Jema Point of View
Nag-aayos ako ng gamit nang pumasok si Kring sa kwarto. "Ngayon kana ba talaga aalis sa dorm, ate Jema?"
"Oo eh."
"Bakit hindi pa bukas? Bukas pa naman ang last game natin. Ito na yung araw na huli tayong magsasama sa dorm."
"Sorry, Kring ha? Kailangan na talaga eh, isa pa kung bukas ako maglilipat, mahihirapan lang ako."
"Hays." She hugged me. "Mami-miss kita, ate Jema."
"Mami-miss ko din kayo."
Mabilis ko inayos ang aking gamit atsaka umalis ng dorm. Mami-miss ko yung dorm na yun, almost five years din akong tumira doon.
"Mafe?"
Pagpasok ko ng pintuan si Mafe agad ang sumalubong sakin.
"Hi ate!" Niyakap ako nito. "Hindi ka ba masaya na nandito ako?" She pouted.
"Wala ka man lang pasabi na ngayon ka pala uuwi rito sa manila, edi sana sinundo kita sa bus station."
"Naku ate, sabi ni mama i-surprise daw kita kaya hindi na ko nag-text sayo."
"Gano'n? Sge, na surprise naman ako kahit papaano."
"Arte."
Binigay ko rito ang backpack ko. "Oh sge ipasok mo yan sa kwarto, ayusin mo na rin at magluluto lang ako."
"Ay wag na, ate. Nakapag-luto na ko, kumain kana tapos na ko eh."
"Salamat, Pangs."
Tumungo na ko sa kusina at kinuha ang ulam sa ref. "Ang bango . ."
^ Fast Forward ^
Papasok pa lang ako ng BEG nang may humawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa humawak sa aking kamay.
"Na-miss kong hawakan ang kamay mo."
Binawi ko ang kamay ko rito at tinaasan ito ng kilay. "Hindi ka ba tinuruan na bawal mang-hawak ng kamay nang hindi nagpapaalam?"
"Sa pagkakaalam ko hinahawakan ko naman talaga ang kamay mo kahit walang paalam, Jema."
"Iba na ngayon, Fhen. Hindi na tayo tulad ng dati."
Biglang naging malungkot ang mukha nito. "Jema, please forgive me, please? I love you so much, once lang naman ako nagkamali sayo."
"Napatawad na kita, Fhen. Pero huwag kana muli humingi ng second chance dahil hindi ko na maibibigay yun sayo." Madiin kong sabi at naglakad na palayo sa kanya.
Ano ba yan!
Ang aga-aga naninira ng araw.
"Uy Jem! Bat naka-simangot ka?" Joy asked.
"Kinulit na naman siguro yan ni ate Fhen." Bern said.
Hindi ko nalang sila pinansin at naupo na lang sa gilid para intayin magsimula 'yung game. Hay na ko! Bakit kasi kailangan pa rito ganapin yung game? Eh ang dami naman court para paglaruan.
^ Fast Forward ^
Natapos ang game at natalo kami kontra UST gusto ko man umiyak ngunit hindi pwede dahil isa ako sa mga nakaka-tanda at kailangan ako ng mga babies ko.
Kung hindi lang nangialam si Fhen sa technique ko baka nanalo pa kami.
Nakakainis!
"Miss?" Tumingin ako sa taong nasa gilid ko.
"Yes?" Nakayuko ito kaya hindi ko matukoy kung sino ito. "What do you need?"
Nag-angat ito ng ulo. "I'm Deanna Wong, gusto ko lang humingi sayo ng tawad sa nagawa ko sayo last game."
Imbes na sumagot ako rito ay inirapan ko siya at tinalikuran. Kailangan ko na magmadali baka maiwan pa ko nung bus namin.
Deanna Point of View
Katatapos lang namin mag-training, kailangan kasi namin husayan dahil makakalaban namin ang FEU and twice to beat pa sila..
"Ate Bea, bat ang daming tao rito?"
"Ah dito kasi gaganapin sa BEG yung last game ng Adamson at UST."
"Adamson? Talaga?" Bigla akong na-excite sa hindi malamang dahilan.
"Oo, bakit?"
"Ah wala naman." I took my gym bag at dali-daling nilapitan si Dani. "Dani girl, may class ka?"
"Wala naman, ate Deans. Bakit?"
"Balita ko dito raw ang last game ng adamson vs UST."
"Oh talaga? Ibig sabihin dito sila pupunta?" She asked.
