Nagtataka si Harmie sa kilos ng lahat sa Mansion nang makabalik sila ng Mayordomang si Pilar galing sa palengke.
"Aling Pilar pansin ko parang dumating na ang panganay ng mga Verdadero." Nakalabing sabi ni Harmie habang papasok sa sila sa pinto papuntang malaking kusina.
"Mabuti naman at nakarating na din siya sa kabila ng kanyang sitwasyon." Sagot naman ni Aling Pilar.
"Bakit po ba siya naaksidente?" Muling tanong ni Harmie na curious talaga sa nangyari kay Luther.
Bumuntonghininga naman si Aling Pilar at sinenyasan nito ang mga may bitbit sa kanilang mga pinamili.
"Ang sabi may foul play kaya dito muna siya para sa kanyang kaligtasan." Mababa ang boses na sabi ni Aling Pilar at nagsimula na itong ilabas ang kanilang mga pinamili.
Tumulong naman si Harmie sa ginagawa ni Aling Pilar.
"Ang hirap naman pa lang maging mayaman marami kang kalaban." Ani ng dalaga.
"Tama ka lalo na kung marami ang naiinggit sa'yo kailangan ng ibayong pag- iingat. Sige na ang iba nating binili dalhin mo na sa storage room." Maalumanay na saad ni Aling Pilar.
Agad namang tumalima si Harmie at kinuha na nito ang ilang pinamili nila at dinala sa storage room. Inayos muna ng dalaga ang iba pang natira doon saka niya inilagay ang mga bagong bili. Nawiwili na si Harmie sa pag- aayos sa mga pinamili nila nang biglang may tumikhim sa kanyang likuran.
"Ay pepeng kiwal!" Bulalas ni Harmie dahil sa gulat.
Napakurap-kurap naman ang binata dahil sa nasabi ni Harmie at muli itong napatikhim.
"Sorry po nagulat lang pero hindi ko nais ang nasabi ko. Kayo po ba ang panganay na kapatid nina Senyorito Lander?" Agad na hinging paumanhin ni Harmie nang humarap siya kay Luther.
Napatitig naman si Luther kay Harmie ganoon din ang dalaga. Kapagkuwan ay ngumiti nang matamis si Harmie habang sinisipat pa din nito ang mukha ng binata.
"Guwapo din po pala kayo sigurado parehas din niyo sina Senyorito Lander at Lance na babaero." Walang pakundangang wika ng dalaga.
Napaubo bigla si Luther at hindi nito malaman kung ano ang magiging reaksyon niya sa sinabi ni Harmie. Natawa naman si Harmie sa reaksyon ng mukha ni Luther.
"Bakit tila nasorpresa kayo Senyorito? Iba't- ibang babae nga ang inuuwi nila dito tapos ako pa ang taga-takip nila kina Donya Hillary at Don Klint." Sabi pa ng dalaga.
Napalunok naman si Luther at napakurap-kurap dahil sa kadaldalan ng babaeng nasa kanyang harapan. Hindi nito sukat akalaing may magandang dalaga na hindi nakadarama ng ilang sa amo nito kapag nakikipag- usap.
"Luther," Si Aling Digna ang nagsalita at lumapit sa kanila.
"Yaya," bulalas ng binata nang lingunin niya ang Ginang.
Nginitian naman ni Aling Digna si Harmie na bumati dito.
"Siya si Harmie ang magiging personal Maid mo pansamantala. At siya din ang sinasabi ng iyong Mommy na scholar nila sa special school." Paliwanag ni Aling Digna.
Napaawang naman ang labi ni Luther at naalala nga nitong may sinabi ang kanyang Mommy bago siya bumiyahe papuntang probinsya. Muling binalingan ni Luther si Harmie, he didn't expected that ang binabanggit nilang special lady ay napakaganda at bibo. Ang buong akala niya ay kagaya ng mga nakikita niyang special child na karamihan.
"Magaling na siya pero tuloy pa rin ang kanyang therapy session." Dagdag pa ni Aling Digna.
"Huwag kayong mag- aalala Senyorito hindi ako galing mental kung iyon ang naiisip niyo." Sabat ni Harmie .
"No, it's not like that! I'm worried about your health baka mamaya lumala. I can assign another maid for me," sagot ni Luther sa mahaba nitong pananahimik.
"Pero, wala ng maluwag ang schedule dito sa Mansyon na kagaya ni Harmie. Saka siya lang ay pinamalakas sa amin sa pagbaba at pag- akyat niya sa mahabang hagdan ng Mansyon. Alam mo naman kami, nirarayuma na!" Paliwanag ni Aling Digna.
"Oo, Senyorito! Mabilis akong kumilos at wala pa akong rayuma kaya huwag po kayong mag- aalala!" Pagsang- ayon naman ng dalaga.
Ngumiti naman si Aling Digna.
"Masiyahin siya, madaldal at masunurin hindi sasakit ang iyong ulo. Pagpasensiyahan mo na ang pagiging prangka at diretsang pagsasabi sa kanyang nais na sabihin. Nasanay na siyang hindi siya iba kung ituring ng iyong mga kapatid lalong- lalo na sa iyong mga magulang." Saad pa ni Aling Digna.
Napatango-tango naman si Luther, naniniwala naman siya kay Yaya niya. Wala siyang magagawa kung final ng si Harmie ang magiging personal maid niya pansamantala.
"Kung ganoon, magsimula ka na bukas ibibigay ko kay Yaya 'yong mga dapat mong gawin bilang pagsisilbi sa akin." Desisyon ni Luther na kay Harmie na nakatingin ulit.
"Basic, Senyorito!" Masaya namang sagot ng dalaga at nagpaalam na ito dahil tapos na ang ginagawa nito sa may storage room.
Tumango na lamang si Luther at lihim niyang sinundan nang tingin ang papalayong dalaga na pakanta-kanta pa.
"Sabi ko sa'yo madali lang siyang kausap mawiwili ka din sa kanya kinalaunan. Kagaya ng pagkawili ng dalawa mong kapatid sa kanya kaya sila magkakasundo hindi nagbabangayan. Ang turing nila sa kanya ay para na ring kapatid," sabi naman ni Aling Digna nang silang dalawa na lamang ni Luther na alaga niya noong bata pa ito.
"Ano bang nangyari sa kanya Yaya?" Hindi naiwasang itanong ng binata.
Bumuntonghininga naman si Aling Digna at lumungkot ang mga mata nito.
"Mahabang kwento anak, siguro sa ibang araw na lang. Marami pa kasi akong gagawin, okay lang ba sa'yo?" Anito.
Si Luther naman ang bumuntonghininga saka tumango-tango at nagpaalam na ito sa kanyang Yaya. Masaya namang pinagmasdan ni Yaya Gina ang papalayong si Luther.
"Inay! Inay, may sasabihin ako sa'yo!" Excited na tawag ni Harmie sa kanyang Ina na kasalukuyang nag- aayos sa may dining room at mamaya ay dinner na ng kanilang mga amo.
"Ano bang ikinapapalahaw mo riyang bata ka at para kang nakapitan ng bulate?" Inis namang sagot ni Mona sa anak nito.
Ngunit hindi pinansin ni Harmie ang pagtataray ng Ina nito at lumapit pa din sa may dining room.
"Alam niyo ba nakita ko at nakausap ko na si Senyorito Luther. Akalain niyo iyon, guwapo na nga sina Senyorito Lander at Lance aba ay mas pogi pa pala ang Kuya nila!" Bulalas ng dalaga.
"Ano?! At iyong guwapo niya talaga ang napansin mong talipandi ka. Anong sabi niya sa'yo? Baka dumaldal ka na naman nang dumaldal at hindi na nakapagsalita ang Senyorito ha?" Naakarko ang mga kilay ni Mona na tumingin sa kanyang anak.
Nanulis naman ang nguso ni Harmie.
"Siyempre behave ako kanina Inay kahit itanong niyo pa kay Aling Digna." Katwiran naman nito.
Bigla namang lumambot ang mukha ni Mona at nginitian nito si Harmie.
"Ganoon ba? Eh, 'di mabuti para makasundo mo siya kagaya ng dalawa niyang kapatid. Hala, tulungan mo na ako dito para matawag na natin silang kumain." Maalumanay na ang boses ni Mona.
"Sige Inay," masigla namang tugon ni Harmie at tinulungan na nito ang kanyang Inay. Kagaya ng dati ay pakanta-kanta na naman ito habang nagta-trabaho.
Ganoon palagi si Harmie kapag may ginagawa ito, kumakanta o 'di kaya ay nagha- humming. Kinaugalian na ng dalaga ang ganoon niyang gawain habang nagta-trabaho. Sa pamamagitan no'n ay hindi niya namamalayang tapos na pala ang kanyang ginagawa. Kahit saan, kumakanta ito pampaalis ng kaba, bored at kung ano- ano pang nararamdaman niya.