HAPPY 25,000 READS
Thank you po sa inyong lahat!
I DON'T PROMISE YOUR SATISFACTION
Happy reading ✨
Ivan Denise' POV
Sobrang sakit.. Sobra-sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon. Bakit ba may mga taong ganito? 'Yong mga taong papakitaan ka ng interes, pagmamahal, at pag-aalaga pero hindi naman totoo.
Papaubaya na ba ako? Hahayaan ko na ba silang maging masaya?
Parang sa kanta ni Moira,
Ako ang asawa, pero 'di ang mahal >>
I am here together with Mark in a fancy restaurant. Sinabihan ko siyang pwede naman kami kumain sa fast food chain pero he insisted na dito talaga.
Buti pa si Mark palaging nandiyan kapag kinakailangan ko siya.
Last, last day tinawagan ko siya na umiiyak. Yun yung time na yon, iyon yong sinabihan ako ni Lance ng mga masasakit na salita.
Tinawagan ko siya na para bang batang nagsusumbong dahil kinuha ang laruan niya pero hindi ko sinabi sa kanya ang dahilan kung bakit ako umiiyak.
Sinundo lang niya ako ng palihim dahil nandoon pa si Lance.
Nang matapos kaming magkasagupa ni Lance ay 'di ko na siya nakita hanggang sa ngayon.
Parang ngang ayaw ko na siyang makita..
Ang sakit sakit..
"So, tell me na 'Van bakit ka umiiyak noong tinawagan mo ako?" Ang pagbabasag ni Mark sa katahimikan. Naghihintay pa kami sa order namin.
Sasabihin ko na sa kanya! Deserve naman niyang malaman ang totoo.
"Ahm, Mark, nagkasagutan kasi kami ni Lance nun eh" ang paunang lintaya ko. "Sinabihan niya ako ng mga masasakit na salita" dagdag ko pa.. Dito na unti-unting bumalik sa akin ang lahat..
Lahat Lahat....
Mga pambababae niya
Mga masasakit na sinasabi niya at higit sa lahat,
Pananakit niya. Hindi lang pisikal kundi pati na rin emosyonal. Ang sakit sakit.
Di ko namalayan umiiyak na pala ako..
Habang umiiyak, sinasabi ko rin sa kanya ang lahat-lahat ng sinabi sa akin ni Lance.
"Tahan na, 'Van. Magiging okay rin ang lahat." Ang sabi ni Mark.
Salamat talaga, Mark.
"Thank you, Mark. Thank you for being there for me always whenever I needed you." Pagpapasalamat ko namn sa kanya..
"You're always welcome, 'Van." Sagot naman niya..
Ang hindi ko inaasahan ay ang sunod niyang ginawa
Hinalikan niya ako sa pisngi at pinahiran ang mga luha na nasa pisngi ko kaya naman para na akong kamatis sa pula ngayon..
May tinatago pala akong landi!
"Oy Mark, ano ka ba! Baka may makakita!" Saway ko sa kanya na may halong tawa..
"Sorry na, misis ko" sagot naman niya sa akin..
Kaya naman, pumula pa ng pumula ang pisngi ko..
"Uyy kilig siya oh... Nagbublush hehe. " tukso naman niya sa akin.
"Hindi no! Haha" ang tanggi ko pa.
Ang saya ko..
Ang saya-saya ko ngayon na kasama ko si Mark parang kanina lang umiiyak pa ako. Ngayon, tumatawa na..
"Yan.. Ang ganda mo kapag tumatawa ka.. Smile ka lang palagi kasi nandito lang ako palagi na patawanin ka"
Napahinto naman ako sa pagtawa at napatingin sa kanya. Seryoso na ngayon ang mukha ni Mark. Parang sinasabi niya na nandiyan lang talaga siya. Always and forever..
Iwinaksi ko nalang ang iniisip ko at napangiti na lang..
"Thank you talaga, Mark. Thank you"
Hindi ko alam kung bakit napatingin si Mark sa likuran ko.. Nasa bahaging likuran ko ang entrance at exit ng restaurant na ito..
Kaya naman tumingin din ako sa tinitingnan niya.
Nagulat ako at sobrang lakas ng kabog ng puso ko.
Hindi.. Patay ako nito!
Nanlilisik ang mga mata ni Lance at sobrang igting ng panga niya..
His jaw clenched.
Hindi lang siya ang nandidito kundi pati na rin si Annika.
Guess what? Magdidate sila..
"Huwag mong pansinin. " Napabaling na ngayon ang atensiyon ko kay Mark.
Tumango naman ako.
"Mark, lipat na lang kaya tayo.." Ang mungkahi ko kay Mark nang makita ko na umupo silang dalawa katabi ng inuupuan namin..
Hindi rin nagtagal ay dumating na rin ang aming order.
"Bakit naman tayo lilipat eh tayo ang nauna dito" sagot naman niya sa akin. Hindi na lang ako nagsalita pa kasi hindi ako mananalo sa lalaking ito.
Napatawa ako kaya naman kitang kita ko kung paano ako tingnan ni Lance.
Kung nakakamatay pa ang tingin niya, malamang sa malamang nakabulagta na ako sa sahig ngayon..
Natatakot ako.. Sobra.
Parang sinasabi niya na; MAMAYA KA SA AKIN!
Nakakatakot talaga si Lance.
At hindi nga ako nagkakamali.
Nag vibrate ang cellphone ko senyales na may nagtext. Sino namang magtetext sa akin??
From Lance:
PUTANG INA!!!! MAMAYA KA SA AKING BAKLA KA!!! LANDI MO TANG-INA!!!
Alam kong galit talaga siya ngayon. Nakabusangot ang mukha, magkasalubong ang kilay, at igting ang panga. Hindi na ako magugulat kasi napakapalamura talaga ng lalaking ito!
His aura tonight screams Manliness.
Ang gwapo niya...
Hindi ko na lang pinansin at tumingin kay Mark..
"Mark, kain na tayo." Ang sabi ko kay Mark n ngayon ay titig na titig sa akin..
"Sure.." Sagot naman niya.
Binigyan niya ako ng pagkain at inilapag sa pinggan ko.
Sweet
"Thank you, Mark. Ikaw din kain ka na" ang naisabi ko na lang.. Nakita ko si Lance na galit na galit ang mukha at may kinakalikot sa cellphone niya..
Hindi rin nagtagal ay dumating na rin ang order nila Lance.
Habang kumakain kami ni Mark ay nag vibrate na naman ang cellphone ko..
"Huwag mong galawain. Kumakain tayo." Ang sabi niya nang makita na may nagtext.
"Okay Mark.." Ang naisagot ko na lang.
Pero kahit di ko galawin ang cellphone ko ay nakita ko ang isang text sa notification na mas lalong nagpakaba sa akin..
From Lance:
PUTANG INA!!!! NAGPAHALIK KA PA TALAGA TANG INAAA!!! MAMAYA KA SA BAHAY! ANG LANDI LANDI MO! LANDI MONG BAKLAKA!
Nakita niya ba kanina na hinalikan ako ni Mark? Ang kaninang kaba pa sa puso ko ay nadagdagan.
Kahit sa text ko lang 'to nakikita alam kong galit na galit na siya..
Napaharap ako sa kanila at nanlilisik pa rin ang mata niya.
Kahit takot na takot na ako hindi ko na lang siya pinansin.
"You look good together." Gulat akong napatingin sa babaeng nagsalita na walang iba kung hindi si Annika.
"Ahmm" aapila na sana ako dahil baka ano na namang isipin ni Lance pero nagsalita na si Mark.
"Thank you" sagot naman niya kay Annika.
"Bagay na bagay kayo." dagdag pa niya. Alam kong mas lalong ginagalit niya si Lance.
Ewan ko ba bakit niya 'to ginagawa? Gusto niya bang patayin ako ni Lance? Gusto niyang maging mamamatay tao si Lance? Sa ginagawa niya parang tinutulak niya si Lance sa impyerno.
Tumingin ako sa gawi ni Lance at hindi pa rin nagbabago ang kanyang mukha kanina. Galit na galit pa rin. Parang gustong sumuntok dahil naka kuyom ang malalaki niyang kamay. Alam kong napapansin rin iyon ni Mark at ni Annika.
"Mark, cr muna ako ha" ang pagpapaalam ko kay Mark.
Tapos na kaming kumain at busog na busog ako. Di naman nabigo si Mark sa pagpapakain sa akin dahil maya't-maya may binibigay. Binalatan niya pa mga hipon ko.. Ang sweet lang hihi.
"Samahan na kita" ang sabi niya. Hindi na ako tumutol.
"Sige. Tara" ang tanging naisagot ko na lang.
Sabay kaming pumunta sa Cr ni Mark at hindi ko na nilingon pa ang dalawa. Alam kong tumatanaw silang dalawa sa amin at gayun din si Mark. Nararamdaman ko ang mga tingin nila.
Yumapos naman ang kanang kamay ni Mark sa bewang ko. Ang hindi ko alam ay ganoon rin ang ginawa ng kaliwang kamay ko sa kanya.
Pagkatapos kong gumamit ng cr ay naabutan ko si Mark sa sink na nanghuhugas ng kamay. Nanghugas na rin ako.
Tumingin siya sa akin at tumawa na ikinanoot ng noo at mata ko..
"Anong nakakatawa ha?" Tanong ko sa kanya na natatawa.
"Wala. Ang cute mong kumain." ang sagot naman niya.
Laking gulat ko nang inilapat niya ang labi niya aa labi ko..
Mark kissed me..
Alam kong mali pero bakit tumutugon ako?
May asawa ako..
Mali ito.
Itinigil ko na ang aming halikan nang makita ko si Lance sa pintuan.
At ang bilis ng oras. Nakita ko nalang si Mark na duguan na sa tiles sa loob ng Cr.
"Lanceeee, tama na!" Ang pag awat ko kay Lance dahil baka mapapatay niya na si Mark sa kakasuntok niya..
"PUTANG INA KAA!! PUTANG INA NIYO" Gulat akong napatingin sa kanya nang sumigaw at huminto siya.
Tapos tumingin siya sa akin.
I saw unknown emotions in his eyes pero madaling nawala.
Ang kaninang nakakatakot na si Lance ay mas nakakatakot ngayon..
Hindi ko na siya pinansin pa at lumuhod upang alalayan si Mark.. Nahirapan pa ako kasi lumalaki na kasi ang tiyan ako..
Sorry anak.
Sorry Mark.
"Lance, pwede ba? Tama na!" Galit at cold kong sabi sa kanya nang akmang tatadyakan niya si Mark..
Alam kung nagulat si Lance sa tinuran ko. Ngayon lang kasi ako naging cold sa kanya. Minsan kapag di ko siya kinakausap nagagalit yan na para bang may ginawa akong malaking kasalanan.
Inawat na rin siya ng mga guard ng restaurant.
Nakakahiya.
Kita ko rin ang gulat na mukha ni Annika at nakakuyom pa rin ang kamao ni Lance.
Inalayan na lang namin kasama ng mga guard si Mark kasi puno na ito ng dugo..
Akmang sasakay na ako sa Ambulance nang may kamay ang humawak sa pulsuhan ko.
Napatingin naman ako rito at mabilis akong kinaladkad palayo. Tumingin pa ako kay Mark at nakita kong sumenyas siya
"okay lang ako" ang parang sinasabi niya sa bibig niya na walang boses. Tumango rin ito.
Kaya wala na akong takas sa demonyong ito!
"Lance bitiwan mo ako.. Nasasaktan ako." Ang ani ko sa kanya. Sumasakit na ang kamay ko kasi napakahigpit ng hawak niya na para bang di na niya ako bibitiwan pa.
"Masasaktan ka talaga! Putang Ina!" Galit niyang pagmumura.
Author's note:
Hi guys..
As promised, may update na ako.
Thank you sa mga sumusuporta.
I appreciate your feedbacks and comments po. ❤
Sorry po hindi po ako madalas mag update kasi nga po may modules po akong sinasagutan.
Hindi lang po sa akin kundi maging sa pamangkin ko rin po hehe sorry...
Stay safe and healthy po..
50+ votes and I'll surely update tomorrow!
Love, love, love, love, love....
:* ButtersScotch7 •>>>