Lumipas ang isang linggo buhat ng nag bakasyon siya sa probinsya ay agad din siyang pinatawag ng company upang mag sign ng contract. Masayang masaya si Collen hindi lang sa signing contract kundi dahil alam niyang makakasama at makikita niya muli si Sean. Matapos ang signing contract ay pinuntahan agad ni Collen si Sean sa opisina nito. Malas nga lang dahil may meeting daw ito. Pero, hindi siya nag aksaya ng oras dahil hinintay niya itong bumalik ng opisina. Sa haba ng kanyang paghihintay ay nakatulog na ito sa sofa habang naka upo. ************ "Collen.. Collen, wake up." Tapik tapik ni Sean ang balikat ng dalaga ngunit wala pa rin itong epekto. Pinagmasdan ng husto ni Sean ang mukha ni Collen at bahagyang hinaplos ito. "I miss you," bulong ni Sean, habang nakangiti dito. Doon

