Namili si Collen ng mga ilang kagamitan sa pagluluto ng suman at ang ilang mga sangkap nito, mabuti na lang at linggo linggo siyang binibigyan ng allowance ng kuya niya kaya kahit papano nagka pera siya pang gastos.
"La.. La.. La.. " Masiglang masigla at punong puno ng energy si Collen habang nagluluto ng suman. May pag sayaw pa ito at pag awit na may malaking ngiti sa labi.
"Mama ikaw ba iyan?" tanong ni Zandro sa kanya. Nakasandal ito sa reff, habang pinagmamasdan si Collen.
"Ay kalabaw! Kuya naman eh, ginugulat mo ako. Muntik na tuloy matapon ang ginagawa ko." Napa iktad si Collen sa gulat ng magsalita ang kanyang kuya sa kanyang likuran.
"Arte nito. Ano ba kasing nakain mo at nagluluto ka niyan? Luto naba penge." Lumapit si Zandro sa kanya at tinitingnan ang kanyang ginagawa.
"Wala pa Kuya, tumabi ka nga diyan." Tinapik pa ng bahagya ni Collen ang kamay ng kanyang kapatid.
"Aray ko. Ito,'wag ka ngang madamot. Si mamang si mama ka talaga." Ginulo ni Zandro ang buhok ni Collen.
"Ang buhok ko ano ba!" Tinulak ng bahagya ni Collen ang kapatid.
"Hoy, aalis lang ako saglit ha. Tirhan mo ako niyang niluluto mo, at sana naman kasing sarap iyan ng luto ni mama." Pinitik nito ng bahagya ang kanyang ilong.
Suplado man kung titingnan at strikto pero, ramdam na ramdam ni Collen ang pagmamahal nito bilang kapatid kahit madalas siya nitong e-bully.
"Opo tatay." Inirapan niya ito ng bahagya.
"Tatay ka diyan. Eh, kahit kuya mo nga ako mas matanda ka sa akin tingnan eh. Feeling nito. Basta tirhan mo ako, pag hindi lang yari ka sa akin." Ngumisi ito sa kanya.
Totoo nga naman na kung titingnan eh halos mag ka edad silang dalawa. Napapakamalan pa nga siyang ate kung tutuusin kahit limang taon ang agwat ng edad nito sa kanya. Matangkad at mistiso ang kanyang kuya, may angking charming din itong taglay na namana nito sa kanyang ama. Samantalang siya ay maliit at morena pa ang kulay, simpleng babae sa madaling salita.
"Hoy! Tirhan mo ako ha," muling saad nito, bago lumabas ng unit.
Tumango tango na lang si Collen dito.
Kapwa nila paborito ang suman lalo na ang niluluto ng kanilang ina. Mabuti na lang at nakuha niya kung paano ang timpla ng pagluluto ng kanyang ina, at pinagsasalamat niya iyon.
Kaya noong nalaman niyang paborito rin ni Sean ang suman ganoon na lang ang kanyang tuwa kaya agad agad siyang nagluto upang dalhan ito.
**********
Kinabukasan maagap nagising si Collen ipang e-prepared niya ng maayos ang dadalhin niyang suman para kay Sean. Alam niyang magugustuhan niya iyon. Matapos niyang mag prepared ay iniwan niya saglit ito sa mesa at ang sarili naman ang inayos.
"Kuya!!! Huwag iyan." Tumakbo palabas ng kanyang kwarto si Collen at inagaw sa kapatid ang isang topperwear na suman.
"Kasi naman eh, bakit mo pinakailaman ito. Hindi naman ito para sa iyo eh." Nakabusangot ang mukha ni Collen habang muling inaayos ang pagkakalagay ng suman sa topperwear.
"Hala! Napaka damot. Dalawa pa lang nakakain ko eh, para kanino ba iyan? Akala ko sa akin eh." Napakunot ang noo ng kapatid.
