Ang makilala at malaman ng buong mundo ang mga obra ko. Pero ngayon mas tumaas ang pangarap ko hindi lang makilala bilang artist kundi ang maging asawa ng isang sikat na si Sean King Silay," wika ni Collen na nakataas ang kamay habang pa pikit pikit pa ang mata.
Kaya naman sa pag kakataong iyon hindi na batok ang ginawa sa kanya ng kaibigan kundi mahinang sampal.
"Hoy gising! Lakas talaga ng tama mo, bangag ka ba? Naka ilang balot ka kagabi? Talagang pinangatawanan mo na ang pagkahumaling sa artist na iyan kahit hindi mo pa nakikita."
"Hindi ako bangag, puyat lang. Sakit ng sampal mo ha!, alam mo kung mangangarap na lang tayo di taas taasan na natin hindi 'yong mababa pa rin," tugon nito habang haplos haplos ang kanyang pisngi.
"Basta pupunta ako ng syudad at maghahanap ng trabaho at syempre doon ako mag aaply sa Kings artist company. Hmmp best friend pautang naman ng pamasahe oh kulang pa kasi 'yong na ipon ko."
"Ayon doon tayo natalo. Talagang pursigido kang umalis para pumunta sa syudad? Eh saan ka naman tutuloy doon aber habang naghahanap ng trabaho?" Sabay abot nito ng pera sa kaibigan.
"May pinsan ako doon ok naman sa kanila na tutuloy ako pansamantala sa kanila habang nag hahanap ng trabaho. Sila mama naman ok naman sa kanila na pumunta ako ng Maynila. Salamat ha maasahan ka talaga may best friend na mapanakit." At agad nitong niyakap ang kaibigan.
"Drama mo! Eh kailan ka ba aalis?"
"Bukas na bukas na para alam mo na makahanap ako agad ng trabaho. At saka baka pag punta ko ng Kings artist si Sean ang mag i-interview di winner itatanan ko na agad agad siya." May pag palakpak pa ng kamay si Collen.
Likas na masayahin si Collen at kwela sa lahat ng bagay kaya kahit kapos sa buhay ay hindi makikita sa kanya ang kahirapan ng buhay.
"Umalis kana nga baliw kana talaga! Umalis kana baka mag bago ang isip ko bawiin ko 'yang pera na pinahirapam ko sa iyo," wika ni Carly habang pa ngiti ngiti ito sa kanya.
Agad namang lumakad si Collen papalayo sa kaibigan at pakaway kaway pa ito.
"Ingat baliw galingan mo sa paghahanap ng trabaho. Pati na rin sa pag gagayuma sa idol mo kung sakaling makita mo ito," sigaw nito sa kanya.
At tanging thumb up ng kamay ang ginanti nito sa kaibigan.
Nang marating ni Collen ang Maynila ay walang oras itong sinayang kaya wala siyang ibang ginawa kundi ang maghanap nang maghanap ng trabaho ngunit bigo pa rin siya.
Patuloy din niyang hinahanap ang Kings artist company upang mag apply dito.
Pagod na pagod si Collen habang umiinom ng soft drinks at isang pirasong tinapay ng may isang mataas na building siyang agad napansin hindi kalayuan sa kanya.
"Wahhhhhhh" hiyaw nito kaya halos napag tinginan na siya ng mga tao sa paligid.
"Totoo!? Totoo nga ang Kings artist company dito lang pala kita makikita sa Makati wuhuhuhuhu," muling sigaw niya at patalon talon pa kaya naman ang mga taong nakakakita sa kanya ay napapatawa habang nag bubulong bulungan.
Takbo at lakad ang ginagawa ni Collen ng upang agad marating ang building nito. Hindi magka mayaw si Collen ng marating niya ito halos hindi niya alam kung saan siya unang titingin dahil halos naglalakihang billboard ang makikita sa paligid at tanging si Sean ang naka litrato dito.
Agad naman niyang inayos ang sarili upang maging presentable siyang tingnan dahil halos alas tres na ng hapon iyon.
"Hi, Ma'am good afternoon po, saan po kayo, at anong kailangan n'yo? “tanong ng security guard sa kanya.
"Ah, sir good afternoon po, gusto ko po sanang mag apply ng trabaho dito. Saan po magpapasa ng resume?"
Tumitig naman ang guwardiya sa kanya.
"Ma'am, hindi n'yo po ba nababasa ang naka sulat sa labas ang laki laki na po niyan.” At tinuro nito ang isang billboard malapit sa harap ng building kaya agad nitong binasa.
Lag lag ang kanyang balikat ng mabasa niyang no vacancy ang nakalagay dito.
"Ano ba iyan wala ba talaga sir, kahit janitress wala talaga sir? Kahit taga timpla ng kape ni sir Sean?" Pangungulit niya ng sa guwardiya.
"Naku Ma'am, wala po. Bihira lang sa isang taon magkaroon ng vacancy dito sa company na ito, kung hindi emergency, eh walang mawawala. Eh halos sobra- sobra na nga ang empleyado dito."
Tanging tango tango naman ang naging tugon nito. Lalo tuloy siyang nagka interest dahil kung ganoon ang sitwasyon isa lang ang ibig sabihin, maganda ang pamamahala nito.
Halos araw araw siyang pumupunta dito, nag babakasali ngunit bigo siya. Kilala na nga siya ng mga guwardiya doon kaya natatawa na lang ang mga ito tuwing paparating siya dahil hindi talaga siya sumusuko, o tumitigil kaka aaply kahit wala naman siyang pag asa, dahil walang bakanteng trabaho na kahit ano dito.