"Iba pa rin talaga ang gawang suman mo no? Pwede mo bang ipagluto mo ulit ako?" saad ni Sean. "Pero mas masarap magluto si mama diba kuya?" saad naman ng kapatid ni Collen. "Si ate mo bunso, kaya ipagluluto tayo niyan." Ngumisi si Sean at kumindat pa ito kay Collen. "Ahm.. Hindi muna siguro marami pa akong gagawin eh. Hoy mga bulilits ubusin ninyo mga dalang pagkain ni kuya Ian n'yo ha maiwan ko muna kayo rito. Sean, ikaw muna ang bahala sa kanila may gagawin lang ako," paalam ni Collen. Tumango na lang si Sean kay Collen at tumango tango na halata ni Sean na iniwasan siya nito. "Hays.. Ano ba kasing trip ng Sean na iyon? Akala niya madadala ako sa pagkindat kindat niya. Bakit kasi andito siya? Paano kung nalaman ng mommy niya na kinakausap na naman niya ako? Kung ano na naman i