"Oo."
"Edi pagkakataon mo na, Deans. Lapitan mo siya mamaya at humingi kana ng tawad para naman hindi ka na ma-guilty."
"Papansinin ba ko 'nun?" I asked.
"Oo, gusto mo ba samahan kita rito?"
"Sgesge." I said.
Naupo kami sa pinaka-taas ni Dani kasama si Ponggay, wala naman kasi kaming class. Gusto nga rin nila ate Bei manood kaso nga lang may mga klase sila.
Okay nga yun baka ano rin kasi isipin ng mga teammates ko kapag nalaman nila na gusto ko makausap si Ms. Galanza.
^ Fast Forward ^
Natapos ang game nila in three sets at talo sila. Ang sakit naman 'nun para kila Galanza, napagalaman ko kasing graduating na ito.
"Deans, lapitan mo na." Sabay tulak sakin ni Dani.
"Eh nakakahiya."
"Gusto mo pa ba ako ang humatak kay Galanza papalapit sayo?" Tanong ni Pongs.
"Shut up, masira pa plano ko sayo."
"Asus! Lapitan mo na hanggang nandyan pa yan." Ponggay said.
Wala naman akong nagawa kundi lapitan nga ito. Nakayuko akong lumapit rito. "Miss?"
"Yes? What do you need?"
I sighed at inangat ang aking ulo para makita ito. "I'm Deanna Wong, gusto ko lang humingi sayo ng tawad sa nagawa ko sayo last game."
Ilang segundo bago ito nag-react. Akala ko magsasalita ito pero inirapan lang niya ko at tumalikod na.
Natulala naman ako.
Hala!
Masama ba ang loob niya sakin?
"Oh Deans, anong sabi?"
Napakamot naman ako sa aking ulo. "Wala eh, inirapan at tumalikod lang sakin."
"Hala! Baka galit siya sayo, ate Deans."
"Sigurado ka, Deans? Inirapan ka niya?" Pongs asked.
"Oo nga, Pongs. Paulit-ulit?" Nagsimula na ko maglakad.
"Okay lang yan, kausapin mo nalang next time." Sabi ni Pongs at tinap ang balikat ko.
"Sabi sayo humingi kana ng tulong kay ate Jia eh."
"I think Dani is right, si ate Jia or ate Ly lang ang makakatulong sayo."
"Hays! Bahala na. Kain muna tayo, nagutom ako."
"Treat mo?!"
"Wow, sabay pa talaga kayo."
"Wahh! Tara na, Deans."
Hinatak na ko nung dalawa kaya nagpahatak nalang ako.
^ Fast Forward ^
Nandito kami ngayon sa Shakey's malapit sa UPTC. Kwentuhan ang ginagawa namin habang kumakain nang hindi namin inaasahan.
Dumating ang mga Lady Falcons.
"Oh nandito pala ang mga Agila." Narinig kong sabi nung isa kaya napatingin kaming tatlo. "Oh si Bata, 'yung mayabang na player ng Ateneo samantalang nagsisimula palang sa UAAP maka-asta akala mo kung sino na."
Naramdaman kong tatayo si Ponggay kaya pinigil ko ito. "Yari tayo sa Athletics Office kapag pinatulan natin sila."
"Oy bata, anong binubulong mo diyan?"
Napapikit ako at akmang tatayo nang marinig ko ang boses niya. "Humihingi ako ng tawad, wala kasing respeto ang kasama namin kaya ganyan. Pasensiya na ulit." Napatingin ako rito, pagtapos niya sabihin 'yun ay umalis na rin siya.
Nagsi-labasan sila ulit, I think sa iba nalang sila kakain. "Napaka-yabang naman 'nun kaya siguro iniwan ni Galanza." I looked at Dani. "Mygod! Hindi mo alam na Ex niya Galanza, ate Deans?"
Nabigla naman ako. "Talaga?"
"Hay na ko, Dani. Alam mo naman 'yan si Deans, hindi mahilig sa social media puro games ang gusto niya."
"Ay oo nga pala." Sabay tawa nito.
Tumahimik na lang ako. Ah kaya siguro gano'n ang sinabi niya sakin dahil mahal niya pa si Jema ar prinoprotektahan niya lang.
Now I know kaya bakit niya ko napagsalitaan nang gano'n pero hindi pa rin siya dapat nakikialam dahil hindi naman siya ang ini-stare down ko.