C-3: Busy Yarn?

1566 Words
Maagang nagising si Harmie may iinuming gamot si Luther sa eksaktong alas sais. Naibigay na ni Yaya Gina ang talaan sa kanyang mga pang-araw-araw na routine kay Luther. Idinikit na niya iyon sa dingding para hindi niya makallimutan at para lagi niyang nakikita. Pagkarating ni Harmie sa harap ng pinto ng kwarto ni Luther ay humugot muna ito nang malalim na hininga bago kumatok. Naka-apat yatang katok si Harmie bago ito binuksan ng pupungas-pungas na si Luther. "What do you need? Why are you so early today?" Parang ngongo lang na sabi ng binata. Ngumiti naman si Harmie. "May gamot kang iinumin Senyorito kaya maaga ako ayaw mo ba? Siyanga pala Senyorito magandang umaga!" Tuluyan nang napadilat si Luther at nagising bigla ang diwa nito. Aminado siyang mahina pa talaga ang kanyang katawan kaya halos panay tulog siya gawa yata ng nga gamot na iniinom niya. "Come in," mahinang yaya niya kay Harmie at niluwangan niya nang awang ang pinto. Sumunod naman si Harmie sa pagpasok at muling isinara ng binata ang pinto ng kanyang kwarto. "Wait me here I need to wash," paalam ni Luther sa dalaga at mabilis itong nagtungo sa banyo. Napagmasdan naman ni Harmie ang kabuuan ng silid ni Luther. Ma mabango iyon at mas maayos kaysa sa kwarto ng dalawang kapatid nito. Iyon nga lang at mas madilim kasi purpo dim light ang mga ilaw ni hindi man lang binuksan ni Luther ang main light ng kwarto nito. "Where's my medicine?" Biglang nagsalita si Luther kaya nagulat ang dalaga sa pagmamasid nito sa kabuuan ng kwarto ng binata. "Ay pepeng kiwal!" Bulalas tuloy ng dalaga pero agad din niyang tinututop ang sariling bibig nang mapagtanto nito ang kanyang malaswang nabigkas. "Sorry Senyorito makasalanan ang bibig ko kapag nagugulat," Bumuntonghininga naman si Luther pero deep inside ay natatawa siya kay Harmie. "Ang gamot ko," wika na lamang nito sabay lahad ng kanyang kamay. Mabilis namang ibinigay ni Harmie at dalawang klaseng gamot ni Luther kasabay ang isang basong tubig na maligamgam. "Bakit medyo mainit ito?" naka-kunot noong tanong ni Luther sa tubig na iinumin niya. "Hindi mo ba alam Senyorito na ang pinaka- the best way sa pag-inom ng gamot ay sa maligamgam na tubig dapat?" sagot ng dalaga. Napaawang ang labi ni Luther, narinig na niya iyon pero hindi naman lahat yata ng tao ay sinusunod iyon. How come na sa isang special lady ay alam na alam nito ang pag-inom ng maligamgam kasabay ng gamot. "Hindi sinabi ng Doktor mo? Naku expired siguro ang lisensya no'n maka-kwarta lang!" Dagdag pang sabi ng dalaga. Napatikhim na lamang si Luther at dire-diretso na niyang ininom ang maligamgam na tubig. Medyo napangiwi pa siya dahil hindi ito sanay uminom ng maligamgam na tubig lalo na sa umaga para siyang masusuka. "Nasusuka ka Senyorito? Are itong ginawa kong palaman de leche nguyain mo," mabilis na turan ni Harmie. Umarko naman ang mga kilay ni Luther at tiningnan nito ang nakabalot sa yema rapper na hawak ni Harmie. "Anong tawag mo diyan?" tanong nito . Bumingisngis naman si Harmie. "Palaman de leche Senyorito. Ako ang nagluto niyan, ang ingredients dalawang can ng condensada, apat na takal ng puting asukal, isang tasang tubig at margarin mga 1/4 lang naman para hindi masyadong mamantika." Paliwanag ng dalaga. Napanganga na lamang si Luther napaisip ito kung special lady nga ba ang kaharap niya o isang genius na chef? "Senyorito bakit puro dim light ang nakabukas sa kwarto mo?" Untag ni Harmie sa natulala ng si Luther. Napakurap-kurap naman si Luther sabay tikhim. "I hate bright lights hindi ako makakatulog," simpleng tugon nito. Tumango -tango naman si Harmie at tuluyan na nitong ibinigay kay Luther ang hawak nitong panghimagas. "Mamaya ulit Senyorito puwede ka na ulit matulog!" Nakangiting sabi ni Harmie at tuluyan na itong lumabas bitbit ang tray na dala-dala nito. Napagmasdan naman ni Luther ang panghimagas na ibinigay ni Harmie sa kanya. Na-curios siya sa lasa nito kaya tinikman niya ito natawa pa nga ang binata dahil kalasa pala nito ang caramel na nilalagay sa ibabaw ng halo-halo sa probinsiya. Naalala pa niya iyon sarap na sarap siya sa caramel na inilalagay sa ibabaw ng halo-halo kaya nga lang mas chewy ang gawa ni Harmie pero masarap infairness. "Tapos na bang uminom ng gamot si Senyorito?" tanong ni Mona nang makasalubong niya si Harmie sa may sala. "Tapos na Inay, mag-aalmusal na lamang ako at lilinisin ko ang kanyang kwarto saka veranda mamaya." Sagot naman ni Harmie. "O, siya kapag hindi pa siyang magising ulit mamaya tumulong ka na lang muna sa ibang gawain." Bilin ni Mona. "Ipagluluto ko siya ng almusal niya Inay ano