Chapter 15

1379 Words
HAPPY 30,000 READS Thank you po sa inyong lahat! I DON'T PROMISE YOUR SATISFACTION Happy reading ✨ Ivan Denise' POV Namumula ang pulsuhan ko ngayon dahil sa higpit na hawak ni Lance dito. Nakakatakot siya. "Tangina bakit kayo nandoon ha? Bakit kayo nag date? What are you two doing there?" Ang sunod-sunod niyang tanong sa akin nang makapasok kami sa kanyang kotse. "Lance, si Mark" instead of answering his questions ay iyan ang nasabi ko. His jaw clenched. Igting panga niya akong nilingon at ang sama ng tingin niya sa akin. "Answer my damn questions!" Galit na galit niyang sabi sa akin. Naka kuyom rin ang kanyang mga kamao na para bang gusto pang sumapak. Natatakot ako sa kanya. Anong gagawin ko kung sakali mang saktan niya ako? Ereready ko na ba ang hotline ng Police station dito? Hindi rin naman ako masasaklolohan ni Mark dahil malaki ang natamo niya kanina sa away nila ni Lance. Hindi ako umimik dahil kahit naman magsabi ako sa kanya ng totoo ay hindi rin naman niya ako paniniwalaan. It is just useless. I don't know what he is up to, nagdedate rin naman sila eh bakit siya ganito ka galit?  "Lance, baka hinahanap ka na ni Annika" ang sabi ko na lang baka sakaling umalis siya at makatakas ako dito. "Putang ina! Wag mong ibahin ang usapan! Sagutin mo mga tanong ko Ivan!" Nagulat ako dahil bigla siyang sumigaw. "Nagyaya lang naman siyang kumain eh. Walang masama doon!" Ang sabi ko na galit rin. Kahit natatakot ay nagawang kong pagalitin ang boses ko.Hindi pwedeng siya lang ang galit. char "Walang masama pero naghahalikan kayong dalawa! Sarap patayin 'yong lalakeng iyon! Tang ina!" Galit niyang ani at tumingin siya sa aking mga mata. May nakita akong kakaibang emosyon doon pero madali lang nawala. Hindi na ako sumagot pa dahil alam kong may mali ako. Pero hindi ko na kaya dahil bumalik lahat lahat sa akin ang mga pinagagawa niya. Ang sakit sakit sa dibdib pero kakayanin ko para sa anak ko. Ayaw kong lumaki siya nang wala siyang kinikilalang ama. Nakarating kami sa bahay nang ligtas. Agad niya naman akong hinawakan sa kamay at pinasunod. Igting parin ang kanyang panga, nakakunot ang mga kilay at nanlilisik ang mga mata. "Lance, bitawan mo na ako. Ang sakit sakit ng mga hawak mo" ani ko. Hindi siya nagsalita pero pagkarating namin sa kwarto niya pinakawalan niya naman ang kamay ko. Dati, hindi siya nagpapapasok dito sa kwarto niya pero ngayon, siya mismo ang nagpasok sa akin. Ano ba talaga Lance? Hindi kita maintindihan. Sana magbago ka na Lance. Please lang, magbago ka na! Ako, malapit na Lance. Kunting-konti na lang. Lumipas ang mga araw at bantay sarado ako ng lalaking 'to! Gusto ko sanang makausap o maka musta lang si Mark pero hindi niya ako pinayagan. Hindi ko talaga maintindihan anong nangyayari sa kanya. "Lance" ang tawag ko sa kanya. Nadidito kaming dalawa sa sala at nanonood ng TV. Ito ang kauna-unahang pagsasama namin na hindi kami nag-aaway. Hindi ko alam pero gustong-gusto ko siyang asarin ngayon. Dala ba 'to ng pagbubuntis ko? By the way, hindi ko pa din sinasabi sa kanya na buntis ako dahil natatakot ako sa magiging reaksiyon niya. Baka sabihin niya na abnormal ako pero alam kung may napapansin siya sa mga kilos ko at ang paglaki ng tiyan ko. Hanggang kailan ko kaya ito matatago? Hanggang kalian? Lumingon siya sa akin nang tinawag ko siya ngunit hindi siya nagsalita. "Lance" tawag ko ulit sa kanya. Lumingon na naman siya pero hindi pa rin nagsasalita. Hindi ko alam pero ang tono ng boses ko ay parang nagpapapansin o nagpapabebe ba 'yon? Gusto kong magsalita siya gaya ng; 'Ano 'yon?  May kailangan ka ba?' 'May problema ba?' 'May sakit ka ba? Ano 'yon?' Gusto kong magsalita siya ng mga ganyan na may tonong naglalambing pero wala akong narinig galing sa kanya maski ni isa kaya ibayong lungkot at inis ang naramdaman ko sa oras na ito. "Magsalita ka nga!" inis kong sabi sa kanya. Naiinis ako kasi 'di niya 'ko pinapansin at hindi siya nagsasalita. Nag oover-react lang ba ako? Gulat naman siyang napatingin sa akin dahil nagulat sa tinuran ko. "Bakit ba? Bakit iba-iba ang moods mo ha?" ang tanong niya sa akin pagkatapos niyang maupo sa tabi ko. At hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Kinandong niya ako at yinakap patalikod. Hindi talaga kita maintindihan, Lance. Anong ginagawa mo sa 'kin ngayon? "Lance, anong ginagawa mo?" Ang tanong ko sa kanya dahil sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko. Hindi ako komportable sa lagay namin ngayon dahil hindi naman ito ang kadalasang ginagawa namin. Napahinto ako nang maramdaman kung may luha sa aking leeg. Basang-basa ang aking leeg sa mga luha niya. Bakit Lance, bakit? Bakit ka umiiyak Lance? Anong mga rason mo? Anong pinaplano mo? Please lang, kung sasaktan mo rin lang naman ako, please lang huwag na kase palagi na lang akong nasasaktan. "L-Lance, ano ba!?--" naputol ang sasabihin ko nang pinaharap niya ako sa kanya at sinakop ang labi ko. Iba ang halik niya ngayon. Hindi marahas. It is passionate. I love it. Ang galing ni Lance humalik. Napapa-anod ako sa alon ng kanyang mga halik. Gusto kong kalimutan ang mga sakit na nararamdaman ko at bigyang-diin ang  nangyayari ngayon. I want to cherish this moment. I want to highlight this. I don't want to forget this and live a new life with these two people in my life, my husband and this upcoming child of mine. I want to forget what happened before. I want to live each moment, not looking back, nor ahead, but remembering something wonderful can happen right now. Hindi ko alam kung bakit binuka ko ang bibig ko kaya ramdam ko ang dila niya sa loob. Gusto ko siyang pigilan but my actions says otherwise. Natapos ang aming halikan at pinaharap niya ako sa kanya. Nakakandong parin ako sa kanya at hindi ko alam ang gagawin. "Ivan, baby, I'm so sorry." Ang kanyang sabi na umiiyak. Lance, kung saan kaya na kitang kalimutan ngayon mo pa to gagawin? Anong gagawin ko. "Am so sorry. I really am. Sorry for all the things, for all the heartbreaks, and for all the sins I have done to you. Please forgive me. Please." Ang dagdag pa niya na may tonong nanunuyo. Hindi ako tumingin sa kanya at pumaharap sa gilid. "Please baby, look at me" "Lance" ang nasabi ko nalang dahil hindi ko alam ang sasabihin at gagawin ko. "Patawarin mo ako baby. Pangako, magbabago ako."  "Lance, araw-araw ko itong pinagdarasal sa Diyos na sana magbago ka, na sana maging mabuti kang asawa at kahit hindi ka na manghingi ng kapatawaran okay lang sa akin basta magbago ka lang. At kung ginagawa mo ito para saktan akong muli, please lang huwag na. Sobra na Lance. Sobra na ang sakit na dinulot mo sa akin Lance. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa 'yo! Napapagod rin ako Lance at dapat alam mo iyan!" ang mahaba at emosyonal kong sabi. Umiiyak na rin ako. Ang malumanay kong boses sa una ay napalitan ng galit at pagkamuhi.Gusto ko siyang sumbatan at ibato lahat ng hinanakit ko sa kanya. Pareho na kaming umiiyak ngayon. Gusto ko talagang sabihin sakanya na 'tama na. palayain mo na ako' pero hindi ko masabi. "Alam ko. Alam ko lahat 'yan. At nagsisisi na ako sa lahat ng mga nagawa ko. Please baby, give me another chan-" pinutol ko na siya sa dapat niyang sasabihin. "Another chance? Sigurado ka ba Lance? Ilang beses na ba kitang nabigyan niyan, Lance ha? Ilang beses?" umiiyak na sabi ko. Hindi ko na napigilan pa. "Sorry by. Sorry." Author's note: Hi guys.  Happy new year!❤ Sorry ngayun lang ako nakapag-update. This is my last update this year and I am so thankful 'cause some of you really appreciates my work. Thank you so, so much guys. Stay safe and have a great new year ahead. Love, love, love, love, love... LONG LIVE!!    ヽ(°◇° )ノ 100+ votes and I will update tomorrow ButtersScotch7 Hi you can read my story at w*****d. Thank you.  Follow me there and don't forget to vote.   Just search @ButtersScotch7 thanks
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD