bc

The Richest Vampire (Series 1)

book_age16+
2.2K
FOLLOW
13.5K
READ
sex
badboy
drama
twisted
bxg
vampire
magical world
war
brutal
vampire's pet
like
intro-logo
Blurb

RATED 18

Sa mundong inaakala ng iba na normal lamang, hindi aasahan na makakakilala si Reign ng pinaka-mayamang bampira na nabubuhay. Malalaman niya ang buong katauhan nito at kung saan nagmula. Mapapasok siya sa mundo kung saan manganganib ang kaniyang buhay. Ang mundo ng mga bampira na siyang kahaharapin ni Reign.

Vampires’ clans, war, and death. Lahat ng ‘yon ay kahaharapin ni Reign. Will she be able to stay alive and get herself out from the vampires’ world?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
“Ano ba naman ‘yan? Ni hindi mo man lang magawa ng tama ang trabaho mo! Ito na nga ba ang sinasabi ko noon, kaya hindi ko gusto na tumanggap ng isang estudyante pa lamang sa trabaho. Wala ka namang nagagawang tama rito!”     Napayuko ako dahil sa mga sinasabi sa akin ng amo ko. Tama naman talaga ang nagawa ko, dahil ‘yon ang iniutos niya sa akin. Pero hindi ko maintindihan kung bakit nagagalit siya ngayon. Pinipilit niya na hindi gano’n ang iniutos niya sa akin. Sinabi ko na sa kaniya na nagawa ko nang tama ang lahat ng mga utos niya, ngunit mas ikinagalit lang niya.     “Ako pa ang lolokohin mo! Hindi naman ganiyan ang sinabi ko sa ‘yo kanina na gawin mo. Simpleng trabaho ay hindi mo magawa. Sumasagot ka pa sa akin. Amo mo ako at isa ka lang trabahador ko! Kung umasta ka ay akala mo kung sino ka rito. May pinagmamalaki ka ba?” galit pa na sambit niyang muli sa akin. Inilingan ko naman siya. Kinakalma ko rin ang aking sarili.       “Wala po akong pinagmamalaki. Pasiyensa na po talaga. Hindi na po mauulit sa susunod. Gagawin ko po ng ayos at tama ang lahat ng iuutos mo sa akin,” sagot ko.     “Anong pinagsasabi mo? Hindi ka na makakaulit pa. You’re fired as of today. Hindi ko kailangan ng isang estudyante rito na mas matapang pa kaysa sa amo!” Gulat na gulat akong napatingin sa kaniya. Hindi ko inaasahan ang kaniyang sinabi. Para bang nabingi ako bigla.     “Po? Huwag niyo po akong sesantihin. Please, nagmamaka-awa po ako. Gagawin ko na po ng tama ang trabaho ko, basta huwag niyo lang po akong paalasin dito,” sambit ko.   Halos lumuhod pa ako sa harap niya ngayon at mangiyak-ngiyak. Para lang hindi ako mawalan ng trabaho. Nguni tinawanan niya lamang ako. “Hindi ako mabait. Kahit umiyak ka pa ng dugo riyan ay hindi na magbabago pa ang desisyon ko. Wala ka nang nagawang tama rito! Simpleng utos sa ‘yo ay hindi mo naman nagagawa ng tama. Hindi ko talaga gusto ng mga estudyante na trabahador. Ibibigay ko na sa ‘yo ang huli mong sweldo kaya maaari ka nang umalis dito.”       Mabilis na niya akong tinalikuran matapos niyang sabihin iyon. Nanlumo ako at napa-upo na lamang. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat ko na gawin. Panibagong isipin na naman ito dahil kailangan ko na namang humanap ng panibagong trabaho. Hindi ako tumatagal ng tatlong buwan at mahigit sa isang trabaho. Kahit na maayos naman akong nagtatrabaho, ay para bang hindi iyon sapat sa mga amo ko. Hindi nila gusto na may iba pa akong mga trabaho. Pinapaalis na nila ako agad kapag malalaman nila na marami akong pinagkakakitaan. Masama ba kung marami akong trabaho? Iyon ang kailangan ko para mabuhay.       Hindi sapat ang monthly allowances na nakukuha ko mula sa university na pinag-aaralan ko ngayon. Hindi ko ‘yon maaaring gastusin sa araw-araw na expenses ko sa buhay. Wala akong problema sa dormitory ko ngayon na tinitirahan dahil sagot naman ng university. Mabuti na lang talaga at isa akong scholar student. Ngunit hindi ko alam kung hanggang kailan ito. Kaya dapat akong kumita at mag-ipon ng pera para sa future ko. Wala naman na akong ibang aasahan pa kung ‘di ang sarili ko lamang.       Ngunit sadyang malupit sa akin ang mga nagiging amo ko. Sa una ay tatanggapin ako dahil urgent hiring sila at kulang na kulang sa mga tauhan. Pero kapag hindi na nila ako kailangan ay gagawa sila ng paraan para mapaalis ako sa trabaho. Hindi naman nila ako binabayaran ng libre dahil pinagapapaguran ko ang pera na nakukuha ko.       “Ano? Nawalan ka na naman ba ng trabaho? Bakit kasi hindi ka nakukuntento sa isang trabaho lang?” tanong agad sa akin ng kasama ko sa dorm. Napabuntong-hininga ako at mapait na nginitian siya.         “Hindi mo rin naman ako maiintindihan. Isa pa ay mahalaga sa akin ang lahat ng mga trabaho ko. Hindi sapat ang isa lang para mabuhay ako. Lalo na at part-timer lang naman ako at hindi regular dahil isa pa akong estudyante,” sagot ko naman.         “May apat ka pa naman na part-time jobs. Kaya huwag mo nang isipin pa ang tungkol sa nawala mong trabaho. Baka ubusin mo na naman ang oras mo sa paghahanap ng panibagong trabaho.”         Hindi ko na lang inimikan pa si Ricselle. Hindi naman talaga kami ganoon ka-close. Minsan lang din kami mag-usap. Hindi rin naman kami magkaklase, kaya hindi kami nagkikita sa university. Parehas kami ng kurso pero magkaiba kami ng section. Pero minsan ay nasasabi ko sa kaniya na nawawalan ako ng trabaho. Ngunit hindi ko pa rin alam kung magkaibigan ba kami o hindi. Wala akong maturing na kaibigan ko miski sa university. Mayayaman kasi lahat ng mga kasama ko roon, at mukhang ayaw nila sa isang mahirap na katulad ko. Tahimik lang ako sa university dahil ayoko naman na ma-bully pa ako. Gusto ko lang makapagtapos ng tahimik sa college. Baka sakali na kapag tapos na ako mag-aral ay makakuha na ako ng mas maayos na trabaho na bubuhay sa akin.       “Labas muna ako. Wala naman tayong pasok bukas, ‘di ba?” paalam ko kay Ricselle. Abala siya sa kaniyang cell phone.     “Ikaw ang bahala,” simpleng sagot niya sa akin. Hindi na rin siya nag-abala pa na tingnan ako. Minsan ay naiinggit ako sa kaniya. Nabibili niya ang lahat ng mga gusto niya nang hindi nanghihinayang. Hindi siya nagdadalawang-isip na gastusin ang pera na ibinibigay sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Nakakainggit dahil ni hindi ko man lang magawa ‘yon. Hirap na hirap akong maka-survive sa buhay ko na ‘to.         Nagpunta ako sa isang convenient store para bumili ng beer. Para matanggal kahit papaano ang stress ko. Nakakalungkot na nabawasan ako ng source of income sa buhay. Kahit na alam ko sa sarili ko na nagawa ko naman ng tama ang trabaho ko. Hindi ko lang matanggap na madali lang sa kanilang magsisante ng mga trabahador. Samantalang nahihirapan ako noon na maghanap ng trabaho at matanggap. Ganoon siguro talaga kapag may mga pera.  Mabuti na lang at hindi na ako hinanapan pa ng ID sa convenient store. Mukha na rin naman akong hindi estudyante kaya pinagbentahan na ako ng alak. Kung sabagay, legal age na nga pala ako. I’m already eighteen. Ramdam na ramdam ko na nga na matanda na ako at hindi na bata. Ni hindi ko man lang na-enjoy ng ayos ang kabataan ko, dahil sinubok na agad ako ng kahirapan.         Lumabas na ako ng convenient store at doon pumwesto sa labas. Wala naman na masyadong tao na dumaraann dahil gabi na. Sinimulan ko nang inumin ang beer na hawak ko. Nakatingala ako sa madilim na langit habang malalim ang iniisip.           Ano ba talaga ang purpose ko at bakit pa ako nabuhay sa mundong ito? Simula noong nanganak ako ay namatay na ang nanay ko. Samantalang ni hindi ko na matandaan ang itsura ng ama ko dahil limang taong gulang pa lamang ako nang namatay siya. Ang sabi ay namatay siya sa kakainom niya ng alak. Na-depress daw siya noong namatay si Mama. Ngunit ni wala man lang kaming litrato na dalawa. Pakiramdam ko ay hindi na siya naging masaya kahit na kasama niya ako. Siguro ay sinisisi niya ako kung bakit namatay si Mama, dahil ipinanganak pa ako.         Ni wala man lang kaming mga kamag-anak. Noong namatay si Papa ay dinala na ako sa isang bahay-ampunan. Doon ako nabuhay. Ni hindi ko man lang naranasan na mag-aral sa isang paaralan noong bata ako. Hindi ko naranasan na maglaro ng ayos sa labas. Mas ginusto ko na mag-aral na lang mag-isa, para kahit papaano ay hindi ako lumaking mangmang. Hanggang sa bago ako maging legal na edad, saka na ako umalis sa bahay-ampunan.       Hindi naging madali sa akin ang lahat. Ni piso ay wala ako noong umalis ako sa bahay-ampunan. Swerte na nga lang ako dahil natanggap pa ako sa scholarship sa college. Mabuti na rin at tinanggap ako kahit na hindi ako pumasok ng elementary hanggang high school. Pinatunayan ko na lang sa kanila na kada taon ay pinag-aaralan ko ang lahat ng tungkol sa bawat year level ko. Sagot na rin ng university ang titirahan ko, ang dorm, kaya wala na akong pinroblema sa paaralan. Naghanap ako ng maraming part-time jobs.         Pero sa bawat taon na lumilipas ay mas lalo akong nahihirapan. Hindi madali ang magtrabaho sa murang edad at kasabay pa ang pag-aaral ko. Ganito na lang ba ako habang-buhay? Hindi ko na alam kung ipagpapatuloy ko pa ba ang buhay ko o hindi na. Mag-isa lang din ako. Ilang taon na akong walang kaibigan o sino man na makakausap ko tungkol sa mga problema ko. Ganito pala kalungkot mabuhay nang mag-isa.   Patayin ko na lang kaya ang sarili ko ngayon kaysa mas mahirapan pa ako sa mga susunod na taon? 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook