Chapter 5

1523 Words
Nalaman ni Collen na mahilig sa black coffee si Sean kaya maagap pa lang gumawa na siya ng black coffee para dito. Mabuti na lang at mabait din ang secretary nito kaya nakasundo niya, malaya siyang nakapasok sa office ni Sean. *Hi sir Sean, Good morning. Start  your day with smile.☺                      * Collen ☺ Todo ngiti si Collen habang nilalagay niya ng maayos ang black coffee nito sa lamesa nito kasama ang note na naka ipit. "Miss. Salamat ha." Ngiting ngiti si Collen sa secretary nito. "It's ok, alam mo sa lahat ng babaeng tagahanga ni sir Sean ay ikaw lang ang naglakas ng loob pumasok sa kanyang opisina at naglagay ng coffee," saad ng secretary nito. Napangiti pa ito sa kanya. May katandaan na itong secretary ni Sean kaya hindi nailang si Collen dito, sa totoo lang naging kasundo niya rin ito kaya nakakakuha siya ng tips para mapalapit kay Sean. Ang kwento pa nga nito bata pa lang si Sean ay empleyado na siya ng pamilya kaya kilala na rin nito ang pagkatao ni Sean. At iyon ang pinag papasalamat ni Collen. "Basta thank you Miss. Ha." Ngumiti si Collen dito. "Huwag na Miss. Ate Kayla na lang." Hinawakan siya nito sa kamay. "Sige po ate Kayla. Thank you again, bukas ulit. Ikaw gusto mo po ba ng coffee?" tanong ni Collen dito. "Hindi na, pero salamat. Sige punta kana sa trabaho mo at paparating na iyong boss natin," saad ng secretary. Kaya nagpaalam na si Collen dito at pumasok kung saan siya gumuguhit. Tulad ng dati siya ang kauna unahang empleyadong naroroon. Kaya agad niyang inumpisan ang kanyang ginagawang pag pipinta. Seryuso si Collen sa kanyang pag guguhit ng may taong pumasok sa silid na iyon. Hindi niya iyon pinansin dahil iniisip niyang baka kapwa lang niyang empleyado ang lumapit sa kanya. "Hi good morning, thank you for this," saad nito. Isang boses ang nagpakabog sa dibdib ni Collen ng pagkakataong iyon. Boses ni Sean na malambing at nakakahalina ang kanyang narinig. "Hi," Hindi sinadyang mahulog ni Collen ang kanyang paint brush dahil sa presensya ni Sean malapit sa kanya. Kaya agad agad niya itong dinampot. Tumaas ang kilay ang parehas kilay ni Sean at lumapit sa kanya. "Don't tell me, gagamitin mo pa ito." Kinuha ni Sean ang paint brush at kumuha rin ng isang extra papel. Pinahawakan pa nito sa kanya ang kapeng dala dala nito. "Tingnan mo, nag iba ang paint diba? Alam mo bang kapag artist ka, mas iingatan mo pa ang paint brush mo kesa sa sarili mo. Ang paint kasi once na nahulog ito lalo na sahig may posibilidad na marumihan ito. Tingnan mo pumangit iyong daan diba? Kaya instead na gamitin mo ulit palitan mo na lang." Kumuha ito ng bagong paint brush at inabot sa kanya. "Akina ang coffee ko. By the way, thank you again sa coffee. Ahmm.. Gusto ko rin sabihin sa iyo na, hindi mo naman kailangan bigyan ako ng coffee para i-hired kita. Basta maging maayos at maganda ang gawa mo don't worry, mapapabilang ka sa artist ko." Tinapik ni Sean si Collen sa balikat. Tanging tango tango lang ang naging tugon ni Collen dito. Sino ba naman kasi ang makapag salita kung bakit kasi pinatong ni Sean ang isang papel sa kanyang hita at doon gumuhit gamit ang nalaglag na paint brush. Ramdam na ramdam ni Collen ang kamay nito sa kanyang hita kaya ganoon na lang ang kanyang nadarama. Humakbang si Sean palabas ng silid kaya napatawag si Collen dito upang magpasalamat dito. Magpapaliwanag na rin ukol sa coffee na inaakala nito na pumapapel lang siya para tanggapin siya nito. "Sir.. Ahm.. Salamat sir, ahm.. Siya ngapala hindi ko po iyan binigay sa inyo para i-hired ako.  Ahmm.. Wala pong kinalaman iyon doon. Gusto ko lang po talaga kayong bigyan ng coffee." Halos magkabuhol buhol si Collen sa pag sasalita, mabuti na lang at naitawid niya ng maayos ng hindi mautal. Tumango lang si Sean at nag thumb up sa kanya. Saka muling tumalikod. "Sir.. " Tawag ulit ni Collen dito. Kaya muling napa lingon ito sa kanya. "Smile," saad ni Collen dito. Suminyas pa ito gamit ang kamay upang ngumiti. Ngumiti naman ito sa kanya saka lumabas ng silid. Napakapit si Collen sa kanyang dibdib habang nakangiti. "Hays.. Self grabi ka. Iyong puso mo parang sasabog ang bilis ng pintig," bulong ni Collen sa kanyang isipan. "Hoy! Anong nangyayari sa iyo? At saka ang pula pula ng pisngi mo. May sakit kaba?" Hinipo naman ni Marvin ang kanyang noo. "Wala ok lang ako, pero ang puso ko parang abnormal." Kinuha ni Collen