ka ba?" "Ganoon ba? Akala ko mamaya pa siya kakain," sabi naman ni Mona. "May ibinigay sa akin na schedule bilang personal maid niya Inay. Kung nasaan siya dapat naroon ako at siya lang ang aasikasuhin ko." Paliwanag ng dalaga. Tumango -tango naman si Mona. "Hindi ko kasi alam anak hala pagbutihin mo para sa agarang paggaling niya." Ngumiti naman si Harmie at iniwan na nito ang kanyang Ina. Dumiretso na siya sa may dirty kitchen nadatnan niyang kumakain na ang iba. "Kain na ganda," sabi ni Yaya Digna nang makita nito si Harmie. "Sige po salamat!" Kiming tugon nito at naghugas na ng kanyang kamay saka humarap sa hapag-kainan. "Ako na ang maglagay ng pagkain mo sa iyong plato," maagap na sabi ni Harry kababata ni Harmie kaedad din nito anak ng family driver ng mga Verdadero. "Hmmm...mukhang iba na 'yan ah!" Kantiyaw ng mga kasama nila. Namula naman ang mukha ni Harry at hindi makatingin ng diretso kay Harmie. "Ako na may kamay naman ako salamat." Giit naman ni Harmie na hindi apektado sa kantiyaw ng iba. "Gusto lang sana kitang pagsilbihan," wika ng binata na waring nahihiya. Napahagikhik naman si Harmie. "Binata ka na talaga alam mo ng lumandi at mag-bolero!" Mas lalong namula sa hiya si Harrry lalo na nang nagkatawanan ang iba nilang kasama. Napakamot na lamang si Harry sa sarili nitong ulo at ipinagpatuloy na nito ang kanyang pagkain. Naiiling na lamang na natatawa si Harmie ewan ba niya hindi talaga siya apektado sa panunukso ng kanilang mga kasama about Harry. Parang kapatid na niya kung ituring ang binata wala ng iba pa. "Harmie honey!" Tawag ni Lance sa dalaga nang makita nitong pumipitas ng mga bulaklak ng rosas sa may hardin. Nanulis naman ang nguso ni Harmie na lumingon kay Lance. "Ano na naman kaya ang trip ng bolero kong Senyorito?" Yamot na sagot ng dalaga. Natawa naman si Lance at maa lumapit pa sa kinaroroonan ni Harmie. Malaya niya itong pinagmamasdan mula ulo hanggang paa saka nito pinisil ang makinis na pisngi ng dalaga. "Buo talaga ang araw ko kapag nakikita kita lalo na sa umaga. Papasok na ako honey ihatid mo naman ako sa may sasakyan ko," masiglang turan ni Lance. "Ano? Kita mong may ginagawa ako Senyorito," angal naman ng dalaga. "Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong naman ni Lance. "Namimitas ako ng mga preskong bulaklak ng mga rosas!" "Para ba sa akin?" "Para sa kwarto ni Senyorito Luther kailangan niya ito habang nagpapagaling." Pairap na wika ni Harmie. Nawala naman ang ngiti sa labi ni Lance at sumimangot ito kunwari. "Hindi mo na ako pala lalab niyan may iba ka na," kunwari ay nagtatampo ang binata. Nahampas naman ni Harmie ang braso ni Lance kaya napangiwi ito. "Lumakad ka na nga Senyorito ang dami mo na namang pakulo!" Sermon ni Harmie. Muling natawa si Lance pagkatapos ay hinablot nito ang isang bulaklak ng rosas na hawak ni Harmie. "Akin na ito bye my honey pie!" Ani nito at mabilis na niyang iniwan ang dalaga. Hindi na nakapalag pa si Harmie at ni hindi na nito nahabol pa ang sutil niyang Senyorito. Kung kaya't naiwan si Harmie na bubulong-bulong at inis na inis Lance. "Baby ko, halika nga rito!" Biglang narinig ni Harmie na boses ni Lander. "Argghhh!" Bulalas ng dalaga sabay tingala at hugot ng kanyang hininga. Hindi na siya matapos-tapos sa ginagawa nito ng dahil sa dalawang papansin niyang Senyorito. "Bakit busangot ang mukha ng baby ko na 'yan?" Nakangiting tanong ni Lander. "Senyorito alam kong katulong ako dito sa bahay niyo pero hindi ako robot ano?" Mataray na sagot ni Harmie. "Ha?! Teka ano bang nagawa ko wala naman ah!" Depensa ni Lander. Umingos naman si Harmie at napahalukipkip. "Una si Senyorito Lance inistorbo ako sa pamimitas ng mga bulaklak at hindi pa nakuntento ninakaw pa niya ang isa. Pagkatapos ikaw Senyorito, itutuloy ko pa lamang ang naudlot kong ginagawa tinatawag mo na naman ako." Reklamo ng dalaga. "Aba, lokong Lance iyon ah! Tinawag lang naman kita baby para timplahan ako ng aking kape. Hindi ko naman alam na may ginagawa la diyan sa hardin sorry na ako na ang magtitimpla ng aking kape." Saad naman ni Lander. "Very good Senyorito! Makuha ka sa tingin ha?" tugon ni Harmie na inirapan pa niya ang binata. "Nakuha mo na ako noon pa," wala sa sariling nasabi ni Lander. "Ano po?" Naka-kunot noong tanong ni Harmie. Tumawa naman si Lander. "Sabi ko nakuha mo na ako sa iyong tingin kaya babalik na ako sa loob para magtimpla ng kape ko." Anito at humakbang na. "Buti naman mga istorbo baka mamaya magising na ang alaga ko." Bulong naman ni Harmie at bumalik na ito sa hardin upang mamitas ulit ng mga bulaklak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD