Jema Point of View
Katatapos lang namin mag-ensayo. Umupo ako sa gilid habang ang mga ka teammates ko ay nagkakagulo sa tv kung saan live naglalaro ang NU vs La salle.
"Jema!" Napatingin ako kay ate Jia na naglalakad papalapit sakin at nakanguso pa.
"Oh what's your problem, te Jia?"
"Si Aly kasi ayaw ako samahan sa laro nila Deanna mamaya."
"Ah kaya pala."
Always support pa naman si ate Jia sa Ateneo.
"Pwede bang ikaw nalang ang sumama sakin? Nakakatamad naman kasi umupo mag-isa dun habang nanonood." She sat in front of me. "Please?"
"Uhm . . Sge tutal wala rin naman akong gagawin, wala rin si Mafe mamaya pa ang uwi."
"Wahh! Da best ka talaga, Jema." She hugged me.
Lihim naman akong napangiti.
Maya't maya tumungo na rin kami sa moa arena dahil dun ginaganap ang laro sa uaap tuwing semi finals.
"Saan tayo, te Jia?"
"VIP tayo."
Dumaan kami sa likod dahil sobrang daming tao sa harap, baka hindi pa kami makapasok kapag doon.
"Jia, dito!" Hinatak ako ni ate Jia papalapit sa isang lalaki na tumawag sa kanya.
"Wah! Kumusta, Ysay?"
"Okay naman. Ikaw? You look so good."
"Hehehe, by the way this is Jema. Jema this is Ysay, team captain ng men's volleyball dati."
"Hi."
I smiled. "Hello."
Actually nakasama ko na siya noon sa isang event sa Trinoma pero hindi rin kami nakapag-usap.
"Dito na kayo umupo, palabas na sila Deanna maya-maya."
"Wow! I'm excited na." Tuwang-tuwa na sabi ni ate Jia.
"Ang angas nga ng bata mo, akalain mo first main setter, best setter agad."
"Wow! Ang very good talaga ng baby Deanna ko." Ate Jia said.
Tahimik lang akong nakikinig. Natapos ang laro at nanalo ang NU it means sila ang nakakuha ng silver medal pero hindi pa ngayon, sa finals pa mag-a-awarding.
Nagsi-tungo na lahat ng NU players sa dugout kasunod naman nun ay dumagundong ang ingay sa arena habang papalabas ang nagsisi-tangkaran na player ng Ateneo.
In fairness, ang hot niya pala.
Sarap lap——bad Jema!
GO DEANNA!
AKIN KANA LANG WONG!!
PAPIIII!
Papi?
Anong akala nila kay Deanna? Aso?
^ Fast Forward ^
Nakita ko kung paano tumayo si ate Jia at salubungin si Deanna na umiiyak. "Shh . . . Bawi nalang next season, Deans."
Inalo-alo 'to ni ate Jia hanggang sa tumigil na nga sa pag-iyak. Napatingin ito sakin at ngumiti pero hindi ngiting masaya kundi ngiting malungkot.
It's my fault kung hindi lang siguro ko siya nabangga baka maayos ang naging laro niya. Nahirapan kasi ito dahil may pain pa rin siyang nararamdaman sa legs niya.
"Jema, sa parking nalang natin intayin si Deanna."
Dumaan muli kami sa likod, akala namin hindi kami mapapansin ngunit matalas talaga ang mga mata ng fans.
Kahit anong galaw mo sa labas, nakikita nila.
"Sikat na sikat, ate Jia." Sabi ko habang natatawa.
"Gagi! Tara na nga."
Ilang minuto rin kami naghintay sa kotse bago dumating si Deanna, nakaligo na ito at fresh na fresh.
"Jema, pwede ba ikaw nalang mag-drive?"
"Sure, ate Jia." Nagpalit kami ng upuan. "Saan tayo, ate Jia?"
"Ramen resto, comfort food ni Deanna yun eh."
I nodded and started driving.
Deanna Point of View
Natalo ang ateneo dahil sa'kin, hindi ko man lang nadala ang ateneo sa finals. Fuckshit! It's my fault.
Siguro dapat nakinig nalang ako kay Pongs, ang dami ko kasing arte.
"Wala kang gana, Deans?" Ate Jia asked.
"Meron naman, ate. Pagod lang ako." I said sadly.
"Ah bili——" Her phone is ringing. "Guys, sagutin ko lang 'to." Tumayo at lumabas ito.
I looked at Jema, nakita kong napalunok ito.
"Deans?"
"Hm . . " Humigop ako ng sabaw.
"Are you mad at me?"
Napatigil naman ako sa pag-higop. "Why?"
"Dahil sakin natalo ang team niyo." She said sadly.
Napatungo naman ako. Tangina! Ang sakit talaga matalo.
I looked at her and smiled. "It's okay, no one's fault."
"Akala ko galit ka sa'kin."
Ngumiti lang ako, wala akong masabi eh. Ilang minuto ang makalipas ay bumalik na rin si ate Jia, sa'kin naman may tumawag.
"Hello?"
"Hi babe. Napanood ko yung laro mo, ang galing galing mo babe kahit natalo kayo. Bawi ka next season, ha?"
"Thank you babe." Tumingin sa'kin si ate Jia na parang nagtatanong look. Hindi ko nalang pinansin.
"Oh sige babe andyan na yung mga bata ko, kailangan ko na muna magpaalam. Bye babe, ingat ka."
"Ikaw rin." I ended the call.
Matapos ang ilang minuto ay hinatid na rin ako ni ate Jia sa dorm. "Deans, don't be sad, ha?"
"Yes, ate Jia."
"Nandito lang ako, call me anytime."
"Thanks, te Jia." I looked at Jema na tahimik lang sa gilid. "Thank you rin, Jema." She just smiled.
Nagpaalam na ko sa kanila. Pagka-pasok ko sa loob ay parang may namatayan dahil sa sobrang tahimik.
Yung iba tahimik na umiiyak, yung iba naman ay tulala lang.
I fake cough loudly dahilan para mapatingin sila sa'kin lahat. "Uhm . . Guys, sorry if na disappoint ko kayo. I will make bawi next season, promise next season ibibigay ko na lahat."
Lumapit si captain Maddie. "Hindi mo naman kasalanan, Deanna. Walang may kasalanan, nakita ko naman na binigay natin lahat hindi lang siguro sapat kaya dapat next season sosobrahan natin, ha?"
"Yes captain!" Sabay-sabay nilang sigaw.
"Oh tama na iyak, magsi-tulog na kayo dahil magswi-swimming lahat tayo sa condo bukas ni Therese."
Umakyat na kaming lahat sa aming mga kwarto. Nauna pumasok sa'kin si Ponggay, dumapa agad ito sa kama niya pagka-pasok.
I know she's crying. "Pongs?" She didn't speak. "Sorry, Pongs. Gusto ko naman ipanalo pero hindi ko na rin kasi kinaya."
She looked at me. "Baka isipin mo galit ako sayo kaya ganito. Hindi ako galit sayo, masama lang yung loob ko kasi wala akong nagawa sa team. Pabigat lang ata ako sa inyo, Deans. Kailangan ko na ata mag-leave sa team."
I punched her shoulder. "Hoy! Akala ko ba sabay natin kukunin ang championship? Bat mang-iiwan ka na?!"
"Deans, hindi natin makukuha dalawa yun kung magii-stay ako sa team. Pabigat lang ako sa inyo eh."
"Pongs naman." Pinalungkot ko ang aking mukha. "Wag ka naman ganyan." I said in a sad voice.
"Bahala na. Tulog na ko, Deans. Goodnight." She kissed my cheek at muling dumapa.
Nalungkot naman ako nang sobra dahil sa mga narinig ko mula sa buddy ko, gano'n pala ang pakiramdam niya.
Hay!
Sana naman hindi niya ko iwan.