Deanna Point of View
Kinabukasan hapon na kami nagtungo sa condo ni ate Therese. May mga beers at foods na nakahanda sa gilid.
May mga iba't-ibang lights din na naka-kabit sa mga gilid. "Wow, parang bar."
"Issue kasi kapag sa labas pa tayo nag-bar kaya dito na lang." Ate Maddie said so I nodded.
Nagsimula na mag-inuman. Umupo ako sa gilid at tahimik na umiinom habang nagche-check sa twitter.
"Bat ang tahimik mo, babe?"
Napatingin ako rito at ngumiti sabay sandal sa kanya. "Wala lang."
"Wag na malungkot, move on na." Tinitigan ko ito nang mga ilang segundo. "Why, babe?"
"Nothing. I just wanted to thank you for always making me happy."
May sasabihin sana ito kaso biglang tumunog ang phone ko. "Sagutin muna."
Nagpaalam muna ako rito bago tumungo sa balcony. Maingay kasi sa loob. "Hello?"
"Uhm . . . Deans?"
Nagulat ako nang marinig ko ang boses nito. "Jema?"
"Yeah, tinawagan ko kasi si ate Jia."
"Oh bakit sa'kin ka napatawag?"
"Malapit ka raw kasi sa Makati. May nakabangga kasi sakin tapos ako pa ang sinisisi at pinagbabayad."
"Text me kung nasaan ka, pupuntahan kita." I ended the call.
Wala pang minuto ay may dumating na message galing kay Jema. Bumalik na ko muli sa loob. "Babe, alis muna ako saglit ha? May emergency kasi."
"Gusto mo samahan kita?"
"No, babalik din ako agad."
Hindi naman na ito nagpumilit sumama kaya naka-alis din ako agad pero syempre nagpaalam din ako sa iba.
Mabuti nga at hindi sila nagtanong kung saan ako pupunta, nagsasaya kasi ang mga yun.
After a few minutes nakarating na rin ako sa lugar. "Salamat, manong." Sabi ko sa driver ng taxi na sinakyan ko.
Nakita ko si Jema na nasa loob ng sasakyan niya habang may tao na kumakatok sa window niya.
I think she's scared.
"Hey!" Hinawakan ko ang kamay nung lalaking sumisigaw habang kinakatok ang pinto ng sasakyan ni Jema.
"Sino ka?"
"Harassment yan ginagawa mo. Paano ka lalabasin nung tao kung tinatakot mo?"
"Kaibigan kaba niyan?" I nodded. "Yung kaibigan mo binangga niya yung kotse ko tapos ayaw pa ko bayaran."
"Where's your car?" Tinuro naman nito.
Tiningnan ko ang kotse nito, gasgas lang naman at basag ang headlight. Napatingin naman ako sa kotse ni Jema, mas malala yung natamo ng car ni Jema.
Tsk.
Yung lalaki nga.
"Kapag hindi bumaba yan kaibigan mo, kakasuhan ko yan."
Binuksan ko ang kotse ni Jema at pinababa ito. I held her hand para hindi kabahan. "Manong, kayo naman po yung nakabangga eh."
"Anong ako?! Nakita mo mag-u-turn ako tinuloy mo pa rin!"
"Don't shouted at her, baka gusto mo ikaw pa kasuhan namin. Isa pa, stupid ka ba? Nakita mong no U-turn tapos mag-u-turn ka?"
"Aba't bastos ang bibig mong bata ka!"
I raised my eyebrow. "Hindi ako bastos, nagsasabi lang ako ng totoo, manong."
"Ah basta! Bayaran niyo yung kotse ko kung hindi tatawag na talaga ako ng pulis."
I looked at Jema. "Deans, n-nakalimutan ko kasi y-yung wallet k-ko sa bahay."
"It's okay, ako ng bahala." I looked at Manong again. "Actually dapat yung car po niya ang dapat mo bayaran dahil mas malala ang nagawa mo rito."
"Tang*na! Bayaran niyo yung sasakyan ko." Hinampas nito ang windshield.
"Sige sirain mo pa at lalong lalaki ang babayaran mo samin, manong."
Mga ilang minuto ay dumating na rin ang mga pulis. "Anong problema?" Tanong agad nito samin.
Inutusan ko naman magsalita si Jema sa pulis habang ako ay nasa gilid lang at nanonood sa paligid.
Nang matapos ay nilapitan ko na ulit si Jema. "Chief, hina-harass niya kanina ito. Dumating ako rito at pinagsisigawan niya na ang kaibigan ko. Ano bang dapat gawin diyan?"
"Sa palagay ko nagsasabi naman kayo ng totoo. Sa ngayon ipapahila namin muna ang kotse ni ms. Galanza at wala na rin kayong babayaran, siya na ang may bahala sa bayarin." Tukoy nito roon sa matanda.
Nagpasalamat naman ako dito.
Jema Point of View
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng pulis na dumating. Nakasakay kami sa taxi at patungo kami sa police station, may kailangan pa raw kasi pag-usapan.
"Deans, sobrang salamat. Naistorbo pa kita."
"Heheh wala yun. Buti naman binigay ni ate Jia yung number ko kundi baka kung ano na nangyari sayo."
"Oo nga eh, nasa Laguna kasi siya kaya ikaw yung naisipan niyang makaka-tulong sakin."
"Sa susunod mag-iingat ka. Wait, wala bang masakit sayo? Gusto mo dalhin kita sa hospital?"
"Hindi na, wala naman akong nararamdaman na pain."
Pagkarating namin sa police station ay napagusap kami nung tao. Napag-sunduan namin na papagawa niya yung kotse ko at humingi na rin ito ng tawad.
Napag-alaman din namin na naka-inom ito kaya gano'n ang ugali. Hindi na rin namin siya kakasuhan basta ipaayos niya lang yung kotse.
^ Fast Forward ^
"Oh pa'no ba yan, Jema? Kailangan ko na bumalik sa mga kaibigan ko."
"Mag-iingat ka, Deans."
Ngumiti naman ito at tatalikod na sana kaso biglang humarap ito ulit. "Here." Inabot nito sakin ang isang papel na pera. "Alam ko wala kang dalang wallet kaya ayan, tanggapin mo na."
"Wag na, nakakahiya."
She held my hand at pinatong doon ang pera. "Tanggapin mo na, mag-taxi ka or grab para hindi ka na mahirapan."
Wala naman akong nagawa kundi tumango. "Deans, babawi na lang ako sayo."
"Sige, masaya ako at nakita kita ulit, Jema. Kung babawi ka man sa'kin, text mo lang ako." She winked at me. "Bye, Jema."
Sumakay na ito sa grab na binook niya. Napangiti naman ako habang nagbu-book ng grab.
Ang cute niya talaga.
Hay Deanna Wong . . .