Nagising na lang ako kinabukasan na ang sakit na ng katawan ko. Gusto ko sana na igalaw ang katawan ko o miski ang hita ko, ngunit hindi ko magawa. Saka ko lang naalala ang nangyari kagabi. What the f**k?! Shit! Reign! Ano na ba ang naisip mo kagabi at pumayag ka?! May bahid ng alak sa sistema ko kagabi. Nakakita kasi ako ng hard liquor sa kusina ng palasyo na ‘to kagabi. Nag-inom ako sa kwarto ko no’n. Sobrang problemado na rin kasi ako sa dami ng nga naiisip ko sa mga nangyayari sa mundo na ‘to at sa akin. Kaya naman napainom ako. Naka-sampung shots din yata ako no’n, kaya nakaramdam na ako ng hilo. Naghilamos ako kagabi para kahit papaano ay mawala ang sakit ng ulo ko. Hindi naman ‘yon ang unang beses na nag-inom ako ng alak, pero malakas talaga ang tama niya. Kaya naman napagdesis

