Catch Me

1685 Words
Lumipas ang ilang buwan na pananatili niya sa Maynila ngunit kahit isa sa inaplayan niya ay wala pa rin isang tumawag sa kanya. Nang nalaman niyang nagkasakit ang kaniyang ina ay nag pasya na lamang muna siya na bumalik sa kanilang lugar sa Lucena. Pero bago pa siya umuwi ng probinsya ay tumungo muna siya sa building ng King artist company at hindi nagdalawang isip na maghabilin ng resume sa guwardiya upang tawagan siya kung sakaling may bakanteng trabaho. "Kumusta? Anong nangyari sa pananatili mo sa Maynila may nangyari ba, may trabaho ka bang nakita?" salubong na tanong ng kanyang kuya sa kanya. "Ikaw pala Kuya? Ito ok naman wala akong nahanap na trabaho medyo nahihirapan ako. Mabuti naman at nadalaw ka dito ahm kailan kapa umuwi?” "Noong nakaraan lang. Ito sakto, pag punta ko dito may sakit daw si mama. Sabi ko naman kasi sa kanya huwag na siyang mag trabaho pero ito kumakayod pa rin alang alang sa inyong mag ama. Ikaw naman Collen, seryosohin mo ang paghahanap ng trabaho para naman makapagpahinga si mama sa pag bubuhay sa inyo." Nahahalata pa rin sa pananalita ni Zandro ang galit sa kanila lalo na sa ama nila. Wala kasing trabaho ang ama niya kundi pag asyanong, at kung ano ano pang sugal ang hilig nito. Mag kaiba sila ng ama ni Zandro, kapatid niya ito sa ina Seaman ang natapos ni Zandro kaya lagi itong wala. Hindi rin ito tumutuloy sa kanila dahil may sarili na itong bahay at condo. Mapera rin kasi ang pamilya nito lalo na ang ama nito na dating kasintahan ng kanyang ina. Hindi na niya inaalam pa ang nangyari sa nakaraan ng kanyang ina kaya hindi niya alam bakit nag hiwalay at ama ni Zandro at ang ina niya, at kung bakit ang ama niya ang pinakasalan nito gayong puro sugal lang ang alam at lagi pang silang nag aaway. Totoong si mama lang niya ang bumubuhay sa kanila may dalawa pa siyang kapatid isang babae at isang lalaki na kapwa nasa elementarya pa lamang. "May mga dala akong mga pagkain diyan paki luto mo ha para kay mama, at ‘yong mga prutas paki lagay sa Reef." Tanging tango tango lang ang kanyang naging sagot dito. Likas na suplado itong kanyang kuya na limang taon and tanda sa kanya pero kahit ganoon ito sa kanya ay magkasundong magkasundo sila sa lahat ng bagay. "Hoy! Umuwi kana pala nasaan pasalubong ko?" tanong ni Carly nang makita siya nitong papasok sa bahay nito. "Wala nga akong nahanap na trabaho pasalubong pa." "Eh ano iyang kinakain mong chocolate cookies saan iyan galing? Mamahalin pa ha." At agad nitong inagaw sa kanya ang bitbit nitong pag kain. "Kay kuya iyan dala niyang pasalubong para sa amin." "Talaga! Dumating na si kuya mo nasaan siya now nasa inyo? Tara sa inyo." Natawa lang siya sa reaksyon ng kanyang kaibigan halatang halata kasi dito and laki ng pagkagusto nito sa kanyang kapatid niya pero hindi lang niya ito pinapansin. Alam din niyang mula pag kabata eh lihim na nitong hinahangaan ang kanyang kuya. Malas lang nito dahil may girlfriend na itong isang modelo. "Oa nito umalis na. Alam mo naman na ayaw na ayaw no'n na makita si papa dahil tiyak mag aaway at mag aaway lamang sila." Lumipas ang ilang araw ay gumaling na rin sa karamdaman ang kanyang ina napag disisyonan niya rin na huwag munang umalis upang may katuwang ang kanyang ina sa pag titinda nito sa palengke ng isda. "Best friend!! My goodness, my goodnews ako sa iyo," sigaw ng kanyang kaibigan kahit nasa malayo pa lamang ito. "Ano na naman iyan? Ikaw talaga wala kang kahihiyan andito tayo sa palengke wala tayo sa bahay at saka ang aga aga mong mang istorbo." "Collen.. Collen.. Sa pagkakataong, ito tiyak na gaganda ang umaga mo. At pasensya na kung naistorbo kita pero ito oh." At agad inabot sa kanya ang isang pirasong flyers. Napaka nganga siya ng mabasa niya kung anong meron sa flyers. "Totoo!? Magtatayo ng branch company ng Kings artist dito sa atin at hiring sila ngayon?" Halos hindi makapaniwala si Collen sa pagkakataong iyon na tila umaayon sa kanya ang panahon. Hindi na siya nag dalawang isip pa kaya pinakiusapan niya ang kanyang kaibigan na ito muna ang mag bantay at mag tinda ng isda. Mabuti na lang at pumayag ito. Tiniis ni Collen ang init, at gutom para maka pasok lamang sa company. Hindi siya natanggap bilang isang artist ng company pero natanggap naman siya bilang sales clerk. Ok na iyon sa kanya at lest nagkatrabaho siya at lalo na dahil natupad ang pangarap niyang mabilang sa empleyado ni Sean. Mabilis lumipas ang isang taon buhat ng natanggap siya. Ngunit kahit isang bisis ay hindi pa rin nito nakikita ang kanyang amo. Maraming program ang nangyari sa branch nila ngunit kahit isa sa mga ito wala ito at hindi umaattend tanging ilang mga matataas lang na katungkulan ang nakikita niya dito. Kuntento na roon si Collen kahit tanging poster at litrato ng amo ang kanyang araw araw na pinag mamasdan. "Ikaw ang gumawa niyan patingin nga?" At agad kinuha ng isang matandang babae ang kanyang ginuguhit na larawan. Ito kasi ang pinag kaka abalahan niya kapag break time, o pag may free time siya sa trabaho. "Ay Ma'am opo, pasensya na po hindi pa po iyan tapos." At pinilit niyang inagaw ang ginagawa niya ngunit nilayo lamang ito sa kanya. Nakilala niya ang matandang ito na isa ito sa mga talent manager ng company at nababalitang terror daw ito kaya napayuko na lamang dahil baka hahamakin lamang ang kanyang gawa. "Ilagay mo ang contact number mo dito sa gawa mo at tatawagan kita soon as possible." Dali dali naman niyang nilagay ang contact number sa papel at agad namang umalis ang babae sa harap niya. Hindi niya tuloy kung anong gagawin niya dahil hindi niya alam kung bakit ganoon ang ginawa sa kanya. Lumipas ang isang linggo at isang tawag ang kanyang natanggap. "Hi, Miss. Colleen Basque? This is Emily h.r ng Kings artist company main branch. Gusto ko lang ipa alam po sa iyo na nerecomend kayo na tawagan para sa final interview with our boss Mr. Sean King Silay soon ass posible. Dito mismo sa main branch ng company." Hindi alam ni Collen ang kanyang sasabihin nang pagkakataong iyon dahil sa tawag na kanyang natanggap kaya tanging oho, opo na lamang ang kaniyang naging tugon. Bahagyang sinampal sampal ni Collen ang kanyang sarili upang magising dahil tila nanaginip lamang siya ng pag kakataong iyon. Isang text messages ang kanyang na receive at mula pa rin ito sa nag pakilalang h.r kanina. Nilalaman nito ang details kung saan ang lugar ng main branch at kung anong araw, anong oras siya pupunta dito para sa final interview. Halos lumuwa ang mata ni Collen ng marating niya ang main building. Doble ang taas, at lawak nito kumpara sa building na nakita niya sa Makati. "Hi ako po si Collen Basque, ahm tinawagan po ako kamakailan ng HR, may interview daw po ako ngayon with sir Sean King Silay." Bati niya sa isang receptionist. Tumango naman ito at may tinawagan sa telepono. "Ma'am Basque, sa 25flor po kayo. Sa CEO's office hinihintay na po kayo ni sir Sean," wika ng receptionist. Agad naman siyang sumakay ng elevator patungo dito. Hindi niya alam kung anong merong emosyon na nararamdaman. Magkahalong excited at kaba. Excitement dahil makikita na niya sa wakas si Sean ang matagal na niyang gustong makita. Kaba, dahil hindi niya alam kung anong sasabihin at isasagot dito kapag magkaharap na sila. Lalong sumidhi ang kaniyang nararamdaman ng marating niya ang kanyang paroroonan at ng nakausap na nito ang secretary ng binata. Isang buntong hininga ang kanyang binitawan bago pumasok sa loob ng opisina. "Hi come in have a sit." Malumanay na bati nito sa kanya habang naka upo sa coach at naka tingin sa kanya nang pumasok siya. Hindi niya alam kong anong gagawin niya kung ngingiti, o sasagot ba siya sa pag bati nito sa kanya, ngunit tila binubuhusan siya ng malamig na tubig dahil parang walang boses na lumalabas sa kanyang bibig. "Wow! Bakit ganito si Sean na ba talaga ito? Hindi ako makapaniwala. Dati pinapangarap ko lang itong makita. Kini-kiss ko ang bawat poster nito sa kwarto ko pero ngayon ito na abot kamay ko na. Pero bakit ganito ang narararamdaman ko para akong matutunaw, at hindi maka alis sa pwesto ko," bulong nito sa sarili habang naka titig sa mata ng binata. "Hey, are you ok Collen Basque right?" tanong nito sa kanya saka lamang siya nabalik sa ulirat nang tinapik siya nito balikat. "Opo sir, opo." Bigla siyang nahiya kaya napayuko na lamang dahil sa kaniyang inasal. Sino ba naman kasi ang hindi mapapa tulala kung ganito ka gwapo sa personal ang iyong labis na hinahangaan. "Nai-recommended ka sa akin ng isa kong talent manager. Anyway, to be honest hindi ganoon ka ganda ang gawa mo pero impresive dahil kahit tanging lapis ang ginamit mo attractive ang drawing mo. So, sino ang inspirasyon mo sa pag pipinta?" tanong nito. "Kayo po," mabilis na tugon nito. Kaya napa kunot ang noo nito sa kanya. "I... I- i mean ikaw po kasi diba ang galing galing n'yong mag pinta, at napaka tanyag ninyo. Hindi lang dito sa Philippines maging sa ibang bansa. Yoon po kaya kayo po ang naging inspirasyon ko. Gusto ko po na maging katulad n'yo." Halos mautal utal na paliwanag ni Collen. "Ok, thank you. Fresh graduate ka pala? So, wala ka pang experience sa pag pipinta, o pag gawa ng obra para maibinta sa merkado. Ok lang ba sa iyo na kailangan ko munang makita ang gawa mo at kung pumatok sa masa saka kita i hired bilang artist ko?" Seryusong paliwanag nito. "Oo naman po sir, malaking karangalan na po iyon sa akin." Ngumiti si Collen na waring nanalo sa lotto. "Kahit taga timpla lang ng kape mo araw araw ok na ok sa akin my future husband," bulong ni Collen sa kanyang isipan habang naka ngiti sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD