Jema Point of View
Nandito lang ako sa apartment, cancel training namin kaya nagmumukmok lang ako.
Hay na ko, Deanna Wong . . .
Bakit ka ba ganyan?
Bakit ba napaka-cute——este hangin mo?
"Hi, madam!"
Napapitlag ako nang biglang bumukas ang pinto at may sumigaw na malaking tao.
"Cy naman!"
"HAHAHAH! Nagulat ka ba, madam?"
"Nakakainis ka, aatakihin pa ko sa'yo." I said habang naka-hawak sa aking dibdib.
"Sorry naman. Balita ko kasi cancel training mo kaya aayain sana kita."
"At saan naman?" I raised my eyebrow.
"Edi sana . ." May nilabas ito galing sa likod niya. "ILOILO!!"
Bigla naman nagningning ang mata ko sa sinabi niya. "Wow! Talaga, Cy?"
"Yes." He sat. "Impake ka na, hintayin kita rito."
Nagmadali naman akong umakyat, mabuti nalang nakaligo na ko kanina. I hurried to pack my things.
I'm excited!
Yay!
^ Fast Forward ^
Dumaan muna kami ni Cy kila ate Jia dahil magpa-paalam ako, baka kasi biglang may meeting.
"Babalik din naman ako sa linggo ng gabi, ate Jia."
"O sige, mag-iingat kayo."
"Sge, ate Jia. Thanks."
Tatalikod na sana ako nang bigla siyang magsalita. "Mukhang meant to be kayo, sa iloilo pa talaga."
Confuse akong napatingin sa kanya. "Anong pinagsasabi mo, ate Jia?"
"HAHAHAH! Basta, ingat kayo ulit."
Napailing nalang ako, minsan talaga ang weird niya. Pareho sila nung bata niya na si Deanna, weird.
"Mareng Jema, tara na?"
"Yes, Cy." I laughed.
Habang nagdadrive si Cy ay hindi ko maiwasan hindi mapatingin rito. Bakit gano'n? Gwapo at macho naman siya pero bakit wala siyang girlfriend?
May hinihintay kaya siya?
Sana ako.
Charot!
After an hour nakarating na rin kami sa airport. Hay, makakapag-bakasyon din. Saya-saya, shet!
"Uhm . . Jem, may gusto ka ba? Bibili kasi ako kasi male-late raw ang flight natin."
"Ah gano'n ba? Kahit ano lang, Cy."
"Sige, dyan ka lang, ha?"
Tumango lang ako at umalis na siya. Habang pinagmamasdan ko ang mga taong dumadaan ay may nahagip ang mata ko.
Teka . . Si Deanna ba 'yun?
Hm . . Pareho kasi ng itsura ng likod, baka pareho lang. HAHAHAH
"Hey, here's your food."
"Thanks, Cy."
^ Fast Forward ^
Kararating lang namin ni Cy dito sa resort, almost 5 hours din ang binyahe namin mula manila hanggang dito.
"Grabe, Cy. Napaka-ganda naman ng beach rito."
"Mas maganda ka diyan, madam."
I looked at him. "Uy crush niya ko." Asar ko and I poked his face.
"Feelingera ka talaga." He pinched my cheeks. "Tara na nga sa room natin, naiinitan na ko."
So ayun nga, tumungo na kami sa tutuluyan namin. Isa itong bahay na may dalawang room, tama lang ang laki nitong kwarto para sa isang tao.
Da best talaga si Cy bilang kaibigan.
Inayos ko na ang aking gamit, napatigil ako dahil may papel na pumukaw sa'kin. Number ni Deanna, kumusta na kaya siya?
Ay belat!
Kanina pala kasama ko siya. HAHAHAHA
Deanna Point of View
I'm here na sa iloilo. Mabuti nga at medyo maaga kami nakarating dito ni Ricci.
Dalawa lang kami kanina dahil bukas pa darating sila Manager tsaka Joric, pati 'yung ibang kapatid ni Cci.
"Sachi, gutom ka na ba?"
"Medyo, di pa ba tayo kakain?"
"Siguro sa hotel nalang, okay lang ba sa'yo?"
"Sure, Sahia." I said and smiled.
I checked my phone, I don't see anything.
Hm . . Wala ba siyang balak i-text or tawagan ako?
Tang*na naman!
Para naman walang nangyari samin.
Kainis siya!
"Deans, are you okay?"
"Ha? Yeah, why?"
"Nothing. Napansin ko kasing kumunot 'yung noo mo."
I laughed. "Ikaw naman, parang di ka naman sanay na lagi akong naka-simangot."
He laughed too. "Oo nga pala. Hay na ko, Deans . ." He held my hand. "Namiss kita makasama."
I smiled widely. "Namiss din kita, Cci. Ikaw kasi e, lagi kang busy sa mga babae mo."
"Woi di kaya ako gano'n, napaka-bait ko 'no. Sabi ni mommy masamang maraming babae."
"Yawa ka!" I laughed.