Kumuha si Collen ng ilang piraso sa cabinet sa kanilang kusina mabuti na lang at marami pang natira kaya napalitan agad niya ang sumang nakain ng kanyang kuya. Inabutan din niya ito ng natirang suman.
"Ito ang sa iyo, hindi ito. Kuya naman eh! Sinira mo pa ang ayos nito." Muling inayos ni Collen ang topperwear na dadalhin niya.
"Kanino ba kasi 'yan at todo effort ka diyan?" tanong nito habang patuloy na kumakain ng suman.
"Kay Sean," mabilis na tugon ni Collen nakangiti pa ito.
"Sinong Sean!" singhal ng kanyang kapatid.
Nalimutan ni Collen na kuya nga pala niya ang kanyang kausap.
"Ahmm.. Si sir Sean, iyong amo ko. Ito naman. Syempre minsan kailangan natin sumipsip para tanggapin tayo ng tuluyan sa trabaho." Ngumisi si Collen sa kapatid.
"Ah.. Akala ko boyfriend mo na eh, aba Collen, ayusin mo buhay mo ha. Huwag ka muna mag bo-boyfriend hangga't wala kapang stable na trabaho. Isipin mong mabuti sila mama. Maawa ka sa kanila, hindi naman habang buhay naririto ako sa tabi ninyo. Kaya hangga't maari huwag ka munang makipag relasyon," seryuso ang pag kakasaad nito.
"Opo tatay, naiintindihan ko po. At saka paano ako magkaka boyfriend eh, wala namang nangliligaw sa akin. Kaya 'wag kang mag alala itay," tugon niya dito. Tinapik tapik pa ni Collen ang balikat ng kapatid.
"Itay ka diyan. Seryusuhin mo sinasabi ko sa iyo at lagi mo sanang tatandaan. Pumasok kana nga sa trabaho mo." Taboy nito sa kanya.
Ngumisi si Collen sa kanyang kuya at pinisil pisil pa nito ang pisngi ng kapatid bago lumabas ng unit. Ganoon siya maglambing sa kanyang kapatid lalo na kung seryuso ito.
**********
"Ayan.. Ok na, may black coffee kana may suman kapa," bulong ni Collen sa kanyang sarili habang inaayos nito ang suman at black coffee na inilagay sa table ni Sean. Tulad noong nakaraan ay nilagyan rin niya ito ng notes.
"What are you doing?" tanong ni Sean sa kanyang likuran.
Muntik nang matapon ang black coffee na nilagay niya dahil sa gulat. Mabuti na lang may takip ito.
"Hi sir, good-good morning po." Bati ni Collen dito. Napayuko pa siya sa hiya dahil naabutan siya nito sa kanyang opisina na naglalagay ng kanyang dalang suman at coffee.
Lumapit ito sa kanya at tumitig. Isang dangkal, isang dangkal na lang ang pagitan nila ng kanilang mukha. Halos hindi makakilos si Collen sa kanya kinatatayuan dahil kitang kita niya ang buong mukha nito malapit na malapit sa kanya.
Ang mukha nito na parang walang kabakas bakas na kasalanan, napaka nakakahalina. Ang mata nito na kulay brown na parang nangungusap, dagdag nito ang pilik mata parang hindi lalaki dahil sa napakahaba na parang sa manika. Ang labi nito na pulang pula na kay sarap halikan. Iyon ang nasa isip ni Collen habang nakatitig dito, kasabay ng kanyang pusong nag huhurimintado sa tindi ng pagkakabog nito. Napapikit na lang si Collen ng lalong lumapit ang mukha nito sa kanya at may kung anong kinuha sa kanyang buhok.
"May dahon kapa ng saging sa buhok mo. Parang alam ko na kung ano iyang nilagay mo sa mesa ko," saad nito.
Doon naman napamulat si Collen. Napansin din niyang bahagyang dumistansya ito sa kanya.
"Ah.. Hehehe, opo. Ahmm.. Sir, suman po. Paborito ninyo, I mean paborito ko. Kaya ito dinalhan ko kayo." Inabot ni Collen ang isang topperwear kay Sean. Nabawasan naman ang kanyang kaba sa dibdib sa pagkakataong iyon.
Ngumiti naman ito sa kanya at agad umupo sa kanyang upuan. Kinuha rin nito ang topperwear at kumuha ng isang pirasong suman at kinain.
"Hmmp.. Masarap ah, ikaw ba gumawa nito?" tanong nito habang may pa tango tango pang nalalaman.
"Opo, ako po. Salamat po," tugon niya dito. May saya siyang nararamdaman dahil pinuri nito ang kanyang luto.
"Sabi ko naman sa iyo diba, na hindi mo naman kailangan gawin ang ganitong bagay para tanggapin kita. Ang gusto ko lang husayan mo lang ang ginagawa mo. Sapat na iyon sa akin." Ngumiti ito sa kanya.
"Sir, hindi ko naman iyan ginagawa dahil ko gusto ko na makuha mo akong official na artist mo. Dahil ang totoo gusto ko talagang mapansin mo ako, maging malapit tayo sa isa't isa," saad niya dito habang napangiti.
"Ha?" Napakunot ang kilay ni Sean dahil sa mga sinabi niya.
"I-i mean.. Ano, gusto mo akong mapansin, mapalapit. Ahm.. Gusto ko po kasi kayong maging kaibigan sir. Kasi dahil ikaw ang inspiration ko sa pag pipinta. Idol ko po kayo sir eh. Idol ko po kayo. Sige po, alis na po ako." Natatarantang lumabas si Collen ng opisina ni Sean. Hindi na nga niya ito hinintay na muling mag salita.
Sampal sampal ni Collen ang kanyang sarili habang patungo sa silid na pinag pipintahan. Noon lang niya narealize ang kanyang pinagsasabi sa binata. Hindi niya rin sukat akalain na masasabi niya rito ang mga katagang iyon.
"Hayss.. Ang tanga tanga mo Collen, anong nakain mo at sinabi mong gusto mong mapansin ka. Hayss! At sinabi mo pang gusto mong mapalapit pa kayo sa isa't isa," bulong ni Collen sa sarili habang pabagsak siyang napaupo sa kanyang upuan.
*Lunchbreak*
"Ang tahimik mo girl, bakit?" tanong ni Marvin sa kanya.
"Ha wala. May naalala lang ako," tugon niya dito. Hindi kasi mawalawala sa isip niya ang nagawa at nasabi niya kanina. Kaya ayon nilalamon siya ng hiya.
"Hi Miss. Basque, thank you again. Naubos ko na, ahmm.. Pwede bang mag request? Pwede bang gawan mo ulit ako ng suman. Don't worry, bibilhin ko sa iyo, ahmm.. Medyo damihan mo ha. Bibigyan ko rin kasi si Mommy," saad ni Sean. At inabot nito sa kanya ang baunan.
Hindi namalayan ni Collen ang pagdating nito kaya noong nagsalita ito sa harap niya saktong nakasubo siya ng isang kutsarang kanin at ulam. Kaya ang naging tugon ni Collen ay tango tango na lang habang may nakasubong kutsara.
"Sige, thank you again." Paalam nito at saka umalis.
"Hoy girl, haha anong nangyari? Matapos ang black coffee kahapon? May pa suman ka naman ngayon? Aba. Kaya pala tinatanong mo sa akin anong paboritong desert ni Sean, iba ka girl." Siniko siko siya ni Marvin.
Ngunit hindi naman iyon pinansin ni Collen, dahil iniisip niya na lalo niyang pagbubutihin ang pagluluto ng suman dahil nagustuhan iyon ni Sean. Naka ngiti na lang ito habang pinagmamasdan ang papalayong si Sean.