Napakunot ang noo ni Sean sa pagpasok niya ng kanyang opisina na meron na naman siyang breakfast meal sa mesa. *Have a great day sir, enjoy your breakfast. Simulan ang araw na ito na may ngiti sa labi.* -Collen- "Ano bang trip mo Collen? Ano na namang pakulo ito?" napatanong na lang si Sean sa kanyang isip. Pero mayroon inis na nararamdaman si Sean sa pagkakataong iyon dahil sa dalawang beses niyang nakita si Collen na may kasamang lalaki. Pero sa kabilang banda may tuwa siyang nadarama dahil patuloy itong nag e-ffort na bigyan at ipaghanda siya ng pag kain. ******* "Sir good afternoon. Pinatawag n'yo raw po ako," bati kay Sean ng lalaki. "Pwede mo bang alamin at kilalanin ang lalaking ito para sa akin. Ahmm.. Wala sana nitong makakaalam ha? Kundi tayo lang dalawa." Inabot ni Se