After a few minutes nakarating na rin kami sa hotel na tutuluyan namin. Hindi muna kami umakyat sapagkat gutom na gutom na 'raw si Ricci so kumain muna kami.
Pota!
Para kaming mag-jowa, sana true nalang na mag-jowa kami.
Charot
^ Fast Forward ^
Nagising ako nang tapikin ni Ricci ang mukha ko. "Nu ba yan, Cci. Bakit 'yung mukha ko?"
"HAHAHAH sorry, Deans. By the way tumayo ka na diyan, Deans. Susunduin pa natin sila Manager sa airport."
"Kailangan ba kasama pa ko?"
"Oo naman. Didiretso na kasi tayo sa event pagka-sundo sa kanila."
Nagtakip ako ng unan sa mukha. "Give me five minutes."
"Okay. Ligo na ko, ha? Pagtapos ko ikaw naman maligo." He said.
Narinig ko nalang ang pag-sara ng pinto sa cr. Hay na ko, Ricci. Napaka-ano talaga.
Magulo na nga matulog, ang aga pa mang-gising. Tabi kasi kami natulog tas ang gulo niya kaya bandang madaling araw ay lumipat ako sa sofa kahit maliit yung sofa, pinagkasya ko nalang sarili ko.
Ponggay Point of View
Nandito ako sa UP because of Kobe. Nagpasyal-pasyal muna ako habang inaantay si Kobe, hindi pa kasi tapos ang training niya.
Hindi ko alam kung bakit ako nandito, parang ewan. Nagsasayang lang ako ng oras.
"Pauline?"
I looked at my back. "Oh Hi, Mads."
"What are you doing here?"
"I'm waiting for Kobe. How about you?"
"I'm also waiting." She said.
"Wow, kanino naman?"
"Friend."
"Sus, friend ba talaga?"
She hit my head. "Napaka-malisosya mo talaga, Pauline."
"Joke lang, sige una na ko, ha?"
"Sure, goodluck kay Kobe. HAHAHAHA"
"Baliw, sge na." I tapped her shoulder bago ako umalis.
Tumungo ako sa oval para 'roon nalang hintayin si Kobe. Ang tagal niya, dapat talaga tumanggi nalang ako sa kanya e.
Hay . . Buhay
Deanna Point of View
Nandito kami sa lugar kung saan ginaganap ang event, karamihan na narito ay mga bigatin na tao.
Mga mayayaman sila ngunit nakiki-halubilo rin sila sa mga mahihirap.
Sila ay masayang nakikipaglaro ng basketball kay Ricci habang ako ay nakaupo lang. Mamaya pa kasi darating ang mga makakalaro ko.
"Hi, ms. Deanna. Ang ganda niyo po talaga."
I laughed. "Maraming salamat po, lola. Isa po ba kayong kagawad dito?"
"Ay oo, matagal na kong kagawad dito sa lugar na'to. Almost three years na rin ata." She held my hand. "Hija, mukhang napadpad ang isa sa mga kaibigan mo rito."
"Ha? Sino po?"
"Hindi ko alam ang pangalan niya ngunit sigurado akong kaibigan mo siya, hija."
Nagtaka ako. "Asan po?" I stood.
"Naku hija, pasensiya na. Umalis na hindi ko alam kung saan dumaan."
"Okay lang po." Naupo na ko muli.
Hm . . Sino kaya 'yung sinasabi sa'kin ni Lola?
Kaibigan?
Pagkakaalam ko wala naman akong kaibigan na nandito ngayon bukod kay Ricci.
Dibale . . Kumusta na kaya si Jema?
Magkasama kami kahapon ngunit saglit lang iyon.
Nami-miss ko na siya agad.
"Deans, let's play basketball."
"No thanks, ayoko mapagod."
"C'mon, Deans! Minsan lang 'to, let's play na." He pulled me kaya wala na akong nagawa.
Hay na ko.
Para kaming mag-jowa.
Pakshet!
Jema Point of View
"Jem, bakit nandito tayo? Ayaw mo ba maligo sa dagat?"
"Ih gusto ko maglibot."
"Hm . . Kanina parang may event akong nakita, puntahan natin ah?"
"Sure, Cy. Sa ngayon libot-libot muna tayo rito." I said habang hawak ang kamay niya.
Bumili kami ng mga bagay na nakikita namin, lalo na mga key chain. Mahilig kasi ako sa key chain e lalo na si Maria Fe.
"Jem, puntahan na natin yung event baka nagsisimula na."
"Hay na ko, mr. Malonjao. Sige na nga, malayo ba?"
"Hindi, sobrang lapit lang. Tara!" Nag pahatak na lamang ako sa kanya. "Uhm . . Ano pong meron?"
"Ah hijo, may mga players na galing manila ang bumisita rito." Manong looked at me. "Oh hija, isa ka rin na volleyball player, 'di ba?"
"Yes naman, sikat." Cy said so I pinched his hand.
"Ah opo. Ako po si Jema Galanza."
"O sige pumasok na kayo sa loob, may larong nagaganap. Maaari kayo manood." Sabi nito at umalis na.
Papasok na sana kami nang bigla akong nakaramdam ng uhaw. "Ah . . Cy? Mauna kana sa loob, bibili lang ako ng softdrink."
"Oh sige, bilisan mo ha?"
I nodded.
Tumungo ako sa pinaka-malapit na store para bumili ng maiinom.
Uy balita andyan daw ang heartthrob ng manila na basketball player
Oo nga, may kasama pa mga raw na babae
Baka girlfriend, tara!
Hm . . Sino kaya na basketball player 'yun?
"Salamat po." Pagtapos i-abot sa'kin ang sukli ay tumungo na ko sa court.
Pagpasok ko ay bumungad agad sa'kin ang maraming tao. Grabe, mukhang big event 'to.
Deanna Point of View
"Ang saya mo, Rivero."
"HAHAHAHAH mahina ka lang, Deans. Sabi sa'yo kakain ka ng marami eh, hindi kaba pinapakain ni Jema?"
"G*go, hindi pa nga kami eh."
"Kung di makuha sa santong dasalan, e di kunin sa santong paspasan."
"Sorry but i'm not like you, mr. Rivero."
"Jusko yan kana naman sa english mo. Mag-tigil ka nga."
I laughed. "Bahala ka dyan." I threw the ball. "Pahinga na ko."
Tinalikuran ko na ito at nagsimula na maglakad pabalik sa kinauupuan ko kanina.
Malapit na ko makabalik nang may mahagilap ang aking mata. Wait . . Is that Jema?
I approached her and nung medyo malapit na ko tsaka ko lang napagtanto na siya nga.
"Deanna / Jema?!"
"What are you doing here / What are you doing here?!"
"Wait, let me speak." I said at huminga ng malalim. "What are you doing here? I thought you're in manila."
"I'm here for short vacation, i'm with my friend. How about you?"
"I forgot to tell you na inimbitahan ako rito para mag-guest kasama si Ricci."
"Oh . . Nakita ko nga. Kayo na ba?" She laughed pero I know fake.
"Sino ang kasama mo?"
"Jem?"
Napatingin ako sa lalaking biglang sumulpot sa likod ni Jema. Wait, ito 'yung guy na nakita namin nung nag-buffet kami.
"Uhm . . Deans, kailangan na namin umalis. Ingat ka and enjoy your trip."
Hindi na niya ko hinayaan magsalita pa, tumalikod na siya at hinatak 'yung guy. Sus, kaya pala hindi nagtext sakin.
Busy pala sa iba.
"Deans, be ready. One hour nalang ang natitira mong oras para magpahinga, malapit na dumating ang mga tuturuan at kakalaruin mo."
Tumango na lamang ako sa sinabi ni Ricci at walang gana na naupo. Potek! Bigla akong nawalan ng gana sa lahat.
Jema Point of View
Aba! Kaya naman pala hindi nag-text sa'kin dahil busy kay Rivero. Ang sweet pa nila.
Jusko di sila bagay.
"Hoy Jema! Anyare sayo? Kanina pa nakakunot noo mo."
"Wala." I raised my eyebrow.
"Sus." He put his hand on my shoulder. "Bakit nga?"
"Cy, you saw her."
"Who?"
"Deanna."
"Oh . . Siya pala si Deanna, ang nagpapa-ibig sa puso ni mareng Jema."
"Tse!"
"Alam mo, Jem? Ang galing mo pumili, hindi kana katulad dati. Hindi kana engot sa pagpili. HAHAHAHAH!"
"Tangina! Ang sama mo!" I looked at him badly.
"Joke lang pero seryoso . . Ang galing mo pumili, ang cute nung Deanna."
"Type mo?" I raised my eyebrows again.
"Syempre hindi, sa'yo 'yun e." He said.
"Mabuti naman kung gano'n."
"Bakit masungit ka kung nakita natin siya kanina?"
"Dahil kasama niya si Ricci." I said.
"Eh ano naman? Nagseselos ka?"
"Ano ka ba! Si Ricci 'yung guy na nalilink sa kanya."
"Anong gusto mo gawin natin? Pa-salvage natin 'yung Ricci or kidnapin natin si Deanna?"
"G*go ka talaga!" Piningot ko ang tainga niya.
Puro talaga 'to kalokohan, sarap ipakain sa ahas.
"A . a . .ray!"
"Buti nga sa'yo 'yan." I stood up. "Maligo nalang ako sa dagat para mawala init ng ulo ko."
"HAHAHAH goodluck, madam. Mukhang di maganda yung magiging araw mo rito."
"Oo dahil sa'yo." Inirapan ko ito at pumasok na sa CR.
Kainis! Bakit kasi hindi 'man lang siya nagsabi about sa pag-imbita?
Ay teka, hindi nga pala kami.
HAHAHAHHAHA
Tangina nababaliw na ata ako . .
Sa kanya.