ang palad ni Marvin at tinapat sa kanyang dibdib. Nagulat naman si Marvin at agad binawi ang kanyang kamay. "Yukks.. Ikaw talaga, gusto mo pang ipadama sa akin iyang dibdib mo." Ngumiwi pa si Marvin sa kanya. "Ito naman. Gusto ko lang iparamdam ang bilis ng pintig ng puso ko. Ngayon ko lang kasi naramdaman ito. Hayss grabi para akong mabibingi," saad ni Collen. "Eh, sino naman ang napapabilis ng pintig ng puso mo?" tanong ni Marvin dito. "Si Sean, I mean si sir Sean." Kumapit si Collen sa kanyang puso habang nakangiti sa kausap. "Itsusera. Lakas ng tama mo sa pinsan ko ha. Hay naku, sabagay hindi na bago iyan sa akin." Inirapan siya nito. "Normal lang ba iyon? Yong tipong  kahit malapit lang siya sa iyo ang puso mo bumibilis ng t***k. Tapos ayon kanina, pumunta siya rito nagkadikit pa ang aming balat dahil may ilang bagay siyang tinuro sa akin. Alyssa!" Tumili si Collen ng piit. Mabuti na lang at dalawa pa lang sila sa silid na iyon. "Hoy! Ang harot mo, ang harot harot mo Collen." Kunurot naman siya ni Marvin sa tagiliran. "Aray ko. Masakit ha." Inda ni Collen. Pero nanatili siyang nakangiti sa kausap. Napatigil na lang sila sa kanilang pag kukwentuhan dahil may mga empleyadong nag sipasok na sa silid na iyon. Kaya nag kanya kanya na silang ng pwesto at inumpisahan ang kanya kanyang trabaho. Napapangiti si Collen habang nag pipinta. Inaalala kasi niya ang pangyayari sa pagitan nila ni Sean. Iyon kasi ang kauna unahang pagkakataon na tumibok ang kanyang puso na parang may naghahabulan sa tindi ng pagkakatibok nito. May ilang hinangaan si Collen noong siya ay nag aaral pero hindi niya naramdaman ang pakiramdam ng ganoon katulad ng kay Sean. *** "Palinga linga ka diyan? Sinong hinahanap mo si Sean?" tanong ni Marvin kay Collen. "Hinaan mo nga boses mo may makarinig sa iyo." Hinampas ng bahagya ni Collen sa balikat si Marvin. Totoong hinahanap ni Collen si Sean dahil nga break time alam niyang makikita niya itong kakain sa cafeteria ng building. "May makarinig talaga? Hellow, kalat na kalat na kaya sa buong building ang ginawa mo kaninang umaga, dahil may nakakita sa iyo. Infairnes  u love it." Siniko siya ni Marvin. "Anong ginawa ko?" nagtatakang tanong ni Collen. "Hala! Hindi mo alam? Ate girl, ikaw lang naman ang kauna unahang babae ang nagbigay ng black coffee sa boss natin. Ang lakas ng loob mo ha. Naka first move ka  doon." Muli siyang siniko ni Marvin. "Ah talaga. Ewan ko rin, hindi ko rin alam saan ako kumuha ng lakas ng loob para bigyan siya ng coffee kaninang umaga. Alam mo bang inisip lang niya na ginawa ko iyon para tanggapin akong maging artist niya. Hayss kung alam lang niya na ginawa ko iyon para mapalapit sa kanya," saad ni Collen. "Ay bongga. Haha support kita diyan may friend. Hala sige, bibigyan pa kita ng tips para lalong mapalapit kapa sa pinsan ko." Inayos ayos pa ni Marvin ang buhok ni Collen. At pagkatapos noon ay nagtawanan ang dalawang magkaibigan. Hindi nakita ni Collen si Sean ng  tanghaling iyon, sapagkat may biglaang meeting daw ito sa Cebu.  Kaya mawawala ito ng ilang araw. "Sayang ngayon kapa napunta sa Cebu. Pero ok lang, dahil sa pagbabalik mo ipagluluto kita ng suman." Napapangiti pa si Collen habang kinakausap ang sarili. Sinabi kasi ni Marvin na ito ang paborito ni Sean ang sumang malagkit pang meryenda. Napaka simpleng tao lang ni Sean tungkol sa mga gustong pagkain nito kaya hindi mahihirapan si Collen na gawin iyon. "Hoy Collen! Nababaliw kana ba? Kanina pa kita tinatawag, hindi mo man lang ako napapansin. Pangiti ngiti ka lang diyan," singhal sa kanya ni Zandro sa kanya. "Sorry Kuya hindi kita napansin at narinig. May naalala lang ako." Napa iktad si Collen sa kanyang pag kakaupo, dahil hindi manlang niya napansin ang kapatid. "Sabi ko, lumabas kana diyan at kakain na tayo," saad nito. Saka umalis. Doon pinatuloy ni Zandro si Collen sa kanyang condo unit. Dahil nalaman nitong nahihirapan itong mag cumute papunta sa trabaho. Pabor naman iyon kay Collen dahil malapit ang condo ng kuya niya sa kanyang trabaho. Malimit din naman na wala ang kanyang kuya sa condo nito kaya madalas mag isa lang siya dito lalo na kung sumakay na ito ng barko ay buwan ang bibilangin bago niya makasama muli ito. Malaki ang condo ng kapatid niya may dalawa itong kwarto kaya pabor na pabor sa kanya na dito siya tumutuloy sa kapatid. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD