"Collen.." Sabay na tawag ni Sean at Ian at may kanya kanya itong bitbit na pagkain. "Fruitsalad masarap ito," saad ni Sean at inaabot nito ang dalang pag kain. "Pizza.. Masarap ito may pepperoni, may Hawaiian. Alin dito gusto mo?" saad naman ni Ian. Hindi tuloy alam ni Collen kung anong gagawin niya at kukunin niyang pagkain galing sa dalawang lalaki sa harap niya. "Ahmm.. Sorry, busog pa kase ako. Pero, akina yang mga dala n'yo kakainin ko na lang mamaya 'yan parehas." Kinuha ni Collen ang bitbit ng dalawa at ngumiti sa mga ito saka umalis. Hindi tuloy magka undagaga si Collen sa kanyang bitbit, mabuti na lang lumapit sa kanya si Marvin, at tinulungan siya nito mag bitbit. "Ganda ka girl haha. Haba ng hair kalbuhin kaya kita," saad ni Marvin. "Ewan ko sa iyo. Hindi ko nga

