Chapter 4

1413 Words
Walang kapantay ang ligaya ni Collen ng binigyan siya ng pagkakataong mag pinta upang maging artist ni Sean King. Hindi siya nag sayang ng pagkakataon, umisip agad siya sa kanyang imahinasyon kung ano ang kanyang gagawin na ipapakita kay Sean. Maagap pa lang nasa office na agad siya, itinuro naman sa kanya  ng secretary ni Sean kung saan ang lugar ng kanilang pag pipinta. Tahimik ang silid dahil nga sa maagap siya, siya ang pinaka una sa loob. Napangiti na lang si Collen ng makita niyang kumpleto ang lahat ng kagamitan doon. "Miss. Pwede ko bang gamitin ang lahat ng iyan?" tanong ni Collen habang naka ngiti. "Yes po, sige po maiwan ko na kayo," tugon ng secretary. Pumikit si Collen at nag dasal habang nakangiti, pinagdadasal niyang sana maging maayos ang pag pipinta niya at sana makapasa siya ng tuluyan para maging official artist na siya ng kanyang iniidolo. "Ay kalabaw!" gulat na sambit ni Collen sa pagmulat ng kanyang mata. "Hi sir, kanina pa kayo diyan?" tanong ni Collen. Napakamot pa siya ng ulo. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung pagmulat ng iyong mata ay bubungad sa iyo ang iyong crush na crush. "Medyo, ang agap mo ha. Impressive, sige alis na ako. Ahmm.. By the way, ano ang iyong likhang gagawin ngayon?" seryusong tanong nito. "Ahmm.. Landscape painting sir, mga batang masasayang naglalaro sa ilog, iyon po ang nasa isip ko ngayon, nakikita ko po ito sa probinsya namin." Ngumiti si Collen dito. "Ok, take note. May tatlong iba't ibang klasing arts ka lang na pwedeng i-submit sa akin na may pagkakaibang hugis at gawa. Huwag magmadali para hindi magkamali, laging tandaan ang pag  pipinta ay binibigyan ng mahabang oras at hindi ito kumpetinsya ng pabilisan. Goodluck e-enjoy mo lang ginagawa mo." Tinapik tapik pa ni Sean si Collen sa balikat. Saka tuluyan na itong umalis. Napatango tango na lang si Collen sa kanyang narinig, nababasa niya ito dati sa mga poster at magazine iyong words na sinasabi ni Sean, ngayon iba pala ang pakiramdam pag personal ng sinsabi sa iyo, sobrang nakakagaan at nakaka inspired iyon ang nasa isip ni Collen. "Hays..." Nasampal ni Collen ang kanyang mukha ng mahina. Naalala niya kasi ulit kong anong itsura niya noong nagdadasal siya at doon pagkamulat niya nasa harap na pala niya si Sean. "Mabuti na lang nasa isip lang ko lang ang pagdadasal kanina, kung sakali na pabulong ko baka narinig iyon ni Sean, hayss nakakahiya. Nasa prayer ko pa naman na bukod sa sana matanggap ako, sana mapansin din niya ang kagandahan ko," bulong ni Collen sa sarili. At sa pagkakataong iyon, sinigurado niyang walang taong nakakita sa kanya. Sinimulan ni Collen ang kanyang pagpipinta. Napapangiti na lang siya sa ginagawa niya habang pinagmamasdan ito, gandang ganda na siya sa kanyang ginagawa kahit kakaumpisa pa lang nito. Ngayon lang kasi siya nakagamit ng kumpletong kagamitan at mamahalin para sa pag pipinta kaya inspired na inspired siya. Maya maya pa ay dumating na ang ilang mga artist kaya may nakasama na siya roon. Iyong iba pala roon ay kasabayin niyang mag apply ng trabaho. Kaya domoble ang determination ni Collen upang makapasok siya dito sa trabaho. "Hi, ako si Marvin. Ahm.. bago ka rin dito? Or nag a-apply  ka pa lang?" tanong nito. Ngumiti ito at tumabi sa kanya sa pagkakaupo. Napangiti na lang siya dito habang nag liligpit ng gamit pananghalian na kaya naisipan niyang mag breaktime muna. Ang lamya mag salita kaya alam niyang half half ito. "Ako naman si Collen. Kaka a-apply ko lang kahapon, kaya ito kailangan pang may patunayan para maging official na  artists dito. Ikaw, hired kana ba? Official artist kana ni Sean, ahm.. I mean sir Sean." Napakamot pa si Collen. Pumalintik naman ang kamay ni Marvin na hinampas siya ng bahagya saka napangiti. "Haha,  matagal na akong artist dito. Ahmm mga two years na. Hmmmp.. May pa Sean Sean ka lang nalalaman diyan, alam mo hindi na bago sa akin iyan, ang hangaan at pag pantasyahan ang pinsan ko." Ngumiti ito sa kanya. Napanganga na lang si Collen," Pinsan mo siya, wow! Kaya pala ang gwapo gwapo mo rin. Sayang nga lang." Nagkibit-balikat na lang ito at umirap sa kanya ng bahagya. Kaya napa peace sign na lang si Collen. "Halika na nga, mag breaktime na tayo. Alam mo bet kitang maging friends, nakikita ko sa iyo na masayahin ka at kwela. Sana makapasa ka kay sir Sean, para lagi na kitang makakasama dito." Inakbayan siya nito. Maging siya naman ay magaan ang loob niya dito. At alam din niyang makakasundo niya ito, at nagpapasalamat doon si Collen dahil unang araw may magiging kaibigan na agad siya at lalong naging masaya siya dahil kamag anak ito ng amo niyang sobrang hinahangaan niya. Makakakuha siya ng tips upang lalong mapalapit sa binata. "Ganoon ba talaga si sir Sean, kailangan munang may mapatunayan bago tuluyan niyang maging empleyado?" tanong niya dito habang inaayos ang pagkain nilang dalawa. "Oo, ganoon kahigpit iyon sa pagsala ng empleyado. Talagang salang sala. Kaya girl, galingan mo ha. Isang malaking karangalan ang mapabilang sa Kings artist company." Siniko ng bahagya ni Marvin si Collen. "Yes, gagawin ko talaga ang lahat para makapasok dito." Napapikit pa si Collen habang ang kamay nito ay parang nag darasal. Muling namula ang pisngi ni Collen dahil sa pagmulat niya ay paparating si Sean na naka tingin sa kanya. "Oh, ano ok ka lang? Pulang pula ng pisngi mo ha. Hindi naman ma anghang ulam natin," saad ni Marvin na naka kunot ang kilay nito. "Ahm... Mainit kasi, ang init nong sabaw." Pag sisinungaling ni Collen. Sino ba naman kasi ang hindi mamumula ang pisngi dahil tuwing napipikit siya pag mulat niya ay si Sean ang unang makikita niya, lalo na at nakatingin ito sa kanya. "Namumula iyang pisngi mo dahil naririyan ang pinsan ko. Asuuusss. " Muli siyang siniko ni Marvin. "Obvious ba?" tanong ni Collen napayuko pa ito ng bahagya. "Na ano? Na crush na crush mo amo natin. Alam mo hindi lang ikaw ang may pakiramdam na ganyan. Eh,  halos yata ng empleyado dito lalo na mga single ay pinag papantasyahan ang pinsan ko. Tingnan mo iyong mga grupo na iyon. Diba, obvious na obvious ang papansin nila. Pero sorry na lang iyang mga iyan. Dahil mukhang walang balak mag asawa iyang pinsan ko." Turo turo ni Marvin ang nasa ibang lamesa. "Haysss.. Kawawa ko naman pala talaga. Ang dami dami ko pa lang kaagaw, karibal sa kanya." Nag kibit balikat na lang si Collen at napa sulyap siya sa kinaroroonan ni Sean na masayang kumakain kasama ang ibang empleyado. "Mismo, ewan ko ba diyan. Kulang na lang ligawan iyan ng mga kababaihan para maging karelasyon ang kaso wala talagang epekto ang pag papa cute nila. Masyadong abala si Sean sa pagpapayaman kaya walang time sa pag ibig. Ang sabi pa niya, aanhin raw niya ang babaeng nagpapansin sa kanya, kung hindi niya ito gusto. Baka saktan lang daw niya ito." Paliwanag ni Marvin, habang sumusubo ito ng pagkain. "Sabagay, kaya nga siguro Mr. Dreamboy ang bansag sa kanya dahil ka dream dream ang katangian niya, talagang wala pa siyang nagugustuhan na babae? O nakarelasyon man lang?" tanong ni Collen. "Wala, pero ang alam ko dati may niligawan iyan isang modelo, maganda, sexy, mabait. Ito nga raw ang unang naglahad ng damdamin sa kanya. Tapos ayon nga, dumating ang isang pagsubok sa pamilya nila iyong nagpatiwakal na kapatid niya dahil sa isang lalaki. Kaya ayon, mula noon pinangako niya sa sarili niya na ayaw na niyang ligawan ang isang babae kung hindi niya ito gusto." Dagdag ni Marvin. "Ganon? Baka naman napaka pihikan ni sir Sean kaya ganoon na lang. Kaya hanggang ngayon wala pa siyang natitipuhan para pag tuunan ng pansin," saad ni Collen. "Hindi, ang sabi nga niya sa akin. Kahit anong itsura ng babae kapag tumibok daw ang puso niya dito. Iyon na talaga ang gusto niyang makasama pang habang buhay," tugon ni Marvin. Hindi naman tumugon si Collen pa tango tango na lang ito. "Uy, umasa haha. Bilisan mo na nga diyan at para makabalik na tayo sa trabaho." tinapik tapik ni Marvin sa balikat si Collen. Kaya napa ngiti na lang si Collen dahil totoong umasa siya na sana siya na ang matipuhan ni Sean. Kaya ngayon nabuo sa isip niya na uumpisan niyang magpapasin dito. Aalamin din niya ang lahat lahat ng gusto at ayaw nito para mapadali sa kanya ang paglapit dito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD