"Hoy, tulala ka. Bakit?" tanong ni Marvin habang kumakain sila sa cafeteria. "Wala, alam mo kung kailan first day ko dito sa trabaho natin, saka naman nawawala ako sa sarili." Napabuntong-hininga si Collen. "Mukha nga, parang kahapon lang ang ganda ganda ng ngiti mo abot hanggang tenga. Ngayon naman parang hindi maipinta." Tumaas ang kilay ni Marvin sa kanya. Hindi naman tumugon si Collen sa halip kumain na lang ng kumain ito. ****** "Hayss paano ba ito?" Napapakunot na lang ang noo ni Collen habang tinitingnan ang kanyang gawa. "Miss. Basque, pwede ba kitang maabala?" Seryuso ang mukha ni Sean, ng pumasok ito sa silid nila. "Oo naman po sir, bakit po? Ano pong maipag lilingkod ko sa inyo?" Agad tumayo si Collen at hinarap ang amo. "Kailangan kasi kitang isama sa isang stor

