Deanna Point of View
Gumising ako ng umaga upang mag-jogging sa field kasama ang Jhobea.
JHOBEA IS REAL!
"Inaantok pa si Deanna." Ate Jho said.
"Okay lang, ate. Kailangan ko rin mag-jogging, bilis ko na rin mapagod eh."
"Wag mo nga i-baby si Deanna, ako i-baby mo." Sabi ni ate Bei at sumiksik sa bandang kili-kili ni ate Jho.
I looked at my watch. "Mga ate tama na yan, baka may araw na hindi pa kayo tapos mag-lambingan."
"Panira ka naman, Deans."
Nag-peace lang ako kay ate Bea at nauna na lumabas.
Hay!
Inaantok pa ko pero kailangan ko gumising. Dapat free day namin ngayon kaso nag-request si Coach Tai sa creamline ng tune up.
Sad, ayoko nga sana umattend pero Kailangan kasi sa linggo na yung laban namin sa FEU.
Do or Die, pag nanalo kami may next game pa pero pag natalo wala na. It means di kami pasok sa finals.
"Deans, faster!"
Binilisan ko lalo ang pagtakbo. Hays! Bakit kasi ako lang ang inaya ng Jhobea? Dapat inaya din nila yung iba eh para mas masaya.
"Oh water." Inabutan ako ni ate Bei ng water pagtapos namin mag-jogg. Naupo kami rito sa ilalim ng puno. "May nai-kwento sakin si Ponggay. Bakit hindi ka nagsasabi sakin?"
"Oo nga baby Deans." Sang-ayon ni ate Jho.
"Kung anu-ano raw ang sinabi sayo nung Fhen sayo."
"Hayaan muna, ate Bei. Isa pa kapag pinatulan ko yun, malalagot pa ko kay coach."
"Kahit na, hindi tama na ganunin ka, Deans." She said.
"Pero ate Bei, mahalaga sakin ang volleyball. Hindi ko hahayaan na masisira lang ng isang tao ang buhay volleyball ko."
Tahimik lang na nakikinig si ate Jho samin dalawa pero maya't maya ay sumabat na rin ito.
"Oo nga naman, Ikaw Bea pala away ka talaga. Ginagaya mo pa sayo si Deans."
"Grabe ka naman, love. Hindi ko siya ginagaya sakin, tinuturuan ko lang siya ng tama." Katwiran ni ate Bei at nag-pout.
Hay! masyadong PDA talaga 'tong dalawa.
I stood up. "Una na ko, nahiya ako sa inyo eh. See you later, Jhobea!" Tumalikod na ko at naglakad pabalik ulit sa dorm.
Paparating palang ako sa dorm nang makita ko si ate Jia, kumakaway ito at kasama si kuya Migs.
Tumakbo naman ako papalapit sa kanila at niyakap silang dalawa. "Hi ate, kuya."
"Hi, Deans." Tinap ni kuya Migs ang ulo ko habang si ate Jia ay ginulo ang hair ko.
Lagi naman, sanay na ko sa mag-jowang 'yan.
"Anong ginagawa niyo rito, ate? Mamaya pa tune up, hapon pa."
"I know, gusto lang kita makita."
"Upo tayo." Aya ko sa kanila sa waiting area, may upuan kasi dun. "Uhm . . . Ate, ka-teammate mo si Jema, diba?"
"Oo, bakit?"
"Eh kasi I want to apologize for what I did in our last game kaso . . ."
"Kaso?"
"Nilapitan ko siya nung last game niya kasi dito ginanap sa BEG ang last game nila then I approached her and apologized pero inirapan niya lang ako."
"Are you sure? Jema is very approachable person."
"Eh baka kasi masama loob niya sakin, pwede mo ba ko tulungan para makausap siya?"
"Sure, talk to her later. Samahan kita."
"Thanks, te Jia." I hugged her.
Umalis na din ito pagtapos ng pag-uusap namin dahil marami pa raw itong aasikasuhin.
May business kasi silang dalawa ni kuya Migs, 'yung milktea shop na malapit sa UPTC.
Jema Point of View
Nasa loob ako na ko ng ateneo nang biglang may humarang kaya naman napa-preno ako bigla.
Oh s**t!
Dali-dali akong bumaba at tiningnan yung tao. "Miss, sorry." Sabi ko at chineck ang binti nito.
"Ou . . ch!"
I shocked. "Deanna Wong?"
"Ugh! Don't touch my legs."
"Hala, sorry. Hindi ko sinasadya, hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo."
"K-kukunin ko sana yung laruan k-ko." She said habang inaalalayan ko tumayo.
Hala! Nabangga ko pa 'to, ang alam ko may laro pa ito sa linggo. Shet! Yari ako kay coach Tai at ate Jia.
"Sorry talaga, Deanna. Do you want to go to the hospital?"
"Hindi na . . . Ouch!"
"Oh halika." Pinaupo ko ito sa gilid at muling sumakay sa aking kotse para igilid. "Ayaw mo ba magpadala sa hospital?"
"No thanks, minor lang naman 'to. Gagaling din agad."
"You sure? Sorry talaga, hindi kasi kita nakita." I said.
"Uhm pwede favor?"
"Sure, what is it?"
"Can you take my toy?" Sabay turo nito sa daan.
Toy?
Ano ba yan!
Nasagasaan ko pa siya para lang sa laruan.
Isip bata. Tsk!
Kinuha ko naman ang laruan nito, taray batman. "Here. Magpapakamatay ka talaga para lang dyan sa laruan na yan?"
"Hindi 'to basta laruan lang. Binigay ito ng grandma ko bago siya mamatay."
"Ops, sorry."
"It's okay."
"Saan kaba papunta?"
"Sa BEG sana."
I looked at her legs, namamaga na. Kailangan na ito malagyan agad ng yelo bago tuluyan sumakit.
"Halika, kailangan na yan malagyan ng yelo baka di ka pa makalaro niyan sa linggo kapag tuluyan namaga."
Inalalayan ko ito pasakay sa car ko. Tahimik lang kami habang nagdadrive ako patungo sa BEG.
Pagdating doon ay nagulat ang lahat nang makita nilang inaalalayan ko si Deanna. Unang lumapit si ate Jia kaya sinabi ko ang nangyari.
"Hala. Okay ka lang ba, Deans? Gusto mo dalin ka na namin sa hospital?" Offer ni coach Vince.
"Hindi na, coach. Isa pa yelo lang katapat nito and dahan-dahan lang naman siya nagdadrive nun di naman ganun kalakas yung pagbangga sakin."
"Grabe, mahal na mahal mo talaga 'yang laruan na 'yan, Deans. Tataya mo talaga buhay mo diyan sa laruang 'yan." Rinig kong sabi nung isa niyang ka teammate.
Sorry, hindi kasi ako masyado pamilyar sa ateneo.
Nakita kong bumulong si ate Jia kay Deanna at tumingin sa'kin kaya nagtaka ako.
Maya't-maya unti-unti sila nag-alisan hanggang sa kami nalang ni Deanna ang natira.
"Jema, sorry."
I looked at her. "Ako nga dapat——"
"Sorry sa nagawa ko sayo last game, masama ata loob mo sa'kin."
Bigla naman pumasok sa aking isipan ang nagawa ko noon nung nag-sorry siya sa'kin. Hala! Hindi ko naman sinasadya yun, nagmamadali kasi ako plus badtrip pa ko kay Fhen.
"Ay 'yun ba? Sorry, ha? Hindi ko naman intensiyon na sungitan ka, nagmamadali kasi ako and sorry rin sa nasabi nung ka teammate ko sayo."
"Hindi ka galit sa'kin?"
"Ah hindi. Nagmamadali lang talaga ako nun."
Parang nakahinga naman ito ng maluwag. "Hay salamat, akala ko galit ka sakin."
"Hindi ah." Sabay ngiti.
Natigil ang pag-uusap namin dahil biglang dumating si Coach Tai. Hindi muna pinaglaro si Deanna dahil kailangan gumaling ng legs nito.
Hay!
Kasalanan ko pa tuloy.